Day Nine

649 5 0
                                    

Dear Diary,

             Iyak ako ng iyak dahil sa nangyari saamin ni James. Ako na nga itong nagmamagandang loob ako pa itong napuruhan? Kasalanan ito lahat ni Tina e. Nakakaasar!! Kahit gusto ko si James parang galit ako sakanya ngayon. Ewan ko ba. Kaya ko din pala magalit sa taong yon. Tina!! You have to pay for this!!!!!!!

Gumising ako ng nagmumugtong mga mata. Iyak kasi ako ng iyak kagabi hangang sa makatulog nalang. Hindi ako papasok ngayon. Kailangan ko pang bumili ng gown para sa prom bukas. At ayoko din makita si James. Bahala siya. Stay out of his way pala ha? Sige. I'll give him some space muna. Che!!

Naligo na ako at nagbihis na wala sa mood. Para bang ang laki laki ng problema ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako masyadong nagpapaapekto. Si James LANG naman yon!!

Pagtapos ng lahat ay umalis na ako ng bahay. Pumunta na ako sa mga nagtitinda ng gowns.

"Ate. Meron po ba kayong cocktail dress dito for prom??"

"Oo. Wait lang po"

"okay"

habang nagaabang ako nagtext saakin si Kayla

"Sis!! Bakit naman absent ka? Ang lungkot ko tuloy."

Reply ko naman "Bibili kasi ako ng gown for prom bukas at ayoko din munang makita si James"

"ay ganun ba? tsk. pwede naman kasi mamaya ka na bumili"

"eh mawawalan ako ng oras. pumasok ba si James?"

"Oo. Malungkot nga e. Ano ba kasing nangyari sainyo?"

"Basta. Mahabang storya. Kwento ko sayo pagnagkita na tayo. Nag away kami. Basta."

"aahh sige sige ingat nalang"

"thanks kaw din"

binigay na ng saleslady yung cocktail dress na hinihingi ko

"Bagay po eto sainyo. Red. Maputi po kasi kayo e. Gusto niyo po bang isukat?"

"osige salamat"

nagsukat na ako sa fitting room.

Wow. Ang ganda. Bagay nga saakin. Eto nalang siguro.

Pagtapos kong bayaran yung dress ay umalis na ako para bumili ng sapatos. Nako. Hindi pa naman ako marunong bumili ng ganyan. Baka hindi bumagay sa dress ko. Bahala na nga!

nag punta na ako sa shoe store.

ang daming choices. ang sarap mamili.

"How can I help you ma'am?"

"ano po bang babagay na shoes para sa red cocktail dress?"

"uh.. sunod po kayo saakin"

dinala niya ako sa mga high heels na shoes at ang gaganda. sana hindi mahal.

"eto po. pwede po etong red or black. kayo nalang po mamili"

"sige salamat."

sinukat ko din at iniimagine kung babagay ba silang dalawa.

..

..

nung nakapili na ako, binayaran ko narin. habang nagbabayad ako bigla akong may nakitang isang lalaki na parang namumukaan ko.

"Francis? Siya ba yon?"

binilisan kong magabayad. kinuha ko agad yung shoes ko at tumakbo papunta sakanya.

kinalabit ko siya "Excuse me?" nung humarap siya saakin

"ui Gale ikaw pala yan. anong ginagawa mo dito? hindi ka rin pala pumasok?"

"ay oo kasi nagpeprepare na ako para sa prom bukas. eh ikaw?"

"ganun din. susunduin pala kita sa house mo bukas mga 6 pm ha? ok lang ba?"

"wow thanks."

"saan nga pala house mo?"

binigay ko sakanya ang address ko at niyaya niya akong mag stroll muna sa mall. kumain kami sa fastfood at tsaka nag hiwalay na.

..

..

paguwi ko sa bahay saktong tumutunog yung phone ko

"patay! baka si James yan"

agad agad kong sinagot yung phone

"hello?"

"Gale!!!!" hay salamat babae ang boses

"sino to?"

"si Kayla"

"bakit?"

"Wala lang. Makikichismis lang. Musta na? Sino pala kadate mo?"

"Si Francis"

"sino si Francis?"

"ay siya yung nameet ko sa loob ng music room. niyaya niya kasi ako e. uhh.. Kayla. may tanong ako. hindi ba ako hinahanap ni James? or kamusta naman siya?"

"ah hindi naman. hindi ko alam e. pero hindi ko kasi siya masyadong nakikita. balita ko hindi siya pupunta sa prom bukas. bakit kaya? lam mo?"

"Oo. kasi may balak daw siyang yayain na girl pero naunahan na daw siya. sabi ko edi maghanap ka ng iba pero sabi niya yung girl lang na yon yung gusto niya"

"ha? e sino naman yon? baka ikaw"

"ui hindi noh! asa naman. imposible yon"

"okay Gale whatever hahaha. osya sige excited na ako para bukas. kitakits!"

"ok ako din e"

binaba na namin yung phone at bigla akong napaisip at nagsulat

hindi pupunta si James bukas. Sayang. Kahit galit ako sakanya pero gusto ko nandon siya. Baka sakali lang naman dun kami magkaayos. Pero kahit ganon itatry kong maging masaya kasi minsan lang yon mangyari.

Nilabas ko na yung mga isusuot ko bukas

"ate! pwede bang palabhan naman tong cocktail dress ko? dahan dahan ah? baka masira. thanks"

"okay eh ano bang meron bukas?"

"prom po namin"

si yaya Gina ay parang kapatid na ang turing ko sakanya kasi 16 years ko na siyang yaya. since birth siya na nag aalaga saakin. mabait kasi kaya close na kami

"ah siguro gwapo ang kadate mo noh?"

"ay ok lang po. pero, yung crush ko po kasi hindi pupunta e. tsk. magkagalit nga po kami ngayon"

"ha? bakit naman?"

"paano ko po ba maaayos yon?"

"edi mag sorry ka sakanya. or kausapin mo. subukan mong mag explain. alam ba niyang gusto mo siya?"

"hindi po e. hindi ko nga po alam kung kaya ko siyang kausapin ulit"

"kaya mo yan. naniniwala ako sayo. Ikaw pa. pinanganak ka kayang matapang ng mga magulang mo. ang hilig mo ngang sumipa nung bata ka pa e. ang sakit sakit hahaaha"

"ay hahaha sorry ate ah? hahaha sige strong ata toh! haha thanks"

"osya sige lalabhan ko na ito kaya mo yan goodnight"

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon