KRING KRING KRING KRING!!!!!
alarm clock yon parang telepono lang talaga. hay!!! humikab ako at tumayo na sa kama.
7 am
okay lang yan mamaya pa namang gabi yung prom. siguro mga 1 pm ako magsisimulang mag ayos.
nag internet muna ako, kumain, naligo, nag day dream at nag sulat
Dear Diary,
PROM NA NAMIN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! HOO!!! EXCITED NA AKO. haha. First time na hindi nerd ang partner ko. Saya. Pero ang hindi lang masaya ay wala dun si James. Sayang. Pero okay lang atleast hindi ako mabibwisit. Jokes. Nakakaexcite. Sigurado ako si Tina nanaman ang mananalo as Prom Queen. Lagi naman e. Siya naman lagi nakakahakot ng awards. Si James din lagi, pero this time wala siya. Sayang naman awards niya. Mapupunta lang sa iba. Imposible din naman na makakuha ako ng award. Ano kayang mangyayari sa araw na ito noh? Sana something new naman.
..
..
..
mga 12:30 na at nag pasya na akong mag handa. Pumunta na ako agad sa parlor para magpa hair and make up.
..
..
..
..
after 2 hours
..
..
ang tagal pala akong ayusan.
wow!!! ang ganda. chos!!!!!
nag bihis narin ako
..
..
..
..
..
nung 6:00 na
beep beep!!
nako!! Si Francis na!!
Lumabas na ako sa pintuan namin
nakita ko si Francis na nakatulala saakin at nakanganga ng onti
"oi Francis okay ka lang?"
"........"
"HOI!!!!!!" pinalo ko ang arms niya
"ay! uhh.. a-ang g-ganda m-mo n-naman"
"he! bolero. pero... hindi nga? okay lang ba?"
"Oo sobra hindi ko alam na ganyan ka pala"
"hay nako tara na nga sakay na tayo baka malate pa tayo e"
"s-sige"
binuksan niya ang pintuan para saakin.
Kinakabahan ako habang nakaupo lang sa tabi ni Francis. Marunong pala siya mag drive.
Nung nakadating na kami sa school, ang ganda ng school. Ang daming nakasabit at kung ano-ano ang decorations.
Pumasok kami at medyo madami narin ang tao. Sa isang malaking room sa dulo gagawin yung prom. Dito ginagawa lahat ng events kasi malaki ito. Kasing laki ng gym pero pwede pang party party.
Nag hahanap ako kung nandito ba si James pero wala pa. Mga 7 pa magsisimula ang prom
"ui Gale. dito ka na pala."
"hi Kayla!! excited na ako"
"ako din e"
malakas na ang music sa loob ng room parang nag sasayawan na yung iba.

BINABASA MO ANG
Dear Diary
FanfictionIt all starts with one "lost-and-found" notebook and everything changes!!