i am Bianca

21 0 0
                                    

 “Gising na Bianca mali-late na tayo sa klase natin!.”pukaw ng half sister ni Bianca na si Melissa.“Ate naman ang aga-aga pa.”sabat nya sabay hila sa kumot nya’t nagtalukbong ulit. “Anong maaga? mag aalas syete na!” sabay hila sa kumot. “ ano!”biglang napabangon si Bianca sa sinabi ng kapatid saka dali daling pumanhik sa CR upang maligo.”Yan ang napapala mo chat ka pa kasi ng chat, hating gabi kana natutulog. ”litanya ng kanyang kapatid. “Pagkatapos mo dyan bumaba kana para makapag almusal na tayo.” Patuloy ng ate ni Bianca at saka nilisan ang kwarto.

Pagkatapos maligo ay agad na bumaba si Bianca. Nakahanda na ang lahat sa mesa para sa almusal nilang mag anak. Agad silang kumain ,napuna ng lahat ang pagmamadaling pagkain ni Bianca. “Anak? hinay hinay lang baka mabulunan ka nyan.”Wika ng kanyang butihing Ina na si Aling Teresa Gomez. “Mali-late na ako sa klase ko mama.” Sabi pa niya na kahit may laman pang pagkain ang bibig. “Ha! Ang aga pa naman anak 6:20 pa nga lang.”.takang wika ng kanyang ina Samantalang ang kanyang kapatid ay di na napigilan pa ang pagtawa. Binalingan nya ito. “Ikaw talaga ate..Palagi mo nalang akong iniisahan.” Saka kinurot ang nakatatandang kapatid. “Nku! Tama na nga yan.”saway ng ama nila sa c Alfredo Gomez saka nagpatuloy na sila sa pag kain.

Dalawa lang silang mag kakapatid. Ang kanyang nakatatandang kapatid na si Melissa ay isang Half American kaya ang apelyedo ng kanyang ate ay Carter si Bianca lang ang nag iisang anak ni Alfredo Gomez. Kahit ganon nagkakasunduan naman silang magkakapatid sa ilang bagay. Ang kanyang ate ay napaka sophisticated matangkad blonde ang buhok at maganda pinipilahan ng mga lalaki. Samantalang siya ay hindi masyadong nag aayos pero kung titingnang mabuti ay napakaganda niya wala nga lang nakakahalata. Matangkad din sya nasa taas na 5’7, maganda ang katawan at napakaputi pa nag mana sa kanyang ina na mestisa. May kaya sila sa buhay dahil sa pagsusumikap ng kanyang ama”t ina sa pagpapalago sa mga negosyong pinamana pa ng mga magulang ng kanyang ama.   Pagkatapos kumain ay nag paalam na sa kanilang magulang na pupunta na sa paaralan . “bye ma, bye pa.” sabay halik sa pisngi ng ama’t ina. At hinatid na sila ng kanilang driver sa kanilang paaralan.

First day of school ni Bianca sa College. Nag aaral sila sa Unibersidad ng Pilipinas “ Ate, anong oras ka magla lunch mamaya?” tanong ni Bianca sa kapatid. “H’wag mo na akong hintayin may kasama ako mamaya.”at naghiwalay na sila ng daan dahil ang kanyang ate ay 3rd year College na samantalang siya ay 1st year college pa sa edad na 16 anyos. Isa syang Business Ad Student at ang kanyang ate ay IT student. Sa pagmamadali nyang makaabot sa classroom ay natinik sya ng kung anong bagay, “ARAAAYYY!!!!” sigaw nito. Sa lakas ng sigaw nya narinig siya ng mga studyanteng nandoon. Napapikit sya “Nku! Nakakainis naman tong first day ko dito.” bulas nya. At may lumapit sa kanya. “Miss ukie ka lang?” tanong nito sa kanya. “Ukie lang ako.”wika ni Bianca sabay tingin sa lalaki at ngumiti ito  kitang kita ang dimple. Naglahad ng kamay upang maalalayan si Bianca na makatayo ng maayos. At napatingin sa paa nito ng nakita nyang dumugo agad syang sinamahan ng

lalaki sa Clinic para magamot ang natinik na paa. Paika ikang naglakad si Bianca patungo sa clinic ng paaralan. Napansin nyang ang daming tumitingin sa kanilang mga studyante at ang iba ay nagbubulongan pa.

“Salamat sa paghatid mo sa akin.” Pasalamat niya sa lalaking tumulong sa kanya. “ walang anuman.” Ngumiti ang lalaki. “Sige mauna muna ako sa iyo kasi malapit ng mag simula ang first class ko.” Paalam ng lalaki sa kanya.” Sige salamat uli.” Pasalamat ulit ni Bianca sa lalaki at agad din itong lumabas. Lihim na humanga si Bianca sa lalaki. Ilang sandali pa’y nagamot na ang sugat sa paa ng dalaga. “ Maraming salamat po Mrs. Tan papasok na po ako sa klase namin.” Pasalamat niya sa nurse ng paaralan at nagpaalam na din para makahabol sa 2nd period ng klase niya. Kahit pa ika-ika pa siyang naglalakad binilisan parin niya ang paglakad patungo sa kanyang klase.

Pagkarating ay agad siyang umupo sa isang bakanteng upoan. Tamang tama naman kadararating pa lang ng kanilang guro. “Good morning class, I’m your teacher in English. I’m Mrs. Espina”. Pakilala ng kanilang guro…   hanggang matapos ang kanilang klase ,,naglabasan na lahat ang mga Studyante sinadya niyang magpahuli para ‘di mahalata na iikia ika sya.dahil sa sanhi ng kanyang pagkatinik. At napansin iyon ng guro na si Mrs. Espina. “Ms. Gomez are you okey?” Tanong ng guro sa kanya. “Yes ma’am I’m alright nagamot nman po agad ito pero medyo masakit lang kasi bago pa”. sagot naman niya sa kanyang guro. “ Ukie sige, tara sabay nlang tayong mag lunch iha.” Alok ng guro sa kanya. “Ay naku h’wag na po ma’am nakakahiya naman po. Salamat nalang

po.” Tanggi ni Bianca sa mabuting guro. “Sige na at may kasama din naman tayong studyante.” Wika ng guro sa kanya upang mapanatag ang loob. Sumama si Bianca sa guro total naman wala syang kasama talagang kakain. Ang hindi nya alam ang kasamang estudyante na kasama nila sa pagkain ay ang lalaking tumulong sa kanya ng matinik siya.

                     “Hi tita, may kasama pala tayo. Teka ikaw yong babae kanina sa daan diba?” tuloy-tuloy na sabi ng binata sabay ngiti.  “ah! So ganun magkakilala na kayo EJ?” tanong ng guro. “Ah.opo ma’am siya po ang tumulong sa akin ng matinik ako kanina ma’am.” Paliwanag ni Bianca. “EJ pala ang pangalan ng gwpong tumulong sa akin kanina” sa isip ni Bianca naa sa wari niya ay namumula ang kanyang pisngi dahil sa parang kinikilig siya. “Ah! ukie Mabuti naman at magkakilala na kayo." Sabi nang guro saka umupo. “halika na iha para makakain na tayong tatlo.” Anyaya ng guro sa nahihiyang si Bianca. “Ahmmp! Opo Ma’am.” Agad namang umopo si Bianca sa bakanteng opuan kahit na nahihiya. At umupo sa tabi nya c Ej.

Bianca’s POV

                     “ pwde dito maupo?” Ej   “ a-ahmmp! Oo naman,”. gRRR nauutal pa ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

i am BiancaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon