Ang kabilang kwarto

258 4 6
                                    

Isasalaysay ko sa inyo ang isang karanasang hinding hindi namin makakalimutan ng kabanda ko.Isang lugar sa malaysia (hindi ko na babangitin kung saan).Tatlo kaming singer at isang lalakeng keyboardist.Si airee,si fida at si danny (mga di totoong pangalan) ang mga kasama kong pumunta don.Para sakin exciting kasi 1st time kung umalis ng sariling bansa at 1st time ko din sa malaysia.Pero dun ko pala mararanasan lahat ng mga kahindik hindik at di kapanipaniwalang pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan.

Malapit lang sa hotel na kinakantahan namin ang apartment kung saan kami tumutuloy.Unang tuntong palang namin sa bahay na yon,kakaiba na talaga naramdaman ko,di ko alam na ganon din pala pakiramdam ng mga kasama ko.May mga narinig na kaming di maganda tungkol sa apartment na yon na nung umpisa'y binalewala namin dahil ng nakatira kami dun ng mga unang linggo namin wala naman kaming kakaibang naramdaman.
Di ko na matandaan kung kailan nagumpisa mga kalbaryo namin sa bahay na yun,Ang natatandaan ko nagumpisa yun isang gabi paguwi namin pagkatapos ng trabaho.Kumakain kami ng mga oras na yun,harutan kaming tatlong babae sa kwarto,malalakas na tawanan,natigil kami ng may marinig kaming malakas na kalampag sa pader na nagmumula sa kabilang kwarto kung saan walang umookupa,apat kasi ang kwarto doon. dalawang beses yun,parang galit dahil maingay kami."narinig nyo un?"sbi ni airee.sabi ko"oo nga,pero baka naman si danny lang yun."kaya di na namin pinansin.tuloy kami sa kwentuhan,di na namin pinansin.Dahil napalakas na naman tawanan namin,may narinig na nman kaming kalampag pero mas malakas na,parang galit talaga,nagkatinginan kami.Napagpasyahan naming tawagin si Danny na nsa sarili nyang kwarto."kaw ba kumakalampag jan danny sa pader?"tanong ni Fida."Hindi noh",sagot ni danny.Busy ako sa pageedit dito ng kanta,bakit ba?"Tanong pa nya."may narinig kasi kaming kalampag sa pader,ang lakas kaya".sagot ko sa kanya."yan kasi,ingay nyo"panakot pa nya.parang kinilabutan naman kami sa sinabi nya,kaya balik kami sa kwarto at nagpasya na kaming matulog.Wala ng nangyaring ganon,pagkatapos ng pangyayaring iyon,kaya nakalimutan na din namin insidenteng yon.Ngunit isang gabi na naman,papasok kami ng trabaho ng mga oras na iyon,nagaayos kaming tatlo,ng mapansin kong may bahid ng icing ng cake sa braso ko."ano to?"tanong ko sa mga kasama ko."icing ng cake yan ha".sagot ni airee."bakit ako my ganito?"tanong ko.sino sa inyo may gawa nito?"dagdag ko pa."adik ka ba magkakasama tayong ngmamake up dito"sagot naman ni fida."saka wala naman tayong cake dito sa bahay ha"dagdag pa ni airee.di ko na pinansin sinabi nya,pumunta ko sa kusina para hugasan na lang yon.Di na namin pinagusapan pa ang nangyari ng nagdaang araw,pero nakakaramdam na ko ng kakaibang takot sa bahay na iyon,naulit pa yon ng maiwan ako sa bahay,lumabas si danny may date s gf nya,magkasama namang lumabas si fida at airee,tatawagan na lang daw nila ako para kumain,may restaurant malapit sa apartment.Naglilinis ako ng mga oras na yon,ng mapansin kong nilalangam braso ko,pagtingin ko,Nanlaki mata ko sa nakita ko,may icing na naman ng cake sa braso ko at nilalangam pa talaga.Kinilabutan ako ng sobra,dahil nakaramdam na ako ng panlalamig ng mga oras na iyon.Walang sabisabing lumabas ako ng bahay,buti na lang dala ko phone ko,tinawagan ko si airee."umuwi na kayo,utang na loob."bakit?"tanong ni airee."Ikwekwento ko na lang pag dating nyo dito,basta umuwi na kayo."Di pa rin mawala wala takot ko,nanginginig na sinasalaysay ko sa knila nangyari.Pero si danny di ko alam kung ayaw maniwala o sinasadya nyang balewalain sinasabi ko para di sya matakot dahil nagiisa nga naman sya sa kwarto nya.
