Prologue

13 0 2
                                    

Tumatakbo na akong papunta sa parke para lang makita siya. Sabi kasi nila Mommy aalis na daw siya. Pero bakit hindi niya sinasabi saakin? Naiiyak na ako sa ideyang ganoon. Iiwan na ba talaga niya ako? Akala koba bestfriend kami? Sabi niya walang lihiman e. Aalis na lang ba talaga siya na hindi nag papaalam saakin? Ganon na lang ba ako ka walang importansya sakanya?

Hingal na hingal akong dumating sa parke. Halos nag ka halo na nga ang luha at pawis ko. Hinanap ko siya sa buong lugar, una kong pinuntahan iyong unang parte ng parkeng ito, pumunta ako sa lagi naming pinag duduyanan kung saan palagi niya itong itinutulak ng malakas kapag nakasay ako roon. At tuwang tuwa naman ako kahit halos mahulog at mag tatalon na ang puso ko.

Naka rating na ako ngunit wala akong nakita 'ni anino niya. Parang nawalan ako ng pag-asa. Pero hindi! Ipinag pa tuloy ko ang paghahanap sakaniya dito sa parke. Sunod kong pinuntahan ang basketball court, doon  kami nag lalaro ng basketball, alam ko rin mag laro non kahit babae ako, tinuruan niya kasi ako. Baka nga mas magaling na ako sakaniya e. Hahahaha. 

Pero napa ngiti na lang ako ng mapakla ng makita kong wala siya roon. Wala na talaga siya. Iniwan na niya ako. Halos malibot ko na't lahat lahat wala parin akong nakikitang Jacey kahit man lang sana bakas ng paa niya na nanggaling siya rito ngunit wala.

Huh! Sabi niya walang lihiman kasi bestfriend kami? Pero bakit ano to? Sabi niya walang iwanan? Pero bakit wala na siya ngayon? Para na akong baliw na nag lalakad sa daan na naka ngiti ngunit may tumutulong luha. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Wala ako sa sariling nag lalakad. Halos wala na nga akong makita dahil sa mga tumutulong luha ko. Lumalabo ng ang paningin ko.

Parang may sariling isip na lang ang mga paa ko. Nakita kona lang ang sarili kong papunta sa burol nito, iyon yung sa dulo ng parke, medyo malayo na ito sa parke at halos wala ng pumupuntang tao rito, tila'y nakiki ramay pa sa akin ang langit kaya't bumuhos  na ang napaka lakas na ulan. Wala na akong pakeelam kung mabasa ako o manlamig. Wala rin akong pakeelam kung mag ka sakit ako.

Normal lang ang lakad ko kahit napaka lakas na ang ulan, halos wala na akong makita sa lakas ng ulan. Pataas na ako sa burol, na umiiyak parin. Nararamdaman ko ang init ng luhang tumutulo sa aking pisngi, nararamdaman ko rin ang lamig ng malakas ng ulan at hangin. Pero tila'y namanhid na rin. Nawalan ako ng lakas at gana. Parang nawala iyong kalahating parte ng katawan ko sa pag alis niya. Ewan koba kung bakit ganoon siya ka importante saakin. Pero ako sakaniya? Huh! Huwag kona lang isipin, mas lalo lamang akong nasasaktan.

Malapit na ako sa view deck kung saan dun ako sisilong , May roon iyong yerong kulay berde at mga bakal sa gilid kung kaya't ligtas ang lugar na ito. Medyo mataas kasi ang lugar na iyon.

Naka rating na ako dito sa view deck, halos ngayon ko lang na ramdaman ang sobrang  lamig. Pero wala parin akong pakeelam. Umupo ako sa isang upuang naroon.

Pinag mamasdan ko lang ang lakas ng ulan at hangin ngayon. Mukha yatang may bagyo ngayon ngunit hindi ako na inform. Kung normal na araw ko lang siguro to takot na takot na ako. Ngunit hindi! Ngayong araw na ito niya ako kinalimutan, binalewala at iniwan. Hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa iyong ulan parang yung luha ko. Hindi pa rin tumitigil.

Ang sakit sa puso, parang itong tinusok ng mga tinik. It fucking hurts and deep. Tila ba sa pag kawala niya'y nadurog ako, ang dating kong pusong buong buo ngayo'y wala na, nadurog na sa pinong pino at sobrang sakit yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MeaninglessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon