WELCOME TO BLACKPINK COLLEGE

11.7K 197 10
                                    

                                                                                     BELLA BRAVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                                     BELLA BRAVE

First day of school...

Nagmamadaling bumangon si Bella sa kanyang kama dahil tumunog na ang alarm clock nya.

''hay...may pasok na pala..'' sabi ni bella sabay bumuntong hininga ng malakas.

Tumayo na si bella at kumuha na ng mga gamit nya at pumasok na sa banyo.

Pagkatapos nyang maligo nagbihis na sya at pumunta na sa kusina para mag-almusal.

''yaya anong almusal natin?'' tanong ni bella sa yaya nya habang paupo sa hapagkainan.

''Senyorita may sunny side up dyan at hotdog..kung may gusto ka pa sabihin mo lang at ipagluluto pa kita.'' sagot ni yaya zel sa kanyang amo.

Kinuha na ni yaya zel ang mga pagkain at inihain na kay bella, kumuha pa ito ng pitsel na may lamang juice at nilagyan ang baso ng kanyang seyorita.

''ok na to yaya, masarap ka naman magluto ng kahit ano.'' sarap na sarap habang kumakain.

''hay naku binola mo nanaman ako senyorita, ikaw talaga.'' tuwang tuwang sabi ni yaya zel habang nilalaro ang buhok na parang teenager na kinikilig.

Tumawa na lang si bella habang nakatingin sa yaya nya.


Sa harap ng gate ng Blackpink College...

Bumaba na ng kotse si Bella.

''kuya mars dito na lang po ako sa may gate ha, 5pm po ang out ko.'' nakangiting sabi ni bella sa kanyang driver.

''sigurado ka po senyorita?'' tanong ng driver habang nagkakamot ulo.

''opo kuya ayos na ako dito maglalakad na lang po ako papasok.'' sagot ni bella

''sige po senyorita.'' sagot ng driver

Nakatingin lang si Bella sa gate ng bago nyang school habang humihinga ng malalim. Nandito nanaman sya sa lugar kung saan ayaw na sana nyang bumalik, pero dahil kailangan nilang manatili muna sa lugar na yun ay wala syang magagawa.

''Bella kaya mo yan...wag mo na lang balikan ang nakaraan..wag mo na lang isipin..'' sabi nya sa sarili at pumasok na.

Napakalaki talaga ng Blackpink college. Bumungad sa kanya ang napakalaking fountain na may statue ng babaeng sirena. Sa dulo ng buhok nito na nakataas lumalabas ang tubig.

''grabe sirena talaga..di ba pwedeng isda na lang..'' sabi ni bella habang pinagmamasdan ang fountain.

''sabagay sexy naman yung sirena pwede na..baka lalake yung dean dito kaya ganyan..pero sana hello kitty na lang hehe..'' nakangiting sabi nya sa sarili

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon