Chapter 19 Dawn of a New Hope
Buti na lang gising pa si Kuya Kevin. Ayown. Sya na nagdala kay Frina sa loob ng bahay nila. Di na ako nagtagal pa. Umuwi na rin ako after making sure that Frina is fine.
It was almost three in the morning when I reached home. Tulog na si Mom and Dad. I climbed up my room; I was surprised to see that the lights were still on in my twin sister's room.
I peeked at the door ajar. I found Shiela on the floor, facing the television, tissue paper scattered on the floor.
"Shiela?" tanong ko pa.
Humarap sya, eyes swollen, tears rolling down her face. "Dobby has no master. Dobby is a free-elf. Dobby has come to save Harry Potter and his friends.." pagkabitaw nya ng mga linyang yun, ngumawa sya ng pagkalakas lakas. "Waaaa! Dobby!"
Kaya pala. Pinagpuyatan na naman nya ang Harry Potter and the Deathly Hollows Part 1. Pinapanood na naman nya si Dobby. Favorite character nya. May poster pa nga sya ng elf na yun sa wall ng kwarto nya. Obssessed Dobby fan girl O.o
Lumapit ako sa kanya.
"Nabasa mo na yung mga libro. Di ka pa rin ba sanay? Ilang beses na bang namatay si Dobby?" inabutan ko sya ng tissue.
"Screw that Rowling. Ang dami daming pwedeng patayin. Si Dobby pa talaga." protesta nya.
Alam ko na talaga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon matibay ang samahan nilang tatlo nina Frina at Chrissy. Pare pareho silang mga obssessed fan girls!
"Tahan na. Kung binuhay nya si Dobby. Hindi naman kayo magkakatuluyan. Tama na yan."
Hindi ko alam. Magkaedad lang naman kami nito. Pero bakit parang ang tanda-tanda ko pa rin sa kanya? Mature lang ba ako o sadyang isip bata itong kambal ko?
Pinunas nya ang luha. Saka pinause ang pinapanood, "Teka nga. Bakit ba ngayon ka lang umuwi? Maaga kayong umalis ni Frina sa party ni Chrissy ah." agad nyang pag iiba ng usapan.
"Sumaglit lang kami sa coffee shop," matipid kong sagot. Pag dumaldal pa ako baka kung san pa mapadpad ang usapang ito. Ayoko na pa naman ng tono ni Shiela.
"Sumaglit?" nang-iintriga nyang tanong. She was leering at me. Heck.
"Yep." I avoided her eyes.
"Sumaglit tapos inabot ka na ng madaling araw?" there was malice in her voice.
I glared at her. "Quit thinking malicious things about me,"
She rolled her eyes, "Nagtatanong lang." ni-resume nya ang pinapanood.
Tapos, naalala ko si Ramon. Ano nga kaya ang namamagitan sa dalawang yun? (Frina-Ramon) Sigurado may alam 'tong si Shiela. Sagad to the cells ang closeness nila ni Frina. Hindi naman siguro nya mamasamain kung magtatanong ako.
"Shiela," I interrupted her.
"Mmm.." her eyes were still pinned on the TV Screen.
"What's going on with Frina and Ramon?"
She gave me a cold glare, and then it was followed by a nasty smile.
Lanya. Ano na naman kaya ang iniisip nito?
"Bakit naging interasado ka bigla sa lovelife ni Frina?"
"Nagtatanong lang interasado na agad?" tanong ko sa kanya, showing no bit of interest in my voice.
"Boyfriend ni Frina si Ramon," she told me.
Teka. Mukhang rehearsed.
"Totoo?" tanong ko pa.
"Hindi. Joke lang siguro," she said sarcastically.
Seryoso ba 'to? Ibig sabihin, hindi nagsisinungaling si Frina? Hindi lang sya basta nag iilusyon? May boyfriend na nga sya? Sila na nga ni Ramon? Lanya. Naunahan na nga ako T.T
"How did it happen?" tanong ko.
Shiela started explaining. After ng story telling nya..
"You mean.. It was just a contract?"
"Oo.."
Frina saved Ramon's life. Tapos hiniling nya na maging sila. Sya nga si Frina. Pero ang pinakanakakabaliw e pumayag si Maraneta. 30 days ang usapan. Roughly, one month.
Ayon kay Shiela, matatapos na ang deal. Magbebreak na sila after nun di ba?
May pag asa pa ako :D
