OCTOBER 25, 2013
Lamay kasi nung namatay naming kamag anak kaya kwentuhan kami ng mga nakakatakot na kwento.Yung pinsan ko na highschool palang, sabi niya nag picture daw sila sa may hallway ng school nila.Medyo gabi na nun, kaya madilim yung nakuha nilang picture.
May parang puting usok kaya natakot sila kaya dinilete nila yun, tapos nung isang araw naman kinuhanan nila ng litrato yung isang puno pero ang lumabas sa picture e yung kinunan nilang hallway na may usok na puti na idinelete na nila.
Ang mas nakakatakot e nakazoom pa dun sa puting usok yung picture kaya medyo natakot ako. Recently lang nangyari ito,this april lang nagbakasyon kasi kami sa bahay ng Tita ko.
And then one time nagkwentuhan kami tungkol sa building na nasa katapat ng bahay ng Tita ko.Tapos nagtanong kami sa pinsan ko kasi curious kami ng sister ko sa building na yun, kasi parang nakakatakot yung itsura parang haunted.
Sabi niya na yung building na daw yan ay dating pagaari ng isang doctor,meron syang clinic pero hindi lang sya clinic sabi ng mga katabing kuwarto nila nagaabort daw sya ng mga baby.
Kasi marami yun pumupuntang mga babae at malalaki na ang mga tiyan,,tapos di na lumalabas for 1 week tapos umaalis kaagad after 1 week,,curious na ang mga katabing kuwarto at nagtanong sila kung nagpaparenta sila diyan sa bahay nila.
Tapos sabi niya hindi,the day after may babae nanaman na lumabas sa bahay nila tapos tinanong ng isang tsismosa sabi tin niya yung babae galing sa bahay kung ano ang ginagawa nila diyan nung babae hindi umimik sinabi daw ng tsismosa sa babae na''iha alam ko nagaabort ka ng baby mo kay doctor Gomez.
Pero hindi ako sigurado"tapos yung babae naguilty sya at inamin nya na nagpaabort sya.,tapos mula noon nahiya na si doctor Gomez at lumipat na sya ng bahay.Tuwing gabi may naririnig ang mga pinsan ko na babaeng umiiyak para bang humihingi ng tulong at baby na umiiyak din.
Then may mga asong tumatahol sa puno na katabi ng building na yun na para bang may nakikita.Sa ngayon wala pang ibang umaarkila o umuupa sa inalisan ni doctor Gomez.
Natatakot na nga ang ibang nakatira doon. Yung iba lumipat nalang,yung iba nagrequest sa capitan ng lugar na ipa bendisyon yun building.Dahil di na sila makatulog sa gabi.
Mga ilang linggo pa ang lumipas bago napabendisyunan ang buong building na iyon.Ngayon wala na raw silang narinig nang kung ano-ano sa lugar na iyon,sabi ng pinsan ko.
wakas!!!
Sana po nagustuhan nyo ang kuwento ko.Sana mag-iwan din kayo ng comments.Thanks!!!

BINABASA MO ANG
GHOST STORIES (TRUE STORY) (TAGALOG)
Mystery / ThrillerTHIS IS A TRUE SCARY STORY.I HOPE YOU LIKE IT. READ THEN PLS. LEAVE YOUR COMMENTS. tHANKS A LOT!!! ENJOY READING!!!