Mahal kita, Inay (oneshot)

97 1 0
                                    

Hawak-hawak ang puting plastik na parihaba. Nanginginig ang kamay habang nakapako ang tingin sa dalawang pulang linyang naka marka sa gitna. Tumingin ang dalagita sa binata. Napaluha. “Bibili pa ako ng isa,” wika ng binatang puno nang pagdududa at takot ang mukha. Nagmamadali itong lumabas ng bahay. Sumakay ng motor. Iyon ang huling tagpo sa gunita ng dalagita, humagibis papalayo sa kanilang mag-ina. Madalas na napapabalikwas, baka sakaling magbalik. Bigo.

Masikip. Madilim. Nababalutan ng tubig ang lugar ngunit sapat naman ang init para hindi ginawin ang hubad kong kabuuan. Halatang hindi pa ganap na handa ang katawan para dalhin ang isang tulad ko. Hindi rin ako sigurado kung handa na ang puso’t isipan. Kahit tahimik dito sa loob alam ko – ramdam ko. Produkto lamang ako nang mapangahas na pagnanasa. Nararamdaman ko ang iyong nararamdaman. Kasiyahan. Galit. Takot. Lungkot. Tila ba ang pising nakakabit sa aking tiyan patungo sa kung saan ang may dahilan para maintindihan kita. Para maramdaman kita. Minsan nga sinabi mo “ Walang bayag ang tatay mo. Iniwan ako.” May bigat ang bawat kataga. May pinanggagalingan ang bawat luha. Dagli akong napatingin sa pagitan ng aking mga hita , mayroon ako, hindi kalakihan pero sapat na siguro para hindi ka iwanan.

Ang iyong sinapupunan ang aking naging pansamantalang tahanan. Madalas hindi sapat ang nutrisyong ating pinaghahatian. Pero ewan ko ba. Pakiramdam ko ito pa rin ang pinakaligtas na lugar sa mundo. Ang kalingang binibigay nito ang nagsilbi kong nutrisyon. Ang proteksiyong pinagkakaloob nito ang nagsilbing dahilan para maramdaman ko ang iyong pagmamahal.Bagay na akala ko ay totoo.

Lumipas ang mga araw , unti-unti kong nararamdaman ang pagsikip ng lugar. Siguro kasi lumalaki na ‘ko. O siguro kasi nararamdaman ko na hindi mo gustong nandito pa ako. Imbis na bitamina ay puting tableta ang iniinom mo araw-araw. Ang bawat lagok ng isang piraso nito ang nangusap sa akin ng iyong pagkamuhi. Nang iyong galit at pighati. Ilang oras matapos mong inumin ang mga maliliit na puting tableta ay unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit. Parang pinupunit ang aking balat. Parang sinusunog ang aking mga buto ,parang iniipit ang aking mga laman, parang sinasakal ang aking leeg. Bumibilis ang aking paghinga. Bumibilis ang tibok ng aking puso. Masakit. Sobrang sakit. Pero wala na palang mas sasakit pa noong malaman ko na pinagsisihan mo na nabuo ang isang tulad ko. Sakit na hindi kayang ilarawan ng salita. Sakit na walang katulad. Sakit na kumikitil sa pag-asa kong maging kabalikat mo. Sana. Sakit na tanging luha na lamang ang kaya kong itugon. Sa akin ka sana huhugot ng lakas at pag-asa para makabangon.

Gusto kong malaman mo na pinilit kong lumaban para mabuhay — kahit ayaw mo. Matigas ang ulo ko. Masisisi mo ba ako kung gusto kong makita ang mukha mo , ang mga mata mong nakatingin sa akin , ang matatamis mong ngiti. Masisisi mo ba ako kung gusto ko lamang maramdaman ang mga labi mong dumadampi sa aking noo bago matulog sa gabi. Pangarap kong matawag kang “inay” , pangarap kong marinig iyon ng dalawa mong tainga. Pangarap kong maramdaman na bukod sa loob ng iyong tiyan mayroon pang ligtas na lugar sa mundo – sa bisig mo. Pinilit kong lumaban para mahalin ka. Gusto kong maramdaman mo iyon. Sana binigyan mo ako ng pagkakataon.

Kasabay ng paglaki ng iyong tiyan ay ang paglaki ng galit sa iyong puso. Gayunpaman , pinili ko pa ring pakinggan ang bawat tibok nito kahit nakabibinging galit lamang ang aking naririnig. Ang sarap kasing malaman na minsan nagsasabay ang pintig ng mga puso natin kahit magkaiba ang sinasabi.

Nanay, sabihin mo sakin kung ano ang problema?

Bakit madalas kang umiiyak?

Bakit lagi nalang kayong nag-aaway ni Itay sa tuwing magkikita kayo?

Ayaw nyo ba sakin? Gagawin ko lahat ng makakaya ko para magustuhan nyo ako..

Makalipas ang 3 buwan, lagi nalang malungkot si Inay. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Naguguluhan na ako.. Nagpunta tayo sa doctor ngayon at babalik bukas. Hindi ko malaman kung bakit ang laki ng tuwa ko at ikaw hindi.

Nay, saan tayo pupunta ? Ano ang nangyayari?

Nay, hindi ito ang normal na pantulog mo, huwag kang hihiga. At tsaka, hindi pa ako pagod, gusto ko pang maglaro.

uhh! ano ito? anong ginagawa nito sa bahay ko?

Bagong laruan po ba ito?

Ha!! bakit hinihigop nito ang bahay ko?

Pakiusap, huwag mo kong hilahin, HUWAG!! huwagg..!! ;((  Huwag mo kong lapitan, nakikiusap ako, nasasaktan ako..

Hindi mo ba nakikita?? maliit pa ako, 'di ko pa kayang ipagtanggol ang sarili ko.

Inay, pigilan mo sila, kamay ko yan.

Inay, yung binti ko, mapupunit na !!..

Ipagtanggol mo ko Inay..

Tulungan mo ko Inay.. :(((

Sabihin mo na tumigil na sila, titigil na rin ako sa pagsipa sa kanila ..

Paano nangyari ang mga ganito at may mga taong gumagawa nito sakin ??

Oh, Inay..!!! hindi ko na kaya ... .. tu... .. long.. !! :((

17 years na ang nakakalipas nang pinili mo ang kapalarang ito. Ngayon nagdurusa ka sa kaka-isip ng lahat. Huwag kang umiyak, alalahanin mo na maha na mahal kita Inay at bukas palad akung naghihintay sa'yo Inay.

Nagmamahal ng lubos,

Ang iyong ANAK.

_________________________------------------------------------------------

whuuaa! nkakaiyak grabeee :((( STOP abortion na po kasi. . kawawa po kasi yung mga batang ipinapalaglag niyo lang!! huhuhu .. Kung ayaw nyo pong magkaroon ng anak, pwedeng akin nlang yung baby nyo HAHAHA pero syempre joke lang yun , pffft! LOL xDD yun nga, pwde naman pong ipaampon nalang yung baby kesa ipalaglag Malaking kasalanan po ang magpa-laglag.

Paalala:

kung ipalalaglag niyo lang ang bata na nasa loob sinapupunan siguradohin nyong di kayo mamamatay sa konsensha at di lang yun Kakarmahin kayo ng husto at mumultuhin nung baby nyo HAHAHA bleeeh!! :pp wag kayong magSOMETHING SOMETHING kung di niyo rin pala kayang paninindigan ang inyong binuo. ^___^

Kalerkey ang peg, naiiyak ako habang nagtatype nito. huhuhu Sana may matutunan man kayo kahit konti lang at sana nagustuhan iyo ng husto itong All Against Abortion story. :)) 

PLEASE VOTE AND COMMENT ...

THANK YOU, SA SUSUNOD ULIT ^____^

#iLoveKPOPmE (Genevieve Mata)

Nasaan ba talaga ang langit inay?

Sabi nila ang mga sanggol daw ay mga anghel na galing sa langit. Hindi ko naman akalaing babalik pala agad ako ‘don.

Magkikita pa kaya tayo?

Sana...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kita, Inay (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon