14.3

127 8 4
                                    

JESSICA's POV

"ANO BA LUBAYAN MO NGA KO!!!" bwisit naman oh

"ayaw..." kainis naman

"BA'T MO BA KO SINUSUNDAN!!!" 

"wala lang..."

"ANO BA JIRO!!! KAINIS NAMAN OH LAYUAN MO NGA KO!!!"

"ayoko nga..."

"AISH!!!" ba't nya ba kase ako sinusundan, actually pauwi na ko nagcommute na lang ako di ko na pinapunta yung driver namen kaya ko naman kase eh pag pumupunta nga sa university nag-LRT lang ako eh. Magbabayad na sana ako nung...

"Manong bayad ho" ayan inunahan ako ng pisting si Jiro. Kahit kelan talaga epal eh!

"Ano ba pati ba naman sa dyip sinusundan mo ko?!"

"..." tas ngayon di niya ko pinapansin

---

"UMUWI KA NA NGA!!!" da hell pati ba naman sa subdivisiong tinitirhan ko nandito siya

"..." aish basta maglalakad na lang ako kahit sinusundan niya ko.

Nung malapit na ko sa bahay ko. Sinigawan ko siya...

"UMUWI KA NA! NANDITO NA KO SA BAHAY KO!"

"bakit naman ako uuwi?"

"KASE---" tas di niya ko pinatapos at nilampasan niya ko wait diba dapat paalis na siya pero bakit papunta siya sa ibang direksyon?

"HOY JIRO DUN YUNG EXIT NITONG SUBDIVISIONG 'TO!!!"

"di naman ako lalabas ah actually papasok na ko sa bahay na tinitirhan ko" 

"HA?!"

"sus anong akala mo sinusundan kita?! Lul ba't ko naman gagawin yon! Di ka ba nakikinig kanina sabe ko titira ako sa pinsan ko which is si Gab, kaya pwede bang pumasok ka na sa loob ng bahay mo"

Which means napahiya lang ako...Yung mga sinigaw at inis ko, wala lang palang kwenta... Ang akala ko pa naman nagbago na si Jiro...

.

.

.

.

.

.

GAGO PA RIN PALA SIYA!!! HAYOP SIYA!!! EDI SANA SINABE NIYA NA LANG KANINA PARA DI AKO NAGMUKANG TANGANG KASISIGAW!!! (A/N Note: wag kaseng assuming...) Siya kase eh!!!

---

Nung maghahapon na lumabas muna ako ng bahay para makapagrelax at makalanghap ng simoy ng hangin. Pagkalabas ko pa lang may nakita akong isang nangangalang Oliver na nakapangmeywang at nakataas ang kilay.

"Hi! Kumusta naman yung date niyo?!" paninimula niya, bakit parang may halong galit ang tono ng boses niya?

"Eto, bwisit na bwisit!" sabe ko, totoo naman eh KUNDE DAHIL DIYAN SA PISTING JIRONG YAN!!!

"talaga, ang saya saya niyo nga kanina eh!!!"

"Huh---"

"May pahawak-hawak pa nga kayo ng kamay kanina"

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon