11 - Sweetness Overload Part 1

164 6 1
                                    

Miss M:

Hi guys! Here's the new update! Sana magustuhan nyo. Ahahahaha. Dito sa update na ito, mafefeel nyo ang sweetness ni Jared, mafefeel nyo ang kilig, tatawa din kayo, tapos pwede din kayong maiyak (sana ^_^) Ahahahahaha. Basta. Sana maenjoy nyo ito! Salamat!

---->

Wind's POV:

 Matapos yung nangyari kahapon specifically kagabi, hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nagtapat si Jared sa akin. Tapos ano daw?! Liligawan nya ako?! Seriously?! Ahahahaha. Pasensya na kayo dear readers, shock pa din kasi ako hanggang ngayon e. Umaga na pala, kagigising ko lang, technically, late na ako nagising. Paano ba naman di ako makatulog ng maayos kagabi! "Lyne anak, bumangon kana dyan. Late na kaya." Sabi ni mom, sa labas ng pinto.

"Yes mom, okay na po. Gising na po ako, mag-aayos lang po muna ko tapos bababa narin ako maya maya." Sagot ko naman kay mom para ipaalam na gising na ako. "Lagot ka sa akin Jared, sinira mo yung beauty sleep ko kagabi. Argh! Kinikilig talaga ako eeeee." Bulong ko sa sarili ko bago tumayo at pumunta ng banyo. Pagkapasok ko sa loob ng cr ko, humarap muna ko sa salamin, tinignan ko sarili ko. Maganda parin naman. Hahahahahaa.

Sinimulan ko na yung daily rituals ko. Ahahaha.

- Ligo

- Toothbrush

- Apply ng lotion sa body

- Apply ng lotion sa mukha

- Pili ng damit sa walk-in closet ko

- Suot ng damit

- Ayos ng gamit sa bag

- Light make-up

- Last but not the least, picture shot! ^_^

Matapos ko mag-ayos, nagmadali na akong bumaba sa may dinning area namin, naabutan ko si Papa at si Kuya Grey. Napansin naman ako agad ni Kuya. "Tss." Sabi nya sa akin, sunget talaga nito. Hmp. Nagpout lang ako sa kanya. Alam ko kasi hanggang ngayon nagtatampo yan dahil talo sya sa pustahan nila ni Jared. Hmp. Sya pa nagtampo, dapat ako nga magtampo sa kanya dahil pinagpustahan nila ako. Bahala sya dyan. Ahahaha. Alam ko naman mamaya kakausapin na ulit ako nyan e. Di ako matitiis nyan, love na love ako nyang si Kuya Grey e. Ahahahaha.

"Good morning Dad! " Bati ko kay dad, tapos ngumiti ako sa kanya. Sinilip naman nya ako, kasi nakatakip yung dyaryo sa mukha nya e. Nagbabasa kasi sya, pagsilip nya, ngumiti naman sya sa akin tapos sumagot. "Goodmorning din. Parang blooming ang baby natin ngayon honey ah?" Pang-aasar nya sa akin, dumating na kasi si Mom, dala yung breakfast namin. "Honey, ang aga aga inaasar mo na yang bunso natin. Ahahaha. Mukhang my love life na yung bunso natin ah?" Kala ko pa naman pinagtanggol ako ni Mommy, di pala, ginatungan pa yung pang-aasar sakin. Hmp. Nagpout ako "Mom, Dad, wag nyo nga po kong asarin, hmp. Ok, aamin napo ako. Nililigawan po ako ni Jared ngayon. Yung naghatid sakin dito last week. Kilala nyo na naman po sya e. Tsaka isa pa po, kaibigan po ni Kuya Grey yun." Pag-amin ko naman sakanila. Tumango tango lang sila, pero nakangiti pa din sa akin, yung ngiting pang-asar. Nagpout lang ako sabay kaen. Hmp.  

"Dad, Mom, alis na po ako." Malamig na sabi ni Kuya matapos kumaen. “Lil sis, bilisan mo dyan. Ang bagal mo talaga kahit kelan.” Dagdag ni kuya. Napangiti naman ako kasi kinausap na nya ulit ako. Ayieee. Sabi ko naman sa inyo di ako matitiis ni Kuya Grey e. Love na love ako nyan e. Ahahahaa. “Ayiee Kuya Grey, bati na tayo! Sabi na e, di mo ako matitiis e. Hahahaha Saranghe Oppa! (Tsup!)” Sabi k okay Kuya tapos ni-kiss ko sya sa cheecks nya.  Hehehehee. I really love my oppa. ^_^ Nakita ko naman ngumiti sila Mommy at Daddy sa aming dalawa. “Mommy, daddy, sabay na ako kay kuya ah?! See you later nalang po!” Sabi ko sa kanila habang palabas na kami ni kuya sa bahay. Kinawayan ko sila mom at dad before makalabas na ng tuluyan sa bahay.

ITHRFMASGLU (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon