Ang Diary ni Jeannie Paolo
Paano kung nainlab ka sa isang babae. Yung tipo ng babaeng sa unang kita mo pa
lang alam mong siya na ang pakakasalan?
Okay na sana di ba?
Pero paano kung ang babaeng yun, may sabit na.
AT nagkataon na ang sabit niya ay kaibigan mo?
Ano ang gagawin mo?
Magpapaubaya ka?
Or
Susulutin mo?
- 5 -
Hindi Prologue
Di na kailangan ng Prologue. Diary nga di ba?
Kaya ito na lang ang Author's Note.
Wala talaga akong balak i post ito dito sa wattpad. Matagal ng nakatingga ito sa
aking website. Mas nauna ko itong isulat kaysa sa Tears of Angel. Hanggang sa
nakalimutan ko na. Kaso kanina bumisita ako sa website ko at nagbasa ng
comments. Madaming gustong ituloy ko 2. Mga dalawa sila siguro. Heheheh. Joke
lang. Tapos may nagcomment din dito na sana daw ipost ko ito dito. Kaya sige
pagbibigyan ko kayo.
Ang istoryang ito ay kakaiba sa lahat ng mga naisusulat ko. Ito ay nakasulat na
parang diary at hindi Chapters ang bawat update kundi entries. Ito ay sulat ni
Jeannie Paolo Zamora, na kapatid ni JOanne Phoebe Zamora (Wanted: Babymaker)
at Johann Phoebus Zamora (Tears of Angel).
Maaring nagtataka siguro kayo kung bakit biglang nagpakasal itong si Paolo
(based on Wnated:Babymaker). Dito niyo malalaman ang dahilan. Ito ang kanyang
diary. Ang diary na walang draft. Kasi lahat ng updates ay diretso kong ipopost dito.
Pagkatapos ng mga entry may mga katanungan itong si Paolo. Maaari lamang
pong magcomment kayo kasi yun ang magiging basis ni Paolo sa kanyang mga
gagawin.
- 6 -
Entry #1
Entry #1
Dear Diary,
Carlo sat beside me today, he's so cute. Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat. I
eat too much kase eh. Mula ngayon, goodbye chocolates, goodbye spaghetti,
goodbye hotdogs... aayyy...GOODBYE CARLO!
Joke lang dear diary! Ito seyoso na.
Maaaring nagtataka ka kung bakit ako gumagawa ng Diary. Hindi nga naman
ugali kasi ng mga lalaking katulad kong pogi ang gumawa ng diary. Baka isipin
mong may berdeng dugo ako. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo, kahit gahiblang
berdeng dugo wala ako. Hindi ko sinayang ang poging mukha na nilikha ng Diyos.
Lol.
Gumawa ako ng diary kasi, sabi ng kapatid kong si Joanne, cool daw ang may