One Shot

249 10 7
                                    

I am Cedric Peralta.

A college hunk.

A hottie.

A player.

I love playing games especially with girls.

Fooling around is my game until she came....

"Pare it's kinda boring no?" sabi ng kasama kong si John habang palinga linga sa paligid.

Nag iinom kaming magbabarkada sa isang sikat na bar sa bayan namin.

"Paano ba naman hindi magiging boring? Wala ang mga chikababes." sabad naman ni Paulo.

"Yeah right. Hay! Sayang. Ang mahal pa naman ng entrance dito. Akala ko ba sabi nila dito maraming chicks?" akmang tatayo na si John when I hold his shoulder at pinaupo s'ya ulit.

"Gawin nating exciting ang gabi pare. Bakit hindi tayo magpustahan?" kunot-noong napatingin sila sa akin.

"Ano'ng pustahan?" sabay na tanong nila.

"Tss. Sabay na sabay ah. Ganito mga 'tol. Maghihintay tayo ng mga chickas, kahit isang oras lang."

"Oh tapos?"

"Ang unang babaeng papasok sa pintuang 'yan ang bibiktimahin natin. Liligawan natin s'ya. Kung sino ang makakapagpasagot sa kanya ang s'yang panalo." nakangisi kong turan sa kanila.

"Eh paano 'yan? May girlfriend tayong tatlo."

"Kaya nga bet 'di ba? Laro. Kahit hindi naman natin seseryosohin 'yung babae. Paglalaruan lang natin. Besides kung sino naman ang panalo mapapasakanya na ang hot chick may pera pa s'ya. Oh 'di ba? Fair enough right?"

"Puro ka kalokohan Ced. Pero sige. Game! Call ako d'yan. 5000?"

"I'm in. 5000." sabi din ni John.
Napangisi akong napatingin sa dalawa kong kasama.

Hindi naman lingid sa kanila ang pagiging palikero ko. Madali kong nakukuha ang mga babaeng pinopormahan ko.

Sa gandang lalaki ko ba namang ito? Hindi naman sa pagmamayabang pero hawig daw ako ni Dingdong Dantes. Mas batang version nga lang. Maputi, may nangungusap na mga mata, matangos na ilong at may killer smile. Macho pa. Gwapo talaga in every sense of that word.

Sa tangkad kong mahigit 6 feet ay mas lalo kong napapahanga ang mga kababaehan. Lalo na kapag nalaman nilang varsity player ako ng basketball sa aming eskwelahan.

"Tss! Loko loko! Ano na naman ang ngini-ngiti mo Ced? Alam naming gwapo ka pero don't underestimate us. Malakas din ang hatak namin sa mga chicks 'tol." nakangising puna ni John sa akin.

Kung tutuusin ay talaga namang may mga hitsura din sila. Para saan at tinawag naming "The Hotties" ang grupong ito kung puro lamang kami satsat.

"Let's drink to that then. May the best man win. Hahaha."

Sabay sabay naming tinungga ang laman ng mga baso namin.
Maya-maya pa ay napatingin ako sa may pintuan.

"Lasing na ba ako pare o sadyang totoo ang nakikita ko?"

Paano ba naman kasi ay may pumasok sa pintuan ng bar. Parang dyosa talaga s'ya sa ganda.

She's wearing a black tank top under her black jacket. Ripped-styled jeans and sneakers.

Ang ganda talaga n'ya. Maputi, sexy at ang hot n'ya. Nababagay ang straight n'yang buhok na nililipad lipad ng hangin mula sa aircondition unit na nasa may pintuan.

"Hoy! Pare. Napaano ka? Para kang namang nanuno d'yan."

Napatingin sila sa dakong tinitingnan ko.

His Hell Was Her HeavenWhere stories live. Discover now