Akala ko,ako lang makakaranas ng ganon sa amin,mas nakakatindig balahibo pa nangyari kay airee.Katatapos naming maligo non,sabay kaming naliligo kasi nga takot na kami dahil sa kung anuanong nararamadaman namin sa bahay na yon,may mga naririnig kaming yabag ng mga paa sa gabi,napakalakas na parang sadyang pinaparinig samin,kalapampag pa rin sa kabilang kwartong katabi namin kapag napapalakas tawanan namin na parang pinapatigil kami dahil ayaw sa maingay.Isang gabi bago pumasok sa trabaho,paglabas namin ng banyo,deretso si airee sa lababo para magtoothbrush,di pala nya ako narinig na nagpaalam sa kanya na mauuna muna ako sa kwarto.Nagbrubrush sya ng makita nya mula sa reflection sa bintana ang isang babae sa likod nya na nakaputi,inakala nyang ako dahil pareho kaming nakatapis ng puting tuwalya.Tinitigan nya ito,huminto ito sa likod nya,nakaramdam na sya na kakaibang lamig sa likod nya at paninindig ng balahibo,muli nya itong nakita at tinitigan ng mabuti mula pa rin sa reflection ng bintana.Di pa rin sya makalingon dahil sa takot.Nang matitigan nya ito,kitang kita nya na babae itong nakaputi ng damit,at ang mas nakakatakot pa,nakalutang pala ito,napasigaw sa takot si airee may bula bula pa sa bunganga nito dahil nga nagtotooth brush pa ito.”graaaaaace!!!!!” sigaw nya sa pangalan ko.Nagulat kaming lahat sa sigaw nya.Patakbo ko syang tinungo.Natakot ako sa itsura nya,namumutla ito,takot na takot kaya parang namuti ang buong mukha nito na parang wala ng dugo.”bakit?” tanong ko.Halos di sya makapagsalita sa takot.”Kanina ka pa ba sa kwarto?”nanginginig nitong tanong.”oo”sbi ko.”di ba nagpaalam naman ako sayo”.dagdag ko pa.”Di ko narinig”.sabi nito.nanginginig na ikinuwento nito kung anong nakita nya,maiyak iyak ito.Nagpasya kaming kausapin ang manager ng hotel na kinakantahan.Nakiusap kaming ilipat kami ng ibang apartment dahil di na namin kayang tiisin mga kababalaghang nararamadaman namin sa bahay na iyon.Ngunit di pumayag ang manager ng hotel,di daw pwede dahil ang ibang apartment ay may kamahalan.Siguro kaya mura ang apartment na iyon ay dahil kung anong bumabalot na masamang espiritu sa bahay na iyon.Ang usapan namin walang maghihiwahiwalay,dapat laging magkakasama.si danny dahil siguro sa lalake sya kaya nagtatapangtapangan.Nang sumunod na araw kay fida naman nagparamdam ang nilalang na sa tingin nami’y multo sa bahay na iyon.Maysakit si fida kaya di sya sumamang manghalian sa amin.Kaya sabi ko uuwian na lang namin sya ng makakain.Di kasi talaga nya kayang bumangon.Ang kwento nya sa amin,narinig daw nyang bumukas ang pinto kaya inakala nyang dumating na kami.Tinawag daw nya pangalan namin kung kami na nga daw ba dumating.Nakarinig sya ng mga yabag kaya nagtataka sya bakit ni isa sa amin walang sumasagot.Pinilit nyang bumangon para tignan kung kami nga ang dumating.Ngunit kinalibutan sya ng makitang walang tao sa sala kahit sa kusina.Nagulat kami ng madatnan namin syang nagaantay sa labas ng bahay.Tuwing gabi pagkatapos ng trabaho napagpasyahan naming magdasal ng sabay sabay bago matulog.Alam naming yun ang kailangan namin para labanan ang kung ano man ang nasa bahay na iyon.Ngunit sadyang ayaw tumigil ng espiritung nasa bahay na iyon.Isang gabi pagkagaling namin sa trabaho,nagulat si airee nawawala ang mga sapatos nya sa sala.Dun nya kasi ito inilagay.Inis na inis sya.”badtrip nman oh,dito ko lang nilagay mga yon,saan naman mapupunta”.Galit nyang sabi.”hanapin na lang natin.”sabi ko.Tinulungan ko syang maghanap di talaga namin mahanap.”di kaya nanjan sa kawrto na yan”.sabi ko.Ang bakanteng kwartong katabi ng kwarto namin.Dalawa kasi ang kwartong di namin ginamit,ang isa’y malapit sa kwarto ni danny na madadaan papuntang kusina.Iba din kasi pakiramdam namin sa kwartong yun kaya di namin ginamit.Ang isa nga’y tabi ng kwarto namin kung saan madalas kami makarinig ng kalampag sa pader.Galing na kami sa isa kaya dun na lang hindi pa.”pano naman mapupunta yan jan”tanong ni airee.”Tignan na lang natin”.sabi ko sa kanya.Kaya magkasabay naming pinasok ang kwarto.Pagbukas namin ng ilaw sa kwarto.halos lumuwa mata namin sa nakita.Nandun nga mga sapatos ni airee.Nakaayos pa ito na tila may tao talagang nagayos ng mga ito.Di kami makagalaw ni airee