Waaaaaaaaah! Guys! Grabe T____T Really really sorry kung pinaghihintay ko kayo. Haay, may pinagdadaanan lang rin si author kaya nawalan ako ng gana. Ewan ko bakit sinipag ata ako mag-UD ngayon? Sorry guys ha. Pero salamat talaga sa patulog na naghihintay. :( Ito na po ang UD ko sa inyo. Sana magustuhan nyo!
Miss you all. Para kay chOcCoLayt ang chapter na ito na talaga nga namang nagpost pa sa wall ko. HAHA! :)
==========================================================
SIXTEEN
Goddess At The Campus
LUIGI'S POV
Ah, takte. Huling araw sa school at bukas weekend na. Di na ako makapaghintay pa! Bumangon na ako ng kama. Paglabas ko nang pinto, may nangangamoy nang mabango sa baba. Dahil dito nawala ang antok ko. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina. Pagdating ko dun...
"Hi, Ser! Good morning." bati sa akin ni Eva na naghahain ng breakfast sa lamesa. Ang tamis ng ngiti. Whoa? Napanganga talaga ako sa nakita ko. Marunong na agad sya magluto? Agad agad? Ayos ah! "Pinagluto kita, Ser. Para bago pumasok, may lakas ka." Tss. Lakas talaga? Napailing na lang ako at napangiti sa sinabi niya. Teka, teka? Ngumiti talaga ako?
Sumimangot na lang ako ulit at nagwalkout ng kusina. Napaisip talaga. Si Eva? Napangiti ako ngayong umaga? Putek. Hindi ko iniiexpect yun. Tss! Pero puta, di ko talaga makakalimutan ang sinabi niya sa akin na PANGIT daw ako? Wala pang nakapagsabi sa akin nun! Siya pa lang! Humanda talaga siya sa akin.
SHEKINAH'S POV
Sabay na kami ni Ser kumain ng breakfast. Hihihi. First time! Sana magustuhan nya ang luto ko. Aba! Nagbasa kaya ako ng magazine kung paano magprito nito. Pritong itlog lang naman with corned beef. Ok na yun!
"Hmm. Ano lasa, Ser?" tanong ko sa kanyang kakasubo pa lang. Nakita ko yung mukha nyang...ewan! Parang di pasado ata sa panlasa nya. Sumimangot tuloy ako. "Hindi ba masarap?"
"Kumain ka na nga. Daldal mo!" sabi nya. Nagpout ako. Lagi na lang. Di nya na-aapreciate ang ginagawa ko para sa kanya. Hays. "Ge, alis na ako." sabay tayo at uminom ng tubig. Pagtingin ko sa plato nya, naubos nya ang hinain ko. Yey! Hinabol ko sya papalabas ng pinto.
"Ser! Wait!" tawag ko. Bago pa man makalabas ng pintuan ay nilingon nya ako.
"Bakit?" lumapit ako sa kanya. Magkaharap na kaming dalawa. At magkalapit pa. Tinitigan ko sya sa mga mata una tapos sa labi niya. Gagayahin ko yung ginawa ng babae nung umalis ang mga anak niya.
Marahas kong ipinatong ang magkabila kong braso sa balikat nya. Nagulat sya. Pero di ko na lang pinansin dahil...hinalikan ko sya bigla sa kanyang pisngi. "Bye, Ser!" sabay ngiti ko. Inalis ko na rin ang mga braso kong nakapatong sa balikat nya. Naiwan syang tulala. Hmm.
Umiling-iling sya at lumabas na ng pinto. "Mag-aral ka ng mabuti! I love you, Ser!" pahabol ko. Tiningnan lang nya ako ng parang litong-lito. Aba? Ba't naman ganun makatingin yun? May problema ba sa ginawa ko?
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...