Para parin akong nananaginip!
Dear Diary,
Ang saya-saya ko alam mo ba yon? hahaha. Para na akong baliw dito na nakangiti sa harap mo. :D Papasok nanaman ako ngayon at makikita ko na ang Prince Charming ko. Kakausapin ko siya at aaminin ko na ang totoo kong nararamdaman. Tatapangan ko na. Kahit anong mangyari sasabihin ko na na gusto ko siya.
bell rings...
Klase nanaman. Mamaya-maya kakausapin ko na siya
"Class, I hope you enjoyed last night's event. I just want to congratulate our new prom king and queen Mr. James and Ms. Gale. Please stand up!"
palakpakan lahat at tumayo kaming dalawa. Nakangiti ako pero si James seryoso ang mukha niya.
Katabi ko parin naman si Tina. Nakikita kong hindi siya pumapalakpak. Alam kong mabigat ito sa loob niya.
Nung tapos na yung class namin at break time na balak ko na puntahan si James nung nakita ko siya pero biglang humarang saakin si Tina
"Hi Gale! musta na? can we talk outside?"
"uh. sure"
lumabas kami sa garden at pumunta dun sa walang tao. Umupo kami at nagusap
"Gale. Congrats nga pala last night."
wow. hindi siya galit. anong nakain netong babaeng to?
"thanks"
"pero, I know I still deserve it. dapat ako yun. ay. sorry. hehe."
okay as usual siya parin pala itong kausap ko, akala ko nagbago na siya
"pero Gale. ang reason ko lang kung bakit gusto kita kausapin is that, --"
biglang may lumabas na luha sa mga mata niya
"Gale, " umiiyak na siya "mahal ko pa si James"
ouch!!!!
"please alam kong close kayo. wag mong sasabihin sakanya ang sinabi ko, pero sana kahit anong mangyari sainyong dalawa wag mo siya gugustuhin. Hindi mahirap mahalin si James. Pero, guguho ang mundo ko pag nalaman kong may iba na siya"
bakit ako nagkakaganito? kahit galit ako kay Tina pero naaawa ako sakanya? hindi pwede to. bakit?
hindi ako makasagot at umalis na siya
natulala nanaman ako. ang daming kababalaghan nangyayari saakin ngayon ah?
nako!!! mukhang mahirap na umamin kay James ngayon ah?
Pumasok na ulit ako sa loob ng building. Tulala parin at hindi alam ang gagawin. Naawa ba talaga ako kay Tina?
Oo.
Oo. Naaawa ako sakanya. Patay. Hindi ito maganda. Pano na yan? Pano na ako?
..
..
..
..
diary, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sabi saakin ni Tina mahal pa daw niya si James at kahit anong mangyari wag daw ako magkakagusto sakanya. Eh, paano naman ako? Parang naaawa nga ako sakanya e. Umiyak iyak pa kasi sa harap ko. Tsk.
pag labas ko sa music room nakita ko si James sa locker niya. Dinaanan ko lang siya na tulala parin sa baba.
Bigla akong napatingin sakanya na nakatingin din pala siya saakin. Lumapit siya at naninigas ako. Nararamdaman kong naninigas yung leeg ko at tuhod ko. Nanlalamig ako.
BINABASA MO ANG
Dear Diary
FanfictionIt all starts with one "lost-and-found" notebook and everything changes!!