Crush (One Shot)

14 0 0
                                    

Crush (One Shot)

“Ano yan bez?”

“Ewan eh? Sulat?”

“Ang weird sa panahon ngayon din a uso love letter”

“Pag ganto love letter agad?”

“Buksan mo na lang”

“ito na nga oh.”

[A/N: First one shot XD huehue wala ako magawa eh. Na-Lss ako sa kanta naging inspirasyon ko yun para gawin ito. ^____^ Salamat sa mga magbabasa..]

*************************************

*krrrriiiiiiinngggggg*

“That’s all for today.. “

“Ayy uwian na?” =_______=

“Bez sa lahat ata ng tao dito sa loob ng classroom natin ikaw lang ang palaging may reklamo pag uwian na.” -_______-

“Masaya kaya magaral bez try mo.” ^______^

“Aba tingin mo sa akin di nagaaral? Ang hard mo ha!” =______=

“Hindi naman sa ganon.” ^______^

“Ay nako ewan ko sayo BTW, una na ako ha?”

“Wag bez bata ka pa mahal pa kita!!”

*pak*

“ARAAAY!! Wagas ka naman makabatok”

“Pinapatay mo na agad ako eh. Uuna na ako ibig sabihin uuwi na! Baliw ka!”

“Hahahah Oo na ingat ka bez mwwwaahh!”

“Okay bye. Ingat din”

At umalis ns siya. Hehehe yan ang bestfriend ko. Ay ang dami na kwento..

Ako nga pala si Philomela, Mela ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko, ganun din ng family ko. Philomela is a Greek name means a lover of music. Ewan ko ba sa parents ko bakit yan ang pinangalan nila sa akin. Si daddy kasi guitarist ng isang banda dati, he is also a business man. Si mommy naman mahilig din sa music marunong naman siyang magpiano. Kaya di na ako nagtataka bakit patungkol sa music ang pinangalan nila sa akin. Hehehe

Yung kausap ko kanina si Czarinah yun ang bestfriend ko. Three years na kaming magbestfriend. Tito and tita ang tawag niya sa parents ko ganun din naman ako sa kanya. Maganda siya. Yan lang maidedescribe ko sa kanya hehehe Joke! :D Mabait yan at love na love ko.

Kung sa looks baliktad naman kami. Siya kasi fashionista, ako hindi. Simple lang ako.

Oh ang haba na ng pagpapakilala ko. One shot lang naman ang story na ito eh XD hahaha. Tama na yan.

Papunta na ako sa locker ko ngayon. Pagbukas ko ng locker ko may nakita akong envelop. Kulay pula. Agad ko itong kinuha at binuksan.

“ Sa di inaasahang pagtatagpo ng mga mundo may minsan lang na nagdugtong damang dama na ang ugong nito. ‘Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding-hindi ko ipaparanas sayo”

O_____O < ------ Reaksyon ko.

“Ano daw?” Napabulong na lang ako sa sarili ko. Ano ba yun? Hindi ko maintindihan? Ahmm okay Top 1 ako nung pre-school. Valedictorian nung elementary. At matataas din naman ang grades ko ngayon sa school? In short matalino. Pero bakit di ko maintindihan yung nakasulat??

Hinanap ko na lang ang bestfriend ko para tanungin siya sa bagay na ito.

“Bez!!” Sigaw ko kay Inah. Sabi na eh nasa garden siya kasama ang boypren niya. Uuwi daw sus!!

Crush (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon