Chapter 17 Telling Her
Kung iniisip nyo na ako ang pinasok nila sa box na pinagkukwentuhan nila para sumayaw sa birthday celebrator, sinasabi ko sa inyo. Tama kayo.
Tinola lang talaga. Pilit nila akong pinasok sa kahon na yun na hindi ko alam kung saan nila nakuha. Tapos pinasok ako sa kwarto ng ate nya.
Lanya. Nakakahiya. Ayoko na balikan ang bangungot na yun.
Nyemas talaga. Wala man lang naawa sa akin kahit na isang kaluluwa. Pinagsuot lang nila akonng boxer shorts. Tuwang tuwa yung ate ni Maraneta. Pati mga kaibigan nya pinagpasa-pasahan ang kagwapuhan ko. Syet. Mga walang puso. Di na nahiya. Inalipusta nila ang kabataan ko =/
Bakit ba kasi di ko kayang tumanggi kay Frina? Shiz.
2:09 AM
Naglalakad na kami pauwi. Ayan. Kakatapos lang ng party. Actually di pa nga tapos. Niyaya ko ng umuwi si Frina dahil nga madaling araw na. Eepal na naman sana si Ramon. Buti na lang di pinayagan ng nanay nya. Wahahaha xD Ako pa rin ang naghatid kay Frina.
So yun na nga, hindi na ako nagpasundo pa kay Mang Gilbert. Gabi na, baka tulog na yun. Nakakahiya namang mang istorbo. Ang ending, nagcommute na kami ni Frina. Sa gate na lang kami bumaba kaya naglakad na lang talaga papasok sa village.
Binuhat ko na lang nga si Frina. Nagrereklamo na pagod na raw.
Hindi ko alam kung ano ang tinira ng baliw na 'to. Hindi sya lasing. Cocktail drinks lang kaya ang sinerve nila. Tinry ko din ang mga yun. Naghalo na siguro ang pagod at kung ano pa.
Sarado na karamihan ng mga bahay. Dalawa na lang nga ata kaming gumagala.
Maliwanag ang langit dahil sa mga bituin. Maingay ang paligid dahil sa mga kuliglig.
Inaantok na ako. Sana makarating na kami sa kanila T.T
Tahimik ang paligid ng magsalita si Frina, "Blue? Are you okay?" bulong nya sa akin. Halatang inaantok na rin. "You look exhausted.."
Wow. Di na sya manhid. "No. I'm okay.." sagot ko sa kanya.
Nakapikit na mga mata ni Frina, "Thank you ha.."
Naks. Ayos pala pag ganito, haha. Akalain nyong marunong pala 'to magpasalamat?"
Muli syang nagsalita, "Para ngayong araw. Salamat kasi sinamahan mo ako sa party ni Chrissy. Na sumayaw ka para kay ate Aira. Na hinatid mo pa ako pauwi. Free ride pa!" she chuckled. Wala na ata talaga sya sa sarili. Pero minsan lang 'to. Sasamantalahin ko na.
Napangiti ako, "Yun ba?" saka nagpatuloy sa paglalakad. "Wala yun. Anything for my lemon.."
Natahimik na ang kausap ko ah. Pinagpatuloy ko na lang speech ko. Sana nakikinig sya.
"You know what Frina? You still have that charm. Amuse na amuse pa rin ako sa'yo. Ewan ba kung ano ang meron ka na kahit hangul inaral ko mapatawad mo lang ako dati. Pag naaalala ko yun, natatawa ako."
Tahimik pa din sya.
"Sayang lang, sana dati grinab ko na ang chance. Natakot kasi ako. Ayan tuloy. Mukhang mauuna si Ramon,"
I breathed a deep sigh, "But no matter what happens, I will always be here for you. Naririnig mo ba?"
Hindi na sumagot si Frina.
Tumigil ako sa paglalakad, "Dito na tayo.." sa tapat ng bahay nila. "Frina?"
Hindi na sya sumagot pa. Tulog na pala. Y.Y