13 (one-shot)

68.4K 1K 246
                                    

13~

*Tok tok tok

Hayy nako. Andito na naman siya.

Panigurado magtatanong lang 'yan ng bagong style ng panliligaw, siguro may nakasalubong na namang chix. -_- Bakit ba ganun? Pwede naman kasi ako, kung sinu-sino pa ang nililigawan niya. Kapag ako, malay natin sagutin ko kaagad siya. Bakit ba kasi ang manhid niya? Eh sobra-sobra na nga yung pagpaparamdam na ginagawa ko eh. Lagi naman akong nasa tabi niya pero ayun siya, iba pa rin ang hinahanap.

Ano bang ayaw niya sakin? Mabait naman ako, maganda, may curves din naman ako. Maganda naman boses ko ah, gustong-gusto niya nga yun eh. Bakit ba hindi nalang ako? Mamahalin ko pa siya ng super-duper-uber! Hinding-hindi ako titingin sa ibang gwapo. Siya lang naman kasi eh! Siya lang yung nakakapagpatibok ng gan'to sa puso ko! Siya lang talaga! Walang iba! Kaso kasi never pa yata niya naconsider ang beauty ko. ><

*TOK TOK TOK

"Ry! Uy, pagbuksan mo naman ako!" Tawag niya sakin, at aba! Nilakasan pa talaga ang katok niya ah... Nagdadrama kaya ako dito! Panira ka din ng moment eh! -_-

"Oo! Wait lang! Atat lang!?" sigaw ko habang tumatayo. Tss. Epal talaga 'toh eh. Tutulo na nga 'yung luha ko eh.

Binuksan ko 'yung pinto at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Well, ang ineexpect ko kasi, pawisan si Kiell at iritadong-iritado na ang mukha kakahintay sa'kin. Pero ngayon, aba!, ngiti niya ang bumungad sakin at napakapresentable ng itsura niya. Ouch! Baka may sineseryoso na toh. Ang sakit lang.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya, habang nakangiti pa rin! ENEBEYEN, hindi ba niya alam na lalo akong nafa-fall sa bawat ngiti at kislap ng kanyang mga mata? Waaah!

"Ah eh, kasi... ahm." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Ano, sabihin ko, 'nagdadrama ako kasi hindi mo ako magustuhan!' o 'kasi pupunta ka lang dito para humingi ng advice sa liligawan mo tapos hindi mo naman mapansin na ako yung totoong nagmamahal sa'yo!'. Ayy, ang pangit pareho. Ang pathetic pakinggan. Aha! "Natutulog kasi ako! Ang ganda na nga ng panaginip ko eh, nililigawan daw ako nung taong mahal ko tapos bago matapos yung araw, sinagot ko kagad siya. Nanood nga kami ng sunset tapos hahalikan niya na dapat ako kaso biglang may kumatok ng malakas at nagsisisigaw! Sino kaya 'yun!?" nang-aasar na sabi ko. At mukhang effective dahil parang timang lang 'yung expression niya.

"Ahh, ganun ba? Sorry ahh. Pumunta lang kasi ako para ibigay sana sa'yo itong bulaklak at chocolates. Eto din palang cd ng paborito nating banda. Nagmamadali ako kasi papanoorin kasi natin sana yung sunset sa may park dahil sabi mo sa'kin dati na napakaromantic nun para sa'yo kaso nakalubog na yung araw eh saka parang iba naman yata yung gusto mong makasama dun. Nga pala, kakantahan din sana kita at tutugtugan kasi sabi mo din noon, tiyak na kikiligin ka kapag may gumawa nun sa'yo. Sorry ah, akala ko kasi may pag-asa ako sa'yo kaso yung lalaki sa panaginip mo pala ang gusto mo. Sorry talaga. Alis na ako ahh." Naluluhang sabi niya. Iniwan niya lahat ng dala niya sa may tapat ng pinto, yung bulaklak, chocolates, cd, pati na din yung gitara niya. Natameme ako sa mga sinabi niya, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil mahal niya din pala ako o dapat ba akong malungkot dahil nasaktan siya sa pagsisinungaling ko? Pinanood ko siya habang nakayukong naglalakad palayo. Bago siya lumiko patungo sa bahay niya, lumingon pa siya ulit at tumingin diretso sa mata ko at sinabing "I love you, Ryllie."

Naluha na ako nung sinabi niya yun, naglakad na uli siya.

"I love you, too Kiell." Sabi ko, sakto lang para marinig niya. Lumingon siya, nakatingin pa rin sa mata ko. Yumuko ako, nakakahiya eh.

13 (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon