32nd Record: MATTEO (Hired)

247 11 5
                                    

Sa kabutihang palad ay natanggap ako agad sa SEO University. At mag uumpisa na ako sa pagtuturo sa pasukan.

Nasa loob ako ng kwarto ni Steffi ngayon at pinagmamasdan siya sa pagtulog. Hinaplos ko yung buhok niya. Naalala ko tuloy lahat ng mga masasayang ala-ala namin. Yung lahta ng mga bagay na pinagdaanan namin.

Lumabas ako at tumingin sa mga bituin. Umaasa ako na nakikita din ng mga anak ko yung mga bituin sa gabing ito.

Dahil sa hindi maiiwasang mga pangyayari madaming bagay na din ang humadlang sa pagsasama namin ni Steffi. Una na dyan noong mawala ako sa Earth at bumalik sa planeta ko. Pangalawa naman ay si Jackson Lee na pilit tumakas para makapaghiganti. Pangatlo naman ay si Dominic Han na minsan ng naging dahilan ng pagkamatay ni Steffi. At ngayon, hanggang ngayon ay hindi pa din siya tumitigil pati ang mga anak namin ay nadamay.

Hiling ko lang na maging masaya na kami. Na makahanap pa ako ng paraan para makabalik sa present at mailayo si Steffi sa mga kamay ni Dominic. Ang tanging pag-asa ko nalang ngayon na pinanghahawakan ay ang mga anak ko. Si Teo At Soffi. Kung nasaan man sila sana ay ligtas sila. Naniniwala ako na buhay sila. Malakas ang kutob ko na kasama ko silang nakatingin sa mabituing kalangitan ngayong gabi.

Kinabukasan ay nagkwento pa si Ate Thania sa mga nangyari noong nawala ako.

"Nabanggit mo si Luna ate. Kumusta siya?"

"Si Luna ay isang hamak na bata lamang na ginamit ni Dominic Han para makakuha ng impormasyon kay Steffi."

"Paano niya ginawa iyon?"

"Kinontrol niya yung isip ni Luna. At naglagay siya ng maliit na chip sa damit ni Luma kaya naririnig niya lahat kung ano man ang pinag-uusapan."

Nag-init lang lalo ang dugo ko dahil pati ang batang iyon ay ginamit niya.

"Nasaan ngayon si Luna?"

"Matteo hindi namin alam. Bigla lang siyang nawala noong mawala ang mga anak ni Steffi. Wala na kaming balita buhat noon."

"Wala bang pamilya si Luna?"

"Wala Matteo napag-alaman ko na galing siya sa bahay ampunan at inoadopt siya ni Dominic."

"Sana naman ay nasa mabuti siyang kalagayan."

Lumipas ang mga araw. Pinagpatuloy ko pa din ang paghahanap kila Teo at Soffi naghanap ako sa mga phone directories, hanggang sa social networking sites pero hindi ko sila nakita.

Bagamat bigo pa din ako sa paghahanap sa kanila nakikita ko naman na unti-unting nagiging maayos ang kalagayan ni Steffi.

Isang araw nga ay ganito ang nangyari.

Sarap na sarap pa ang tulog ko noon ng biglang ginising ako ni Steffi.

"Matteo tumayo kana. May surprise ako sayo!"

Masayang masaya siya. Hindi ko alam kung totoo pero pinipilit niyang maging masaya sa kapag nasa harap niya ako.

"Matteo pinagluto ka namin ni Sis Thania ng breakfast!"

Kumain kami ng masaya.

Pero sa tuwing naalala niya ang mga anak namin o naririnig ang tungkol sa kanila ay nawawala siya sa sarili at natutula. Ilang sandali lang ay makikita mo nalang siyang lumuluha. Kapag nangyari ang mga ganitong situation wala nalang akong nagagawa kundi yakapin siya.

Lumipas ang isang buwan, mag-uumpisa na ang klase sa SEO University. Kinailangan kong maghanda para sa mga lessons and subjects na hahawakan ko. Masaya ako na makapagtuturo ulit ako. Katulad ng dati. Masaya ako sa pagshashare ng kaalaman at experience sa mga estudyante ko.

Pagtapak ko sa harap ng Gate ng Seo University naalala ko ang mga anak ko. Nag-aaral din kaya sila. Nagtratrabaho na ba sila? Hindi ko alam pero sana ligtas sila.

Mainit akong winelcome ng mga co-instructors ko.

"Mr. Do pinapatawag po kayo sa office." Sabi ng isang assistant sa faculty room.

Pumunta naman ako agad at doon ko nakilala si Mrs. Evelyn Shin.

"Good Morning Mr. Do. Ako nga pala ang Head ng Senior High Department sa University na ito. Kumusta naman ang unang araw mo?"

"Maayos naman po."

"Nakita ko sa resume mo na napakarami mo ng experience sa pagtuturo at naramdaman ko na qualified ka talaga para sa position. Aware ka naman na magtuturo ka sa mga higher sections hindi ba?"

"Opo."

"Isa sa mga tuturuan mo ay yung sa Room 4-A. Napupunta sa section na iyon ang mga students na scholars at matataas ang academic performance. Kaya dapat mapakita mo talaga na qualified ka for teaching them ok?"

"Okay po."

"Well goodluck. And sana maenjoy mo yung pagtuturo mo dito sa Seo University."

Saka na ako nagpasalamat at bumalik sa Faculty Room.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon