IKALABING-WALONG KAPITULO
(Mark Jayson's POV)
"Tigilan mo nga ako sa mga hugot mo, p're." sabi sa'kin ni Stan Lee. Tinawanan ko nalang siya kaya natawa na rin siya.
"Oy! Umiiyak na nga si Andrea, nagagawa niyo pang tumawa!" pagtataray ni Joanna.
"Eh anong gusto mo? Umiyak din kami?" pamimilosopo ko. Medyo nakakapikon na din kasi ang babaeng 'to. Kung 'di lang talaga 'to babae, nako..
"E-ewan ko sa inyo!" Sinubukan niya pang magtaray pero nakita ko na ang mga labi niyang nagpipigil na ngumiti.
"Tss."
"Oy, 'wag na kayo mag-away. Tara na at hanapin nalang natin si Smile." sabat ni Cricel. "Andeng, okay ka na?"
Tumango naman si Andrea at inayos ang sarili niya.
"Okay lang ako. Hanapin na natin si Smile."
"Hindi niyo na mahahanap 'yon." seryosong sabi ni Joanna kaya napatingin kami agad sa kanya.
"..Maliit 'yon eh!" dugtong niya at tumawa pa.
"Kinabahan ako do'n, be ah!" sabi ni Karen.
"Grabe talaga 'tong si Joanna!" singit ni Janna habang tawa ng tawa.
Natawa naman din kami pero nang magkatinginan kami ni Stan Lee, alam kong pareho kami ng iniisip.
Mukhang may kasama kaming killer sa grupo.
***
Group 3
(Chyarrel's POV)
"Uy, may elevator oh." sabi ni George kaya napukaw niya ang atensyon namin.
Lumapit kami sa kanya at tinignan ang elevator na tinutukoy niya. Ngayon pa lang namin nakita ang elevator na 'to. Since nasa second floor lang naman kasi ang ginagamit naming kwarto, hagdan ang gamit namin paakyat.
"Nakakatakot naman dyan. Makalawang pa." komento ni Joshua James nang matignang mabuti ang pinto ng elevator na halatang luma na.
"Gusto niyo bang maghagdan nalang tayo or gamitin 'tong elevator?" tanong ni Chanel.
"Elevator nalang!" sagot ko. Ang hirap kaya umakyat ng hagdan! Lalo na kung sobrang taba mo tulad ko. Hays.
"Sus! Tamad ka lang umakyat eh!" pang-aasar ni Leunize.
"Ako din, gusto ko mag-elevator nalang. Hahaha!" sabi ni Angelika.
"Eh ano pang hinihintay natin? Sakay na!" aya ni Julius.
Pinindot ni Julius ang button para bumaba sa floor na kinaroroonan namin ang elevator.
Pare-pareho kaming nakatingin sa screen sa gilid nito para malaman kung nasaang floor na ang elevator.
"Ang tagal ah." sabi ni George.
"Luma na kasi kaya ganyan." sabi ko.
A.. 4.. 3..
"Ay. Bakit tumigil?" tanong ni Leunize.
"Saang floor tumigil?" tanong ko. Medyo hindi ko kasi makita kung saang number tumigil yung elevator.
"Sa third floor." sagot ni Joshua James.
"Baka naman nasira-" natigil si Angelika nang umandar na ulit ang elevator at pababa na dito sa first floor.
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...