[Waaa! Nakatapos din ako kahit isang story lang. Okay na sakin yung kahit one shot lang basta may naisulat. Pero pagpasenyahan niyo na kung magilo hahaha! Nilalagnat ako eh! So start na!]
++
"Lance." Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Sapphire.
"Ow?"
"Grabe bored na bored ka ba? Hahaha! May laro daw kayo mamaya?" Manunuod nanaman siguro to. Sa lahat ng nagchi cheer sakin sakanya pinakamalakas.
"Meron 4-5. Bakit papanuorin mo ko no?" Sabi ko sabay smirk na may kasamang pataas taas ng kilay haha!
"Psh. Bat ako manunuod pinapatanong lang nila Gale." Pinakatitigan ko pa siya dahil halata namang nagsisinungaling siya.
"Talaga? Paki sabi sakanila meron kaming laro. Dadating din pala si Shelly." Bigla naman akong napatahimik dahil nakita ko yung lungkot sa mga mata niya.
Alam ko naman. Simula ng makapag move on siya kay Stephen nagustuhan na niya ako. Di lang aki naniniwala dahil alam ko namang rebound lang ako.
++
"Hoy Lance Slate! Galingan mo daw sabi ni Sapphire. Mag 3 points ka daw para maka uwi na si Sapphire!" Napatingin ako sa sumigaw na yin at si Gale yun napangiti nalang ako at napailing. Himala nga di nagchi cheer ng malakas ngayon.
"Shete ka Gale! Di ko naman sinabi yun eh!" Kahit kailan talaga ang ingay niya.
"Waaaaa! Nakita mo ba yung pagtawa at pagiling ni Lance mo?! Ha Sapphire?!"
"Putcha ka talaga!! Tigilan mo ako Maria Gale ah?!" Napapatawa nalang ako sa mga naririnig ko sakanila. Lalo na kay Sapphire todo deny eh!
"Todo ngiti ah? Try mo kayang magfocus sa laro natin?" Sabi ni Stephen.
"Selos ka lang! Di na kasi ikaw yung pinagchi cheer ni Sapphire! Bleeeh! Pa cheer ka nalang sa moshy babes mo."
"Sira ulo!"
Saka ako pumwesto sa 3 point line at dinrible yung bola at shinoot.
"Oh Sapphire 3 poooooints! Makakauwi kana! Hahaha magba bye ka na sa Papa Lance mo!" Boses naman ni Lindsay yun at napatingin ako sakanila.
"Loko Lindsay ang ingay niyo ni Gale! Nandyan si shelly oh! Baka magalit sakin yun." Dinig kong sabi ni sapphire kahit mahina dahil malapit lang aki sakanula. Hinanap ko naman si Shelly. At ayun nga siya nakatingin sakin
"Bee!" Sigaw niya saka nag wave ng kamay sakin. Napangiti agad ako at pinuntahan ko agad siya.
"Pawis ka na. Punasan kita?" Sabi niya habang pinapakita yung towel. Tumango ako at agad ng tumalikod ngunit pagtalikod ko nakita ko si Sapphire na nakangiti, more like a bitter smile.
Nagwave siya ng kamay sakin sign na aalis na siya and she mouthed the words "babye! Galingan mo."