IKALABING-SIYAM NA KAPITULO
Group 5
(Xian's POV)
"Okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni JM. Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin ako. Alam niya kasing may pagka-matakutin ako. Sweet.
Tumango ako. "Okay lang ako, don't worry!" sagot ko at ngumiti.
Tumango lang din si JM at hindi na ako kinulit pa. Alam naman niya kasi na ka-close ko si Smile at talagang apektado ako sa pagkawala niya. Sobrang nag-aalala ako. Bukod pa do'n, iniisip ko kung sino ba ang killer, kung isa ba siya sa'min at kung bakit siya pumapatay.
"Xian, saan tayo magsisimula maghanap?" tanong ni Majel Ivy.
Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalitang boses mula sa walkie-talkie.
"Hello, guys? Guys? Si Chanel 'to. Mag-ingat kayo. Muntik na kaming mahuli ng killer kanina sa may elevator. Nakatakas kami. Ligtas kami kaya wala kayong dapat ipag-alala. Paki-check kung sino ang kulang sa inyo. Be alert."
Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ko sa walkie-talkie na pinahiram sa'min ni Christian Oliver. Hinaplos naman ni JM ang buhok ko para pakalmahin ako. Nararamdaman niya rin siguro ang panginginig ko. At ang pagpapawis ng palad ko na hawak niya.
"Galopo here. Copy that."
"Copy, ate Chanel. Ingat kayo, guys."
"Copy po. Group 6 here."
"Noted!"
"Copy, mga bes."
"Diomel 'to, copy."
"Always pray, guys."
Sabi ko at natahimik na lahat ng nasa linya. Itinago ko na ang walkie-talkie sa bulsa ng suot kong pantalon.
Hinarap ko ang mga kasama ko; si JM na nakasubsob na ang mukha sa leeg ko (medyo nahirapan akong gumalaw dahil do'n), sina Renz at Hope na tahimik lang, sina Majel Ivy at Camille na nakasandal sa isa't isa, at si France na mukhang hindi mapakali dahil kung ano-ano ang kinakalikot.
"Guys," napatingin silang lahat sa'kin and I could feel the pressure of being a leader.. again.
Huminga ako nang malalim. "Magiging mahirap 'to para sa'ting lahat. Well, okay, mahirap na. Pero gusto kong magtiwala kayo sa'kin bilang leader niyo. At sana.. Lagi nating ipanalangin kay God na walang mangyari sa'ting lahat."
Tumango naman sila kaya medyo napangiti ako.
"Okay game! Hanapin na natin ang asawa ni Natsu!" energetic na sigaw ko para pagaanin ang atmosphere.
"Ehem. 'Yong alaga yata ni Natsu ang tinutukoy mo." sabi ni JM kaya natawa kami.
"Oy grabe ka kay Smile!" sabi ni Camille. "Susumbong kita!"
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...