Maswerte ako sa kanya ♥

690 22 16
                                    

Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo , dahil may perfect boyfriend ako (=

Siya ang tagapagluto ko

Siya ang tagabili ng napkin ko

Siya ang lagi kong kausap

Siya ang tanggap kung ano at sino ako

Siya yung laging dinadalhan ako ng flowers

Siya yung kayang pakisamahan ako kht na may period ako

Siya yung luluhod para lang patawarin ko siya

Siya yung palagi akong nililibre

Siya yung tagabuhat ng bag or shopping bags ko

Siya yung hinding hindi ako kayang iwan at saktan

Siya yung handang masaktan ,maprotektahan lang ako.

Kahit na alam niyang ikakapahamak niya ito ...

Siguro nga maswerte ako dahil siya ang boyfriend ko .

Pero nagsisisi parin ako dahil ako ang dahilan ng paghihirap niya ..


Ako si Charity Del Fuerte . 21 yrs old. At may boyfriend akong si Ford Santos .

Siya ang tinutukoy kong perfect boyfriend ko ..

pero dahil sakin kaya siya nakaratay sa ospital , walang malay .

Sa madaling salita , comatose.

3 years ago , simula ng macomatose siya . Ng dahil sa pagprotekta niya sakin .  Sobrang lungkot ko nun , araw gabi ako nasa osptal para lang mabantayan siya . Napabayaan ko nun ang sarili 't pagaaral ko .

Pero wala akong paki , dahil ang gusto ko lang eh bantayan siya .

At ako ang una niyang makita pagdilat niya .

Sinabe na rin sakin ng pamilya namin na tumigil na ako , na wag na ako umasa . Pero di ko sila pinakinggan dahil alam ko , isang araw magigising din siya .

Nagtatrabaho nako ngayon , pero nagbabantay parin ako pagkagaling ko sa trabaho.

Lagi ko siyang kinakausap , minsan naiiyak nalang ako pero kinakaya ko para sa kanya.

Di sumagi sa isip ko ang iwan siya .. hinding hinde ..


--

Maswerte ako sa kanya ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon