KATE POV:
"Mama, papa, huwag niyo po akong iwan. Sasama po ako." pakiusap ko sakanila.
"Dito ka nalang, anak. Ilang araw lang naman kami eh." sabi ni papa.
"Pero gusto ko pong sumama. Sige na po. Gusto kong sumama."
"Shh. Baby, huwag nang matigas ang ulo. Nandito naman sila Ate. Hindi ka nila pababayaan." umiling-iling ako sa sinabi ni papa. No. Gusto kong sumama. Kahit anong mangyari. Ayaw kong maiwan dito kasama sila tita.
"At saka, start na ang pasukan, diba ayaw mong umabsent?" sabi ni Mama.
"Pero po----"
Nagulat kami sa biglaang pagbukas ng pintuan. Iniluwa nun sila Tita at Tito.
"Ate, ikaw na munang bahala kay Kate. Ilang araw lang naman kami." papa
"Ano ka ba, parang iba naman ako. Oo naman, ako nang bahala kay Kate. Close naman kami eh." sabay ngiti niya. Pero ibang ngiti. Ngiting nakakatakot. Ngiting nakakapangilabot. Ngiting alam mong may hindi magandang mangyayari.
"Pa-pa. Ma-ma." tawag ko pero bigla nalang dumilim. Sila tita at tito nalang ang tanging nakikita ko.
"HA! HA! HA! Kate! Kate! Kate! Iniwan ka na ng mga magulang mo sa amin. Anong akala mo? Magbubuhay prinsesa ka dito? Nagkakamali ka. HA HA HA!" umiiyak na ako dahil sa sinabi niya. Natatakot na ako sakaniya. Lumalapit sila pero pilit akong lumalayo sa kanila.
"Huwag po! Sasama ako kila Papa." iyak ko pero tumawa lang sila.
"HA! Anong sasama?! Dito ka lang! Anong akala mo, makakalabas ka pa dito? HA!! Dito ka lang. Dito ka lang habangbuhay!"
Napamulat ako. Panaginip. Lagi nalang. Lagi nalang ganito ang panaginip ko.
Bumangon na ako sa kama at binuksan ang bintana. Napangiti ako. Ang masaganang hangin sa umaga, ang init na galing sa araw, ang mga ingay na ginagawa ng mga alagang hayop ng kapitbahay.
Pumunta na ako sa banyo. Nagulat ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Parang isang taon akong hindi nagsuklay. Natawa nalang ako at ginawa na ang morning rituals ko. Pagkatapos, dumiretso na ako sa study table ko. Napansin ko ang isang music box. Ang music box na iniregalo sakin nila papa nung 10 y/o ako. Bubuksan ko na sana pero biglang may kumalabog sa labas.
-TOK!-TOK!-TOK!-
Agad- agad ko itong binuksan.
*BLAG*
"ANO BANG GINAGAWA MONG BATA KA?! BAKIT HINDI KA PA NAGLULUTO?! ANO SA TINGIN MONG ORAS NA!!!?" bati ni tita sa akin. Tumayo ako dahil sa pagkakatulak niya sakin kanina at humingi ng pasensya. "Sorry. Sorry. BILISAN MO NA!" sigaw niya at lumabas na nang kwarto ko.
Ang ganda ng bati para sa umaga. Binilisan ko nalang at dumiretso na sa kusina. Nadatnan ko si tito na nagkakape.
"Good morning po." bati ko at agad-agad na hinalungkat ang ref.
"Bilisan mo na." inis na sabi ni tito. Sinimulan ko nalang magluto ng pritong itlog at bacon. After ilang minuto, tapos na ako at nag ayos na sa lamesa.
"Tawagin mo na sila." utos ni tito sakin at agad akong tumalima.
Nasa tapat na ako ng kwarto ni tita nang may marinig ako.
"Mommy, hanggang kailan dito si Kate?"
"Habangbuhay, anak. Hindi na siya makakaalis dito."
"Pero, hindi na po ba siya mag-aaral? Pasukan na po kasi."
"Tumahimik ka! Hindi na siya lalabas sa bahay na ito at lalong hindi siya mag-aaral!"
"P-Pero mo---"
Napayuko nalang ako nang may narinig akong kumalampag. Napabuntong hininga nalang ako at kumatok. Nagalit sa akin si Tita sa di malamang dahilan at bumaba na siya. Naiwan ako sa kwarto ng pinsan ko.
"Ahm. Kakain na." nagulat siya ng makita ako. Nakahawak siya sa kabilang pisngi niya. Ngumiti siya sakin na halatang pilit lang.
"Sige. Sabay na tayo." hinwakan niya ang kamay ko. Sabay kaming bumaba. Bigla nalang din niya akong binitawan nang makarating na kami sa kusina.
"Tss. Bagal." sabi ni Tita. "Bilisan mo na, anak. Baka malate ka."
Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos, nagligpit na ako.
"Bye po. Pasok na ako." paalam ni pinsan at umalis na.
"Kate." napatigil ako sa paghuhugas ng plato. "Dito ka lang. Huwag kang lumabas. May pupuntahan lang kami ng tita mo." tumango nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
After 30 min.
Mag-isa nalang ako dito sa bahay. Kahit gusto kong mamasyal hindi pwede, dahil nakalock ang labas nitong bahay.
"Hay." lagi nalang ganito. Humiga ako sa sofa at tinitigan ang kisame. Kailan kaya ulit ako makakalabas? Napabalikwas ako ng bangon nang may naalala ako. Bilis bilis akong umakyat sa kwarto ko. Itinulak ko ang isang button na nakadikit sa dingding at automatic na itong nag open. Secret room ito na kaming dalawa lang ni papa ang nakaka alam.
Itong room na ito ay music room. Mostly sa mga common instruments nandun.
Nilapitan ko ang piano. Ito ang pinakafavorite kong instrument. Umupo ako at nagsimulang tumugtog. Canon Rock. Ito ang first piece na itinuro sa akin ni papa. Musician kasi siya. Sakanya ako nagmana sa kahiligan sa musika.
Ang pagtugtog ang gawain ko kung naiiwan akong mag isa. Kumbaga, ang mga musical instruments ang bestfriends ko. Ayos lang sa akin ang ganitong set up as long as hindi nila ako maririnig. Dahil once na marinig ako ni tita or ni tito, it's over. Tapos na. Hindi ko na mapapasok ang room na ito kahit kailan.
Ako nga pala si Aarohi Kate Viloria. 17 y/o. Ulila na. Nakatira kasama sila Tita. At kung iniisip niyong masaya ang buhay ko, hindi. Dahil simula nang iniwan ako ng mga magulang ko sa puder nila Tita, naging miserable na ang buhay ko. Nakakulong ako dito sa bahay. Yes, literally, kulong talaga. Wala na akong pinagkaiba sa mga presong nasa kulungan, ang iba lang, ako walang kasalanan sila may ginawang mali. Kaya simula nuon, hindi ko na alam ang mga pangyayari sa labas. Ewan ko ba kung bakit? Pero, galit na galit sa akin si Tita na kulang nalang ipatapon niya ako sa Bermuda Triangle, kaya ang pagkulong sa akin ang ginawa niyang parusa ko.