Chapter 29: Si Lucio - ang side kick ni Bossing Lucifer

85 8 9
                                    

Chapter 29: Si Lucio - ang side kick ni Bossing Lucifer

Lahat daw ng bagay sa mundo ay nabuo mula sa pagkakabalanse ng mabuti't masama, ng maganda't pangit - ng "Yin" at "Yang". Kung may malungkot, dapat mayroon ding masaya. Kung may mataas, laging kaakibat nito na mayroon ding mababa. Kung may langit, hindi puwedeng mawala ang lupa. Kapag may Anghel, ibig sabihin mayroon ding Demonyo. Laging ganoon ang sitwasyon, 'di ba? Para raw mabalanse ang kwento!


Ayon sa Biblia (Huwaw! Lakas maka-pastor! Lol.), hindi naman daw talaga masama ang Demonyo dati. Isa rin daw siyang Anghel. Isang napaka-kinang na bituin - si Lucifer. Pero dumating ang panahong kinuwestyon niya ang mga itinakda ng Diyos at nainggit sa kapangyarihang taglay ng poong lumalang sa lahat. Naging ganid daw siya sa kapangyarihan at inudyukan ang iba pang Anghel na sumama sa kanya upang magrebelde sa Diyos. Mula roon ay nabuo ang talambuhay ng pagiging Demonyo ni Satan. Pero ayon ulit sa Biblia, darating ang isang nakatakdang araw, kung saan ikukulong ng Diyos ang Demonyo sa impyerno kasama ng mga kaluluwang naakit niya, at iyon na nga ang araw ng paghuhukom.


Masarap isiping mayroon ding "Happily ever after.." ang Biblia, pero masalimuot na usapin ito at mukhang nasa maling storya ako nagkukwento ng mga ganitong anik-anik pang-relihiyon. Lol. Kung gusto niyo ng mga ganitong uri ng komplikadong kwento, punta kayo doon sa kapitbahay nitong story: "The concept of God and all things in between..." at magpakalunod kayo sa Ingles at sa dami ng nakakahilong topic. Lol.


For now, alamin muna natin kung sino yung lakas maka-action star na bagong character sa nakakabaliw na kwento nina Lourdes at Gabriel.

Okay!

Here we go!


**********************


"Naku, narinig niyo na ba 'yong nangyari sa pasyente ni Nurse Lourdes? Namatay daw dahil maling gamot 'yong napainom niya kanina.."

"Oo nga eh! Buti na lang nagawan ng paraan ni Ma'am Catacutan at hindi na nagdemanda yung mga pamilya at alam naman daw nilang terminally ill na yung pasyente at aksidente lang ang nangyari, pero sinuspindi pa rin si Lourdes.."


Ito ang mainit na tsismis na umiikot sa buong ospital sa nangyaring insidente na ikinasuspindi ni Lourdes. Lahat ng kaibigan ni Lourdes ay parang pinagsakluban ng langit at lupa para sa dalaga, pero sa kabila ng kalungkutan ng lahat, may isang nilalang na galak na galak sa mga nangyayari.


"Hello, Bossing? Opo, Boss! Tagumpay yung pagpapanggap kong pasyente kanina at umaayon sa plano natin ang lahat! Lugmok na sa kalungkutan si Lourdes. Mas madali na siyang mawawalan ng pag-asa at mas madali na siyang mapapasa-atin! Bwahahaha! Buwahaha..*ehek-hork* (nabilaukan)"


At sa isang kumpas ay naglaho ang suot niyang pam-pasyente at napalitan ng isang kumikinang na leather jacket na regular niyang costume bilang isang kontrabida. Matapos punasan ang laway sa pagkaka-ubo dahil sa feel na feel niyang paghalakhak kanina, hinugot na niya mula sa bulsa ang kanyang shades at bumangon mula sa higaan ng morge.


Nagpakawala siya sa ere ng isang mayabang na ngiti ng tagumpay at sumuntok sa langit na parang waging-wagi na siya sa kanyang mga plano pero natabig niya yung mga katabing bote sa higaan na lumikha ng matinding ingay na mas lalo pa sigurong naging eskandaloso kung hindi lang nasalo ng maitim niyang buntot ang dalawa sa mga bumagsak na bote.


"Letseng mga bote 'to! Panira ng moment! Makabalik na nga sa bahay nila Lourdes! Ito na ang tamang pagkakataon para makuha ko siya! Buwahahaha.. Bu-wah..Okay fine! Nakakapagod tumawa!"


At sa pagwagayway ng kanyang buntot ay kinain na siya ng apoy at nawala sa lugar na tanging maiitim na usok na lang ang iniwang bahid sa ere.


Sino siya? Siya si Lucio - ang demonyong itinalaga ng Bossing niyang si Lucifer upang maging kakumpetensya ni Anghel Gabriel sa kaluluwa ni Lourdes sa araw ng "pagtatawid".


Kasabay ng "araw ng pagtatakda" sa langit - kung saan itinatalaga ang mga Anghel dela Guardia sa mga pangangalagaan nila - ay ang "araw ng pagtatakda" rin sa Impyerno. Upang makamit ang balanse ng mundo, naghahati ang mabuti at masama sa mga kaluluwang sumisibol sa mundo ng mga tao. Bawat kaluluwa ay may kanya-kanyang mabuti at masamang bantay na magkukumpetensya sa pag-angkin sa kanila sa "araw ng pagtatawid" sa kabilang buhay.


"At mula ngayon ay tatawagin kang kabahagi ng pangalan ko. Ikaw si Lucio, isa sa mga anak ko at magtataglay ng lahat ng kapangyarihang kakailanganin mo upang maialay sa'kin ang kaluluwang makakasama natin dito sa nagbabagang dagat ng kumukulong asupre. Dito, kung saan ang mga kagaya natin ay walang humpay na mapupuspos ng poot sa Diyos. Humayo ka, anak ko! Dalhin mo ang kalawit na ito! Iyan ang magsisilbing komunikasyon natin sa pagitan ng dalawang nag-u-umpugang mundo.."


At mula sa kailaliman ng dagat-dagatang apoy ay umahon ang isang bakal na kalawit na korteng malaking tinidor na marka ng pagiging isang tunay na demonyo. Sinalo ito ng isang demonyong naka-jacket na lakas maka-Leo Martinez ang datingan. Hinipan niya ang mga naiwang alingasngas ng apoy sa gilid ng kalawit at hinimas itong tila manghang-mangha sa sandatang hawak. Ngumisi siya at lumabas ang dalawang naka-usling pangil. Ini-angat niya ang kalawit at walang anu-ano'y biglang itong nalusaw sa kanyang kamay at naging isang "Cell Phone" na may awesome red devil housing na may dalawang cute na sungay (Para raw wholesome yung characterization ng bad guys sa story. Lol.)


At nahawi ang mga "thought bubbles" sa ulo ni Lucio, tanda na natapos na ang pag-flashback ng mga ala-ala niya sa araw ng pagtatakda.


"Huwag kang mag-alala, bossing! Kung nabigo ako dati sa pag-u-udyok sa rapist na halayin si Lourdes at sa pagtutulak ng bus nila dati sa banghin, dahil lagi siyang nililigtas ng epal na si Gabriel, ngayong tao na siya, wala nang magliligtas sa kanya. Ito na ang pagkakataon natin. Paniguradong marupok ang pagkatao ni Lourdes ngayon dahil sa mga nangyari at ito na ang tsansa kong himukin siyang magpakamatay.. Mapapa-sa'kin ang kaluluwa niya. Buwahahaha! (Swabeng evil laugh)"


Tumagos si Lucio sa pintuan nila Lourdes at tanging bahid lang ng maitim na anino nito ang naiwan sa pintuan nila. Papalayo na. Papunta sa kinaroroonan ni Lourdes... sa kwarto sa taas kung saan ay ginugupo siya ng depresyon at isang masidhing kalungkutan dahil sa pagkamatay ng pasyente niya. Patuloy pa rin ang pamamalahaw ng halakhak ng naka-shades na demonyo. Humahalo sa tunog ng hagulgol ng dalaga.


Nabalot ng maiitim na ulap ang bahay nila Lourdes. Tila may isang trahedyang naghihintay na maganap...


********************

Nasaan na ba kasi sina Angelo't Kero-keropi sa mga ganitong intense na eksena? Lol. Magtagumpay kaya ang maitim na balak ni Lucio? Ito na ba ang magiging ending ng storyang ito? Dito na ba matatapos ang pagpupuyat ng author para lang makapag-post ng swabeng update na ina-abot ng buwan bago mai-publish? Mapapatay din kaya siya ng mga readers niya kung totoong dito na magwawakas ang lahat?

Abangan! (Lol)

Next Chapter: "Ang PAGPAPAKAMATAY ni Lourdes (All Caps para intense!)"

Estimated time of update: Next Month na ulit. Lol.

*Angel Hugs!* :)

Update is now posted on the next chapter! Enjoy! 08/07/2016

How to Marry A Guardian Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon