KABANATA 20

762 20 2
                                    

CLARENCE POV

Magkahawak kamay kami ni Aila habang naglalakad kami pauwi. Kagagaling lang kasi namin sa may bayan. Binili namin ang ilang gamit na kailangan namin.

"Mak, anong meron dun?" Napatingin ako sa itinuro niya, may mga kotseng nakaparada sa harap ng bahay nina lolo Tiago. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang plate number ng isa sa mga kotseng nakaparada. Kotse nina papa at mama yun and I'm sure with that.

"Mak, are you okay?"

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Aila. Hindi ko kayang mawala sa akin si Aila at hindi ako papayag na paghiwalayin nila kami ulit.

"Mak, anong nangyayari? Saan tayo pupunta?" Gulat at nagtataka niyang tanong.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at hinila ko na lang siya palayo sa lugar na iyon.

"Clarence!"

Napabaling ako sa likuran ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni mama. Nakatingin siya sa akin... Sa amin ni Aila. Mas hinigpitan ko ang hawak ko kay Aila at sabay kaming tumakbo ng mabilis. Kahit tumatakbo kami ay nararandaman kong sinusundan nila kami. Tinignan ko si Aila, nakikita kong may takot sa mga mata niya. Kaya mas binilisan namin ang takbo namin habang magkahawak kamay.

Medyo nakakalayo na kami ng may makita kaming dalawang motor na huminto sa harapan namin.

"Bro,"

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang sina Darryl at Ryder iyon. Lumapit kami sa kanila.

"Bro, kailangan natin maka-alis agad dito" ani Darryl.

Kahit na nagtataka ako kung bakit sila nandito ay tumango lang ako sa kanila. Lumipat si Ryder sa likod ni Darryl, kaya lumapit kami ni Aila sa isang motor, at sumakay doon.

Pagkaandar ng motor ay agad ko na itong pinaharurot ng mabilis. Sobrang lakas ng tinok ng puso ko dahil sa takot na ilayo si Aila sa akin. Si Aila naman ay nakayakap sa akin ng mahigpit. Nakasunod lang kami kina Darryl kahit na hindi ko alam kung saan kami papunta pero may tiwala ako sa dalawang ugok na yun.

Medyo malayo na kami nang marandaman kong medyo lumuwag ang kapit sa akin ni Aila. Tinignan ko siya at nakita kong namimilipit siya sa sakit.

"Mak, anong nangyayari sayo?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Sobrang sakit ng puson ko Mak. Ang sakit sakit"

Halos maiyak na siya, kaya mas binilisan ko ang takbo ng motor ko. Medyo nilapitan ko sina Ryder at Darryl at sinabi ko na pumunta muna kami sa pinakamalapit na Hospital. Tumango naman sila.

After few minutes ay nakarating naman agad kami. Pagkababa namin sa motor ay doon ko lang nakita na dinudugo pala si Aila, kaya lalong nadagdagan ang kaba ko nang maisip ko ang posibleng dahilan nun. Dammit!

"M-Mak... Mak are you okay?" Lalo lumakas ang kabog ng dibdib ko sa posibleng mangyari. Tangina. Bakit hindi ko agad naisip ang ganitong bagay.

Hindi na niya ko nasagot dahil bigla siyang nawalan ng malay.


— Hazlyn Styles —

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon