#Fear 30: Targetted
✙ Xenzel's POV ✙
"Zypher, kailangan mong makinig." Hinarangan ko si Zypher. Kailangan kong sabihin sa kanya ang tungkol sa mga weird na staff na nakita ko dito sa Seriun.
Huminto siya at tumingin nang blangko sa'kin.
Anlaki agad ng pinagbago niya. Parang hindi na talaga siya yung Zypher na nakilala ko.
"May nakita akong kahina-hinalang janitor, duguan ang kamay niya at naka-sumbrero siya para itago yung mukha niya. Pagkatapos ay nadatnan ko kahapon sa Monitoring Room ang isang teacher na binubura ang ibang footages na nakuha ng SHC. May mga dinadagdag din siya. At kanina naman nakasalubong ko ang isang security guard na may bakas ng dugo sa dulo ng uniform niya. Zypher, sa tingin ko tao talaga ang killer at hindi multo." Dire-diretso kong sabi sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatingin nang blangko sa mukha ko.
Nagkatitigan kami.
Wala man lang ba siyang sasabihin?
Tumango lang siya at nilampasan ako.
PTCHA!
"OMG, matindi yata ang LQ niyo ah?" Puna ni Nem nang hindi makapaniwala.
"Oo nga. Dati naman hindi ka niya natitiis eh..." Malungkot pang dagdag ni Celine.
Nag-uusok na talaga ang mga tainga ko sa inis!
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...