dahil sa nakita.Nagtaasan mga balahibo namin.”Grace paano napunta mga sapatos ko dito”.maiyak iyak na tanong ni airee sakin.”hwag ako ang tanungin mo airee at parepareho tayong nasa hotel kanina.”sagot ko.Ako lang ang may hawak ng susi ng apartment kaya napakaimposibleng may makapasok doon.At kung sakali naman ano naman intensyon ng kung sino man,bakit aayusin at ilalagay nya mga sapatos ni airee sa kwartong iyon.”Ano nakita nyo?”Halos mapalundag kami ni airee ng pumasok si fida.”Para naman kayong nakakita ng multo”nakangiti pa nitong sabi ngunit napalis din ngiti nito ng makita ang mga sapatos ni airee.”Oh my! panong napunta mga sapatos mo dito airee?”gulat na tanong nito.”yan ang tanong na siguro alam na natin ang sagot,”sabi ko.Pinanatag ko ang loob ko.”kunin na lang natin,walang mangyayari kung tutunganga lang tayo dito”.Di pa rin makagalaw si airee sa takot,naiiyak na ito.”Ayoko na talaga dito grace,umalis na tayo dito.Di ko na talaga kaya”.maiyak iyak na sabi nito.”lakasan mo loob mo airee.”hinawakan ko siya sa kamay.”Wala naman tayong magagawa sa ngayon,kailangan nating tapusin ang kontrata bago tayo makakauwi ng pinas”.malungkot kong sabi sa kanya.Naisip ko,kailangan kong lakasan loob ko.Walang mangyayari kung papadaig ako sa takot.Ngunit may isang pangyayaring halos maisip ko na ding di tapusin ang kontrata namin at umuwi na lang.Kinailangan kong maiwan sa bahay dahil may kanya kanyang date mga kasama ko.Magmumukha nman akong chapperon kung sasama ako sa isa sa kanila.Naisip ko umaga naman,di naman siguro ako makakaramdam ng kahit anong ikakatakot ko.Nagkulong lang ako sa kwarto,gamit ang laptop,nanonood ako ng you tube para aliwin ang sarili at para kahit pano matangal ang takot na nararamdaman ko dahil nga nagiisa ako.Sa kasamaang palad,ginutom ako dahil di pa ako nanananghalian.Kailangan kong pumunta ng kusina.Lakas loob akong lumabas,dala ko cellphone para kung sakaling may mangyari,makakatawag ako agad sa mga kasama ko.Halos di ako makahinga ng papadaan na ako sa bakanteng kwarto,sobrang takot na nararamdaman ko.Para mawala nararamdaman kong takot,nagdasal ako,kaya medyo lumakas loob ko ngunit halos himatayin ako ng makarinig ako ng impit na iyak ng isang babae na nagmumula sa bakanteng kwarto.Nanindig mga balahibo ko.Nagdalawang isip ako kung itutuloy ko pa ang pagpunta sa kusina.Ngunit talagang gutom na gutom na ako.wala pa akong kain dahil hindi din ako nagalmusal.Muli’y nagdasal ako at pinanatag ko loob ko.Ng mapadaan na ako sa kwarto tumakbo na ako papauntang kusina dahil palakas ng palakas nag naririnig kong iyak ng babae.Sa takot ko Deretso ako sa terrace malapit sa kusina,agad agad ko silang tinawagan.Umiiyak na ko non.”please airee umuwi na kayo,di ko kakayanin maiwan dito,please lang”.pagmamakaawa ko sa knila.”ok pauwi na,jan ka na lang magstay sa terrace,ok”.sagot ni airee sa kabilang linya.di naman nagtagal.Umuwi si airee.Pagdating nya patakbo akong lumapit sa kanya,nanginging ako sa takot.Sa hotel na namin inantay sina danny at fida.Mula non di na ako nagpapaiwan magisa sa bahay,baka mamatay pa ako sa takot.Halos tatlong buwan kaming nagtiis sa bahay na iyon.kung anuano pang nakakahindik na pangyayari ang mga naransan namin.Dumating ang araw na pauwi na kami,tuwang tuwa kami dahil sa wakas aalis na kami sa bahay na iyon.Excited na kaming lahat para umuwi.Ng kami’y paalis na,bago ko sinara ang pinto,itong si danny paloko nyang sinabi na”Aalis na kami,maiwan ka na jan,iyong iyo na bahay”.na parang kinakausap ang multong naninirahan sa bahay na iyon.Rinig na rinig nmaing lahat ang isang malakas na pagsara ng pinto ng kusina,tinginan kami,at alam kong iisa ang nasa isip namin ng mga oras na iyon,nagalit ang multo na iyon sa sinabi ni danny.Sinira ko pinto at kumaripas kami ng takbo papalyo sa bahay na iyon.Ng nasa eroplano na kami,inamin samin ni danny na sya din pala’y may kakaibang nararamdaman sa bahay na iyon,di na lang pala nya sinabi samin para di na kami matakot pa.Lagi pala nyang napapanaginipan ang babaeng nkadamit ng puti na nakaupo sa paanan nya.Umiiyak daw ito at masama ang tingin sa kanya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang kabilang kwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon