Kahit pa (one shot)

24 1 0
                                    

'ang tagal naman naiinip na ko.'

bulong ni Florence sa kanyang sarili.

Nasa party kasi siya ng isang private university.

Hindi naman talaga siya doon nag-aaral pero pinilit niyang makapunta dahil gusto niyang makisaya sa party ng pangarap niyang school at higit sa lahat may gusto siyang makita na doon nag-aaral.

"Rence, magikot-ikot muna kaya tayo? di pa naman nagsisimula eh"

aya sa kanya ng isa sa mga kasama niya.

Nagdadalawang isip siyang umalis sa kanyang pwesto dahil baka kapag umalis siya doon ay bigla namang dumating yung hinahanap niya.

"Oo nga, malay mo naman sa paglalakad-lakad natin makita na natin si Aeoprmgoammm" tinakpan niya ang bibig ng kaibigan niya ng akmang banggitin nito ang pangalan ng kanyang hinahanap.

"Ano ka ba, wag ka ngang maingay. Alam mo namang sikat na yun ngayon eh. Malamang kapag may nakarinig sayo awayin tayo dito."

Tinanggal niya na rin ang kamay niya sa bibig ng kaibigan niya pagkatapos niyang magsalita.

"Exactly! Sikat na siya kaya normal na ang pag-usapan siya. Wag ka ngang paranoid!"

"Ay, oo na oo na! Tara na nga!"

Naglakad-lakad na nga sila ng kanyang mga kaibigan.

Sa kanilang paglalakad marami silang naririnig na usapan ng mga estudyante ng university.

'Hey, have you seen Aeron? He's like so handsome and hot kanina! Omg!'

'I know right! Si Louise din kaya and also Jappha! so hot and gwapo! There really like so boyfriend material, myghad!'

'Girl, alam mo ba Aeron has a girlfriend daw pero not from here.'

'really eh how did they met if she's not from here?'

'Fan girl daw! I heard she's from this cheap public university daw, like eww! hahaha.'

'Yuh! That's really eww and IMPOSSIBLE! I sure that pathetic fan girl is just fantasizing!'

Napayuko na lang si Florence sa mga naririnig niya.

Alam naman niyang ganito ang mga tao dito, inihanda na niya ang sarili niya para sa mga ganitong bagay noong nagpaplano pa lang siyang pumunta rito.

'yung totoo?! hinanda ko na sarili ko sa mga maririnig ko pero bakit nasasaktan pa rin ako? kahit pa subukan kong hindi pakinggan at wag pansinin ang mga nagbubulungan parang nananadya sila na iparinig sakin?' isip-isip niya.

"guys, CR lang ako." hindi na niya inantay pa ang pagsagot ng mga kaibigan at nagdirediretcho na papuntang CR.

Sakto naman na walang tao kaya't sinara niya ang pintuan at nagsimula na tumulo ang luha niya.

Sinubukan niyang pigilan ito pero mas lalo lang siyang naiiyak kaya't hinayaan na lang niya ito.

Humarap siya sa salamin at tinignan ang kanyang sarili.

'paano nga naman magkakagusto ang isang Aeron Sandoval sa isang katulad ko? Ang swerte ng magiging girlfriend niya! Sana ako na lang yung sinasabi nila, sana kami na lang talaga pero hindi eh. Asa pa naman ako na magustuhan niya ko. Hanggang pangarap na lang talaga yun no! hahahaha. Bwiset! para akong baliw dito ano ba to!'

(Text)

'Hey, where you at? Kala ko ba pupunta ka party namin?'

Nagulat naman siya at saka nagpunas ng kanyang luha at nireplyan ang nagtext.

Kahit pa (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon