Selective AmnesiaHe remembers everything but not me.
He remembers his family but not me.
He remembers but only selective memories.
~*~
Ang sakit pala no? Ako na girlfriend niya pero di niya maalala. Ako na babaeng mahal niya, yun pang nakalimutan niya.
Tang inang amnesia yan napaka unfair naman ata.
Ang sakit lang kasi. Ang sakit-sakit.
But what hurt me most?
He is looking for his ex-girlfriend!
Grabe! Torture sa puso ko! Hindi niya na nga ko maalala, hinahanap niya pa ex niya.
But because I love him that much. We looked for his ex-girlfriend and found her.
"hindi ko naman siya aagawin sayo tutulungan ko lang siya, wag ka mag-alala"
Siguro hindi naman kasalanan magselos diba? Oo alam ko sinabihan na ko ni Carla na hindi niya aagawin sakin si Carlo. See? Kahit pangalan lang nila nakakasakit na ng damdamin.
~*~
He is happy, scratch! very very happy. Yung mga ngiti niya pag kausap niya si Carla. Yung mga tawa niya na nakakagaan ng loob. Dati sakin niya lang yun ginagawa eh. Dati ako lang pinag-lalaanan niya nun.
Pero ngayon.
Ang sakit pala no? Na makita mo yung taong mahal mo na masaya sa iba pero wala kang magawa. Hindi ko naman siya pwede sisihin eh! At yun yung masakit kasi wala naman akong ibang kalaban kundi yung kalagayan niya, that freakin amnesia.
Minsan nga natanong ko sa sarili ko. Kailangan niya pa ba ko?
Kasi pag tuwing kasama ko siya ramdam ko na wala siyang gana. Kilala ko si Carlo sa ilang taon naming nagsama kabisado ko na yung mga kilos niya. Kapag ayaw niya sa kausap niya, yumuyuko nalang siya.
And at this point ramdam ko na hindi ako ang kailangan niya. Habang kausap ko siya lagi siyang nakatingin sa cell phone niya na para bang may inaantay na text.
Nakakatawa nga eh! Kasi pinapaniwala ko lang ang sarili ko na baka isang araw. Baka maalala niya na ang lahat. Na baka isang araw bumalik na siya sa dati.
~*~
Sa bawat araw na lumipas parang iba na siya. Siguro sa akin lang kasi wala naman na ko sa kanya eh! Yung dating mahal ko tuluyan na kong nabaon sa limot. Yung mga ala-ala namin ako nalang ang may dala-dala nun. Yung masasayang pangyayari namin hanggang memorya ko nalang yun. At yung mga sumpaan namin nun, wala na yun.
Para kaming pinagtagpo pero hindi tinadhana
Ang hirap tanggapin, ayokong tanggapin. Kahit kitang-kita ko na ok siya kahit wala ako, ayaw ko parin. Kasi ayaw ko siya isuko. Mahal ko siya at alam kong gagaling pa siya.
Pero isang gabi.
Pumunta ako sa bahay nila para isauli sa kanya yung jacket na naiwan niya sa Hospital. Pagpunta ko sa kwarto niya nakabukas yung pinto ng bahagya. Pagsilip ko sa pinto nakita ko si Carlo umiiyak habang yakap-yakap si Carla.
"Please Carla wag mo kong iwan, wag kang umalis. Kailangan kita. Parang awa mo na"
Pagkatapos kung marinig yun. Nanghina ako, nanginginig yung mga tuhod ko. Nahihirapan akong huminga.
"I love you Carla, mahal na mahal kita"