CHAPTER 9: The Cold Looks and Words

9 0 0
                                    

CHAPTER 9: The Cold Looks and Words

            Samantala...

‘‘Kamusta na pakiramdam mo?’’ pagbabasag ni Julian sa katahimikan. Simula ng umalis kasi sila Gio at Kyle at wala ng maririnig na ingay mula sa dalawa.

‘‘Okay naman na. Nanunumbalik na lakas ko.’’ Sagot naman ni Audrey.

‘‘Seryoso ka talagang sasabihin natin sa kanila pagkatao natin?’’ tanong niya uli.

‘‘Oo.’’ Matipid naman niyang sagot.

‘‘Bakit?’’

‘‘Kasi pinagkakatiwalaan ko sila.’’

‘‘Madali kang magtiwala ah?’’

‘‘Try mo muna magtiwala bago maghinala.’’ Pambabara ni Audrey kay Julian.

‘‘Aii o sige.’’ Iyon na lamang ang nasabi niya dahil sa napahiya siya sa sagot ni Audrey.

‘‘Okay.’’ At humiga na lang siya. Tinalikuran niya si Julian. Sakto namang tumawag si Gian kay Julian.

            ‘‘Hello?’’

            (‘‘Pare lumayo ka kay Audrey.’’)

            ‘‘Huh? Bakit ko naman gagawin un?’’

            (‘‘Para hindi niya marinig usapan natin loko!’’)

            ‘‘Aii sandali.’’ At pumunta sa terrace si Julian.

            (‘‘Kala mo siguro pinapalayo kita kay Audrey noh?’’)

            ‘‘Oo. Eh malay ko ba. Lumayo ka kay Audrey sabi mo kasi.’’

            (‘‘Sensya naman. Haha!’’)

            ‘‘Bat ka nga pala napatawag sakin? Di ba dapat kay Audrey ka tatawag?’’

            (‘‘Kamusta na siya?’’)

            ‘‘Nagpapagaling na.’’ Teka, bakit alam niyang sugatan si Audrey? Siguro nasabi ni         Audrey kay Gian. Sabi ni Julian sa sarili.

            (‘‘Wag mo siyang papabayaan ha?’’)

            ‘‘Oo naman pare. Pero...’’

            (‘‘Bakit?’’)

            ‘‘Pare magsasabi nga ako ng problema sayo.’’

            (‘‘Sige lang pare. Ano bang problema mo?’’)

            ‘‘Hinalikan ko si Audrey kanina sa labi.’’

            (‘‘Eh anong problema mo?’’)

            ‘‘Parang umiiwas na siya sa akin. Ang lamig lamig na niya sakin.’’

            (‘‘Haha! LQ lang?’’)

            ‘‘LQ ka jan. Di ko alam gagawin ko pare.’’

            (‘‘Sinabi mo na bang mahal mo siya?’’)

            ‘‘Oo. Kaso ewan ko lang kung nagets niya.’’

            (‘‘Kung mahal mo pare wag mong sukuan.’’)

            ‘‘Pare alangan namang dito ko siya ligawan sa bahay ng ibang tao?’’

            (‘‘Aii haha. Jan ba siya nagpapagaling? Edi dalawang buwan kayo jan? Dalawang        buwan ka pang magtitiis ng pagmamahal mo sa kanya! Haha!’’)

            ‘‘Gusto ko ng sabihin sa kanya.’’

(‘‘Tiis tiis lang pare. Haha. Basta ipakita mo lang sa kanya ung sincerity mo. Para pag umamin ka na sa kanya, mahal ka na rin niya.’’)

            ‘‘Salamat Gian ha?’’

            (‘‘Nakuu. Wala un pare. Alam mo namang ikaw ang manok ko para kay Audrey.’’)

            ‘‘Salamat talaga pare.’’

            (‘‘O siya sige pare. Bye. Ingatan mo best friend ko.’’)

Tut...tut...tut...

            Bumalik na si Julian sa loob ng kwarto.

‘‘Sino un?’’ nagtatakang tanong ni Audrey. Nahalata kasi nito na umalis si Julian para kausapin ang caller.

‘‘Ah. Si Gian. Kinakamusta ka.’’ Sagot naman nito na tila nahihiya.

‘‘Bakit hindi ako ang tinawagan niya? Bakit ikaw? Hindi naman ikaw ang nasa kamang to ngayon e.’’ Sarkastikong sagot ni Audrey. Ang sakit naman. Bakit ganun? Hindi naman siya dating ganito. Tanong ni Julian sa sarili.

‘‘Ayaw ka niyang istorbohin. Akala niya kasi nagpapahinga ka pa.’’ Sagot ni Julian.

‘‘Ah okay.’’

‘‘...’’

‘‘...’’

‘‘Audrey bakit ang sungit mo na sakin? Di ka naman dati ganyan ah.’’ Tanong ni Julian. Hindi na niya kasi matiis ang trato nito sa kanya.

‘‘Wala lang. Magpapahinga na ako.’’ At tinalikuran na niya si Julian.

‘‘Sabihin mo lang sakin kung may kailangan ka ha.’’ Nakayukong sambit ni Julian.

‘‘Wala akong kailangan.’’ Malamig na sagot ni Audrey.

            Umupo na lang si Julian sa tabi ng kama ni Audrey. Binantayan niya si Audrey buong gabi. Pasilip-silip naman si Gio sa kung anong nangyayari sa kanila. Alas tres na ng madaling araw ng parehong nakatulog sina Julian at Gio. Nagising naman si Audrey at nakitang tulog uli si Julian sa tabi niya.

© InfiniteKim 2013

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon