CHAPTER TWO

90 9 1
                                    

Maine 's Pov.

I  WAS here lang naman sa Al fresco.

Dancing. . . Sexy dancing.

I don't care if any one or every one is watching. All I want is to forget everything.

Then, isang pares ng mata ang nahagip ng aking  mata.

Alam kong kilala ako ng lahat, kaya natitiyak kong kilala ako ng lalaking nakatitigan ko ngayon-ngayon lamang.

Guwapo siya, but not my type kilala ko kasi ang mga tipo niya.

Hindi ko na iisa-isahin tutal ipinakilala naman nya ang sarili niya kanina sa inyo, lahat ng sinabi niya ay against sa mga listahan ko.

Ayaw ko sa katulad niyang mabait na halos perpekto.

Dahil hindi kami bagay, malayong-malayo ang  ugali ko sa ini-expect niyang ugali ko. I'm the type of a woman na mabilis magpalit ng boyfriend.

Mahilig sa night life, umiinom, naninigarilyo and lastly I'm not a virgin anymore.

Back to topic.

Narito nga ako sa Al fresco, nagpapalamig nga kasi ako ng ulo. Mainit na naman ang ulo ni Erpat at ni Ermat. They're always complaining kung gaano kamalas sila, kung bakit ako pa ang napili nilang ampunin! kesyo noong dumating daw ako sa buhay nila nagkandamalas-malas na ang buhay nila. Yes, ampon lang ako at dahil raw sa akin nagkandalugi-lugi ang negosyo nila.

So what kasalananan ko? Eh ang galing naman nilang magsugal! Kaya napupunta sa sugal ang lahat ng kinikita nila.

They're both pathetic, kaya 'di sila nagkaanak kasi sa sama ng mga ugali nila sa totoo lang. Sana 'di nalang nila ako inampon. Mabuti pa noong nasa ampunan ako masaya ako doon.

Nang biglang may humatak sa buhok ko!

"Ouch! bitiwan mong buhok ko loka!"  malakas kung tili habang pilit kong inaalis ang kamay na nakahawak sa buhok ko.

"Malandi ka! alam mong may gf na iyong lalaking nilalandi mo sige ka pa rin, wala ka bang kahihi..."

Pero 'di ko na siya pinatapos naalis ko na kasi mga kamay niya sa buhok ko. Taong amazona kaya ako kaya lagot siya sa sa akin ngayon!

And nag-eenjoy pa man din ako sa mga ganitong eksena na ako mismo ang tatapos at sa bandang huli sila rin ang uuwing luhaan!

"So, yes! wala akong kahihiyan? Bakit may pakialam ka? For your information kung hindi rin malandi ang bf mo hindi ko rin siya papatulan!" malakas kong bulyaw sa kaniya.

"Anong sabi mo?" Sasabunutan na naman niya sana ako ulit ng inunahan ko na siya.

Isang sampal lang naman ang pinadapo ko sa malapad niyang pisngi.

"How dare you?!" She glaired.

Then bigla siyang humagulhol ng iyak na parang sa bata.

Shocks! Ang sagwa niyang umiyak.

Then isang lalaki ang lumapit, actually I know this guy.

Mabilis niyang linapitan ang umiiyak na babae iiwanan ko na sana sila.

Pero. . .

"Hey Maine mag-usap tayo!"  matigas nyang sabi sabay hawak ng braso ko.

"Ano pa ang pag-uusapan natin? Ako na nga ang iniskandalo niyang girlfriend mo, Andrew. "

Dahil sa sinabi ko, lalong sumingkit ang pagkakasingkit ng mga mata niya.

"Bawiin mong mga sinabi mo rito kay Andrea, ikaw lang naman itong lumandi sa 'kin."

Mataray akong napangisi, ako pa? Ako pa ang babaliktarin ng mukong na ito. F*cked him!

"Ano ang babawiin ko? Totoo naman lahat ng sinabi ko. Kung mahal mo talaga iyang gf mo hindi ka rin magpapalandi."

Then, tumingin ako sa babae, she's the type of woman na napakainosenti pa at hindi talaga nababagay sa mga katulad ni Andrew na f*ck boy.

"Tssk! kawawa ka naman, alam mo bang sa sobrang landi nitong boyfriend mo nauwi kami sa motel at—"  Pero biglang sumabat ang makapal na lalaki.

"Hey! Maine Don't you dare to tell her that, I'm warning you."

"Sino ka para pagsabihan ako? You're not—"  Pero 'di ko na natapos ang sinasabi ko, halos napalugmok ako sa sahig!

Nakita ko nalang na pumagitna sa amin si Alden Vriganza.

"Dude! Anong problema mo kay Maine, wala kang karapatan bastusin itong si Maine."

"Alden 'wag kang makialam, usapan naming tatlo ito." Si Andrew habang nakikipagtitigan siya kay Alden.

"May pakialam ako dahil sa ginawa mo kay Maine,"  mahinahon pa rin sabi ni Alden, ngunit bakas rito ang matinding emosiyon.

"Bagay lamang sa kaniya ang ginawa ko,"  inis pa rin buwelta ni Andrew.

"Ang sa akin lang ay ayaw kong may nasasaktan na babae,"  ang pagtatapos na sabi ni Alden bago ako hinila palayo sa dalawa.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon