Saph
Iuuwi ko talaga itong box na binigay ni Sabel. Mamaya nalang ako magsusulat ng letter para sakanya. Ano sa tingin niya papatalo ako? Porket ba hindi ako lumalaban dati? Malamang hindi na. Paalala, mild lang to, di to engrandeng pasabog.
Umupo na ako sa upuan ko. Sakto at nag time na rin.
Tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Tinatamad talaga ako ngayon. May gig nanaman kasi ako ngayong gabi. Ang saya lang. Araw araw na para naman hindi malugi itong negosyo namin ni ate.
Medyo marami rami ang pumunta kahapon. Napansin ko yung squad ni Sabel, nadagdagan nanaman ng dalawang uto uto. So lima na pala silang pinulot sa tabing dagat ng maynila? Hmmm... who cares.
Nakita ko naman ang mga party animals sa school namin. Isa na doon ang famous dahil sa galing sumayaw na si Linsdale at ang shot addict na si Amanda. Meron din yung mga tinitilian ng mga girls, ang Set Five. Kinabibilangan ni Chase, Lance, Toby, Josiah at Alien... Zael pala. Sorry nag auto correct eh.
Bakit Set Five ang tawag sakanila? Malay ko ba. Bukod sa model silang lima, sanay sila sa harap ng camera. Kaya siguro set? Well wala na akong pake.
Speak of the number five, lima na rin sila Sabel ah.. hahaha. Recruiter na pala siya ngayon. CX
Naghanap siguro ng mga pwedeng katambal nung mga Set Five kaso pweh. Labo mangyari.
Hahaha nagsalita ang panget. Eh bakit ba? Kung sa mas maganda lang talaga ako. Hahaha. Whoops haba ng hair umabot na ng Kabilang Baryo.
Eh totoo naman diba? May ebidensya ako! Sa gabi nga lang pwedeng makita. Haaaay.
Kung pwede lang tanggalin itong attitude ko na ito. Lagi nalang ako nagtatago. Well, mas maganda naman talaga ang tahimik na buhay...
Eh pero bakit ang ingay naman yata? Anong kaguluhan nanaman yon? Napatingin ako sa crowded area.
"Hala! Kapal naman ng fess!" Ika duckling- este girl no. 1
"Harujusko! Ako dapat yan eee!" Ika girl no. 2
"Nahimik nga kayo! Wag kang peeling! Di kayo saging!" Ika girl no. 3 (ahy ang corny naman dis gurl)
Madami pang nagsalita kaya d ko na naintindihan lahat. Pero wow ha!
Dami naman nilang nagrereact! Ano ba yun?!? Tungkol saan???Ang ingaaaaay!
Lumapit ako sa pinagkumpulan ng mga babae. Ang dami nila ha! Ano meron. Sa paglapit ko ay saka naman ang pag divide nila para makadaan ako. Whoa... pinagpawisan yata ang mga palad ko dun ah! Phew!
Pagdating ko sa bulletin board na pinagkumpulan nila...
Nanlaki mata ko. Dinaig na yata ang mga glasses ko!
Sa bulletin board na iyon ay ang picture namin ni Zael na... *cough* na ano... basta alam niyo na... yung ano...
HAAAYS! Yung nangyari kahapon!! Sino naman kaya sa mga fangirls ng alien na yun may gawa nito at nang makalbo ko! ARGGHH!!
Napalunok ako. Ang iba nakatingin sakin. Tinignan ko ulit yung pic, natakpan ng buhok ko yung mukha ko. Hufff!!! Buti naman!!
Buti nalang may Water fountain sa tabi ng bulletin.
Lumapit ako dun sa fountain. May naka ready na na plastic cups sa tabi nito. Kunyari iinom lang ako.
Matapos uminom umalis na ako ng parang walang nangyari. Pero pinagpapawisan parin ako...
Pumunta ako sa likod ng school. Nawalan ako ng gana pumasok. Sino ba naman hindi? Ikaw ba naman makahalik ng alien? Oh my kadiri!
Lumayo pa ako hanggang sa naka layo na ako. Parang gubat na dito kaya naman...
YOU ARE READING
Nerd By Day, DJ By Night
Teen FictionAko si Saph Collene Suarez. Ang dakilang Nerd sa Sylvestrian High. Loner. Pangit. Pero matalino! Alangan namang pangit na nga boba pa diba? Magtira naman kayo ng magandang description para sakin! Anyway, galit ako sa isang lalaking nagngangalang Zae...