Ano nga ba
ang likas na yaman?
Ano ang mga kabutihang
dulot nito sa atin?
Malayang taludturan
patungkol sa likas na yaman.
Kasiya-siyang talakayin,
upang tao’y pagmulatin.
Yamang lupa’y sagana
hilaw na materyales
dito nagmula.
Pangangailangan natin
sustentado kung baga.
Yamang gubat kay ganda
sariwang hangin dito matatamasa.
Mula sa magbukang liwayway
hanggang sa pagbaba ng araw.
Kabula-bulalas tanawing bigay ni Ama.
Yamang tubig kay daming gamit
sa kabahayan, pagsasaka, at pangingisda,
lahat ay maibubulalas “tubig!”.
Kay sarap mag tampisaw sa tubig na sariwa
mga isda’y naglalakihan at masigla.
Mineral nga’y hindi mapapalitan
ngunit ito ay nag-iwan ng ala-ala.
Nakatulong sa kabuhayan
kailan ma’y hindi malilimutan
dahil ang ambag nito’y panghabangbuhay.
Likas na yaman
tunay ngang kayamanan
pagkat si Ama ang nagbigay.
Ating linangin at pangalagaan
upang anak natin ay makinabang.
July 06, 2013 between 12:18am to 1:44am