Tiwala lang, babalik din yan.

97 4 3
                                    

Ito ang kwento ng lovelife ko..

.

. Kami ay magkaklasi lamang dati, hindi nagpapansinan dahil hindi naman kami close. Habang kami ay naglalakad kasama ang mga kagrupo namin sa isang project ay kinukulit ko siya at hinihila ang strap ng bra nya sa likod para mapitik sa kanya. habang ako ay pauwi, iniisip ko siya at gustong itext dahil parang namimiss ko siya. Habang kami ay magkatext umamin ako sa kanya na crush ko siya at siya rin ay umamin, sa araw na yun sila ay naghiwalay ng kanyang bf. Siya ay inutusan ko na huwag ng balikan dahil ayoko siyang masaktan. Sa mga sumunod na araw ay nagkakatext na kami lagi, sa araw na iyon ay may bagyo kaya wala kaming pasok. Habang kami ay nagkakatext, tinext ko siya ng Iloveyou crush, pero biro lang yun, hanggang sa maging totoo na parang mahal ko na siya. Ako ay laging nagpapaload para sa kanya, kahit minsan, nagsasawa akong katext siya dahil lagi nya akong natutulugan. Nang kami ay magkaroon na ng pasok, kami ay nahihiya sa isa't isa. Habang recess namin ay nagkakatext pa kami dahil nahihiya pa rin sa isa't isa. Nang kami ay mabuko sa mga kaklsi namin ay hiyang hiya kami, at sila ay naniniwala na kami ay magbf/gf na. Dumating ang araw na may theater tour kami. Kaming dalawa ay sabik at nagplanong magtatabi ng upuan habang nanunuod. Habng kami ay pauwi na, ako ay tumabi sa kanya, pero nahihiya ako dahil pinapahawak sa akin ng isa kong kaklasi ang kamay ng crush ko. Habang sila ay tulog, hinawakan ko ang kamay niya at tinakpan namin ng panyo. Ako ay masayang masaya dahil first time ko lang makipagholding hands. Nung ako ay nakauwe na sa bahay ay parang hawak ko pa rin ang kamay niya at iniisip siya. Tinext ko siya na (namimiss na ng kamay ko ang kamay niya). Nang kami ay may pasok na kinausap ako ng kaklasi ko kung kami na ni crush at ang sabi ko ay hindi. Habang kami ay magkausap ng kaklasi ko tinanang nya ako kung mahal ko si crush at ang sabi ko ay parang dahil parang nahuhulog na ako sa kanya, ang kaklasi ko ay nagsuggest na maging MU kami ni crush. Kinausap nya rin si crush at sinabing mahal niya ako, ang sabi ko naman ay mahal ko rin siya dahil masaya ako sa kanya. MU na kami. Nang natapos na ang pasok namin, kami ay nagkakatxt at nagkakausap pa rin sa cp. Habang bakasyon namin, kami ay sweet sa txt, at ako ay pinapaloadan niya kahit hindi ko sabihin, kaya naman mas minahal ko siya ng todo.Nang sasapit na ang pasukan, nagkaroon ako ng problema dahil siya ay may gusto sa isang kachurchmate niya. Sila ay sweet at dinaig pa ako ng lalaking iyon dahil araw araw silang nagsskype at nagkikita. Nang pasukan na, laging mainit ang ulo nya sa akin. Mahal pa daw nya ko pero ang feeling ko ay hindi na dahil siguro ang hinala ko ay mahal niya ang cupcake nya. Nang nalaman ko na mahal nya si Cupcake, ako ay hindi sumuko dahil mahal na mahal ko sya. Ako ay nagtimpi, hanggang tuluyan na akong niloko ng kaMU ko. Ako ay laging puyat dahil hinihintay ko siyang magOL para ichat. Ako ay nagsosorry sa kanya kahit hindi ko alm kung ano ang ginawa kong mali. Siya rin ay puyat ng Cupcake nya dahil sila ay nagchachat pa at nagvivideocall pa. Ako ay nagpakaTANGA at hinihintay na bumalik ang feelings nya sa akin. Tila hindi nila alm na may nasasaktan silang tao at ako yun, basta masaya sila. Habang ako ay parang mamamatay sa sobrang sakit at sa selos sila ay masaya, sila ay nagsisimba para rin magkita. Apat na ang taong hinihingian ko ng solusyon sa problema ko, ang isa ay sinabing hiwalayan ko na siya pero sinabi ko na hindi ko kaya. ang ka MU ko ay binabawalan ko na na makipagkita pero siya ay nagsisinungaling at sila pa rin ay nagkikita. Nawawalan ako ng pagasa, gusto ng sumuko pero hindi ko kaya. Ngayon lng ako nagkarelasyon, niloko at ngyon lng nasaktang ng todo dahil ngyon lang ako nagmahal. Hanggat sa payuloy pa rin ang pagtitimpi ko namunga ito at bumalik sya sakin pero sa araw na iyon ay gusto ko ng sumuko pero, hindi ko inintindi yun at tinanggap ulit sya ng buo, dahil ako ay nagpakaTANGA para sa kanya. bumalik ang relasyon namin pero hindi na tulad ng dati na laging masaya, dahil ngyon ay puro away na.  Minsan ay nakikipaghiwalay siya pero pinipigil ko dahil mahal ko sya at bumabalik naman dya dahil mahal nya ako. Kami ay Isang taon ng magkarelasyon, buo pa rin ang pangarap ko na kami ay magsasama sa future. Marami na kaming mga pangarap na pinaplano. Ako ay nagsipag magaral dahil sa kanya, at ayokong masira lahat ng iyon dahil ako ay tumutupad ng pangako at nangako sa sarili na hindi na iibig ng iba pa. Kung kami man ay maghiwalay, cguro tama na muna. Maraming nagsasabi na swerte sya dahil nagkaroon sya ng katulad ko. Lagi man kaming nagaaway, d ko pa rin sya kayang iwan dahil my bitbit akong pangarap at pangako.

Siguro hindi ko pa sya napapatawad sa ginawa nya, dahil lagi ko pa ring naaalala ang sakit na naramdaman ko hhabng siya ay masaya sa piling ng iba. Gusto ko mang gumanti pero ayokong gumamit ng ibang tao para saktan sya, at ayoko rin saktan sya..

Mahal na mahal ko sya kaya ako nagpakaTANGA, hindi ko sasayangin ang pagpapaTANGA ko para ibalik ang dati. Kung gagawin nya man ulit yun, hindi ko na sya tatanggapin ulit dahil ayoko ng magpakaTANGA.

.....End....

By:Chaii

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tiwala lang, babalik din yan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon