***J U L Y O 6 2 0 1 6***
Its finally over na talaga. I blocked him! Nabastusan kasi ako sa kanya nung time na yun ee, and besides may red alert ako nun kaya grabeh ang topak ko. Tapos hindi pa sya paawat sa pang aasar nya, kaya ayun, biglang nag the end. Do not be mistaken ah, hindi ko po sya boyfriend hes just my friend. Yes, hes just only my friend, Hahaha. Funny ee noh? Ganito kasi yun, He's just a former ojt at my workplace, then at first, i didnt noticed him, hindi rin nya naman ako pinapansin, we are just complete stranger. Ganun kasi ako ee, pag hindi ko kilala yung isang tao i'll just ignore him or kung minsan pa nga sinusupladahan or tinatarayan ko ee. So ayun nga, sinusupladahan ko sya whenever he asked me something about sa work. I know na oofend sya pag ginagawa ko yun sa kanya, pero wala akong pakialam. Ganun talaga ako ee. Then later, days passes, napapansin ko sa kanya na araw araw na lang nya akong inaasar, at pag nakikita nya akong naaasar na, tuwang tuwa pa sya. Hayop! 😒 Talagang asar ako sa kanya lagi nun. Pero nung nalaman kong malapit na syang matapos sa ojt nya, bigla akong nalungkot. Tapos yung pang aasar nya sakin, mas lalong grumabe pa! Pero imbis na mainis ako, natutuwa pa ko pag nag aasaran kami. Ewan! Nabaliw na yata ako nung time na yun. 😂 So ayun nga, nag last day na nga sya ng ojt nya nun at nag basaan kami. May tradition kasi sa store namin kapag last day of duty mo na paliliguan ka. Pero ang nangyari nun, nang binuhusan ko sya ng tubig, binuhusan nya rin ako. Kaya ayun, nag basaan kaming dalawa. Naghabulan pa nga kami sa loob ng kitchen nun ee kasi ayaw magpatalo. Salbahing bata! 😂 Simula kaya nun, tinutukso na ko ng mga katrabaho ko sa kanya, kasi daw ang cute daw ng moment naming yun, para daw kaming nasa kdrama. Mga baliw talaga! 😂 So ayun nga, kahit na natapos na sya sa ojt nya at hindi na kami nagkikita pero tuloy parin ang asaran namin sa chat. Simula kasi ng ni-add nya ko sa facebook, walang araw kaming hindi nag chachat. Minsan nga hindi ko na nagagawa yung mga gawain ko kasi chat lang kami ng chat. Kahit saan ako mag punta, kahit sa daan, pag break time ko, pag uwi ko, late nights, hanggang madaling araw kami kung mag chat nun. Ang dami naming converasation sa messager, sobrang haba pa ng mga message namin na akala mo telegrama. 😂 Nakakatuwa talaga syang kachat, parang hindi sya nauubusan ng kwento. 😊 Ang dami dami kong nalaman sa kanya. Tulad ng magkabirthday pala kami, mahilig pala syang umakyat ng bundok, mahilig mag travel, fearless, gusto ng challenge, pasaway, baliw, happy go lucky, basta napaka positive nya! Opposite nga kami ee, kasi ako tong si nega, mainitin ang ulo, parating naasar, parating nakasimangot. 😞 Natatandaan ko pa nga ee nung ojt pa nya, tawag nya sakin si Simang, parati daw kasi akong nakasimangot ee. Haha. One time pa nga may letter syang iniwan dun sa chiller ko na nakalagay, "Good morning Simang! Smile ka lang ah, para goodvibes!"😊 Hindi naman ako napasmile nun, mas lalo lang akong sumimang nun. Haha. Pero sa loob loob ko, natuwa ako. 😂
So ayun nga, sa kakachat namin, inaya nya kong uminom sa labas. Sinikreto ko nga lang yun sa mga kasama ko sa bahay ee, paalam ko Kay nanay, lalabas lang ako sandali kasi birthday ng classmates ko. Hahaha. Sinungaling na bata! So ayun nga, uminom nga kami dun sa, somewhere in QC, Hindi ko Alam yung lugar na yun, first time ko kasi dun ee. Siguro nga kung papabalikin ako sa lugar na yun, hindi na ko makakabalik. Nag taxi kasi kami papunta dun ee. So yun, nag inuman lang kaming dalawa, nag kwentuhan. Ang kulit nga ee kasi sya lang ang panay kwento habang ako nakikinig lang. Pinapakwento nya nga ako ee kaso wala naman akong maikwento sa kanya. Hindi naman kasi ganun ka interisting yung buhay ko para mag kwento ee.
So pag katapos nung inuman namin, nasundan na naman yung pagkikita namin nang inaya nya akong mag jogging sa greenhills. First time kong mag jogging dun. Ang saya! Pagkatapos nun, nasundan na naman yung pagkikita namin ng pumunta sya sa bahay namin. Hindi ko nga inexpect yun ee. Saka medyo naiinis pa ko sa kanya nung time na yun. Ewan ko nga kung bakit ee. Siguro kasi feeling ko parang nagsisimula na syang maging cold sakin nun. Ewan! Medyo may pagka praning kasi ako ee. Iniisip ko kasi baka nagsawa na sya sakin. Pero nung nag usap naman kami, naging okay na naman. Ang kulit nga nya ee! Naalala ko pa nga tinitignan nya yung gallery ng cellphone ko. Nakita nya pa nga yung video ng rehersal ng sayaw namin nung christmas party, buti na lang naagaw ko agad yung cellphone sa kanya kaya ayun hindi nya nakita. Ni-delete ko agad ee. Sayang nga, wala na tuloy akong souvenir ng kahihiyan ko! Hahaha. Gustong gusto pa naman nyang makita yun kasi para may pang asar na naman sya sakin. Hahaha. Kulit nya noh?! Pagkatapos nun, nasundan na naman yung pagkikita namin ng nanood kami ng sine, "Me before You" nga yung title ng movie ee. Medyo nag aalala nga ko nung time na yun ee kasi nakikita ko sa kanya todo effort sya na ma enjoy yung moment namin, yung hindi maging dead yung pagsasama namin kaso ako yung wala sa mood ee. Feeling ko tuloy ang boring ko kasama. Pagkatapos nun, hindi na nasundan yung pagkikita naming yun. 😔
Ngayon, in-unblocked ko na uli sya sa facebook at inadd ko uli sya sa mga friends ko. Ang sabi ko nung nag away kami, puputulin ko na yung ugnayan namin, na kakalimutan kong nagkakilala kami kaso hindi ko magawa ee. Parati ko syang naiisip.
Nag chachat parin naman kami ngayon pero minsanan na lang. Pero yung minsanan na yun hindi na gaya ng dati, hindi na mahabaang chat, hindi na kasing saya nang dati. Hanggang kamustahan na lang pagkatapos nun, wala na!
Nakakalungkot nga ee! Yung taong naging kasanayan mo ng makausap, yung taong naging palagayan mo na ng loob, yung taong laging nang aasar sayo, yung taong laging nanglalait sayo pero sinasabihan ka parin na maganda, yung taong laging nag checheer sayo kapag down ka, yung taong nagpapasaya sayo at nagpapakilig?
Ay bigla na lang nawala sa buhay mo?! 😔
"Sayang"! Nasasabi ko na lang sa sarili ko. Siguro kung hindi ako nag inarte ng araw na yun, kung hindi ako tinopak nung araw na yun, kung hindi ako niregla ng araw na yun. Siguro okay pa kami ngayon. Baka nga naging bff pa kami ngayon ee. Hahaha.
Or much more, baka naging kami pa?!
Sayang! May lovelife na sana oh! 😂 Konting push na lang yun pag ibig na sana yun ee! 😂😭
Minsan talaga, panira ng lovelife yung regla! Topak pa more! 😂😂😂
*** T H E E N D***
YOU ARE READING
Sayang [One Shot]
RomanceYung regla, minsan panira ng lovelife eh. Tsk tsk tsk. 😔😂 (A true to life experience of mine 😉)