ALMOST YOUR PRINCESS (ONE-SHOT)
Fairytale Fairytale Fairytale Fairytale
Tss. Kalokohan!
Bakit pa ako aasa sa fairytale. Kung hindi na talaga pwede? Hmmp. Hindi naman yan nag eexist. Dati nung bata ako, sabi ng dad ko. "I AM THE MOST BEAUTIFUL PRINCESS" . Tss. Maniwala! Akala ko mangyayare lahat ng yun pero. Hindi! Ayaw ko ng umasa, umasang magugustuhan rin ako ni Prince.
'Someday, you'll meet your prince that loves you like a princess'
Suss! Nagsasayang lang kayo ng laway sa kakasabi niyan!
'Lahat kayo may happy ending'
Oo merong happy ending. Kaso ang happy ending ko sa ---
"Princess!" napatingin naman ako sa sumigaw. Malayo na pa siya saakin kaya yun sumigaw. Si Yra. Hmm. Ano nanaman kayang sasabihin nito saakin. Agad naman akong lumapit sakanya. Nasa school ako ngayon. For my LAST day here.
"Yup? Oh? Na miss mo na ako kaagad?" Panloloko ko sakanya. She is my bestfriend. Alamn niya kasi na last day ko na dito sa school. Aalis na ako pinapapunta na ako sa states ni dad. Yeah, alam kong malungkot dahil madami akong maiiwanan. Pati mga kaibigan ko dito na patuloy na nagmamahal saakin. Pati na rin mga teachers ko na palagi kong binibgyan ng pagkain. Pati na rin yung janito dito na naglilinis ng mga kalat ko. Hayyys. Buhay! parang life nga naman.
"Loka! Hindi noh! May napapansin ka ba?" tanong niya saakin. Huh? Napapansin? ano yun. Epppp--- I think may period ako ngayon. Tumingin ako sa bandang likod ng palda ko to make sure.
"Hoy! Hindi yan. Oh! What am I saying. Basta may nakatingin sayo!"
Napa iling iling naman ako nung sinasabi niyang may nakatingin saakin. Tapos tumingin ako ulit sakanya.
"Syempre tayo, magkausap dito malamang dapat magkatinginan tayo." Nakaabot naman ako ng palo sa braso niyan.
Ngumuso siya dun sa likod ko.
Anubayan! Nakatingin lang naman pala saakin si Prince Cas--
Loading...
Initializing..
Bufferring
100 %
DEAR DIARY,
O_____O Ganyan ang muka ko nung nag buffer na sa utak ko ang mga pangyayari. Nakita ko si Prince na nakatingin saakin with matching smile pa. Ang gwapo gwapo niya talaga. Nasakanya na ang lahat. At super imposible naman na tumingin yun saakin tapos nakangiti pa ng nakakaloko. Waaah! Oxygen please! Siya ang ideal man ko, slash CRUSH KO.
kahit ako ang taong hindi naniniwala sa fairytales at happy ending, may pinapangarap din ako. na sana mapansin niya ako. Kahit saglit lang.
*****
Nasa park ako ngayon. Next month pa ang flight ko. Bakit agad agad akong nag paalam sa school? 'Cause the saftier the better' Sabi ng my beloved dad.
naka upo ako sa bench. Pinapakinggan lang ang huni ng ibon, nilalanghap ang fresh air, tumitingin sa langit at nakikipag-usap sa sarili.
"Bakit kaya hindi ako nainiwala sa fairytale, pero bakit may crush ako?" Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit ang mata ko. Wala akong pake-elam kung sabihan nila ako ng baliw dito.
"Baka kasi duwag ka lang nyan. Kasi ayaw mong masaktan at umasa ng happy ending" nagulat naman ako nung nagsalita ang isang lalaking tumabi saakin sa bench. Hindi ko parin binubuklat ang mga mata ko. masaya na ako kung ganito ako makipa-usap.