Isa...
dalawa...
tatlo...
Tatlong taon akong naghintay bago makarinig ng kahit anong tungkol sa'yo. kumakain ka ba nang maayos?
Nakakatulog ka ba ng mahimbing?
Namimiss mo ba ako?
Kasi ako, walang araw na hindi kita namiss.
Sinusuot mo pa ba yung bigay kong Unisilver na singsing noong 1st anniversary natin?
Di ba sabi mo pa nga noon hinding-hindi mo huhubarin yun hangga't hindi pa tayo kasal?
Naalala ko pa nga, pinagtatawanan mo pa ako kasi wala akong kaclass-class mamigay ng regalo samantalang ikaw, isang YSL na pumps. Sorry ha? Alam mo namang wala akong alam sa mga regalo na yan eh! Alam mo namang hindi ako mahilig mamigay ng regalo, sa iyo lang talaga.
Sabi mo noon, ang bobo ko sa Math.
Pero alam mo ba? Hindi lang pala Math ang nagpapairal ng kabobohan ko,
dahil pagdating sa'yo, wala nang makakatalo sa pagkabobo ko.
Oo, ang bobo ko nga dahil sa loob ng tatlong taon, ikaw pa rin ang laman nito, at dahil sa bobo nga ako, umasa akong ako pa rin ang laman niyan.
"Yun nga, kumaway siya sa akin. At alam mo ba? Ang ganda ng babae. Kutis pa alng mukhang mayaman na! Kaya lang, ayun, hindi kami masyadong nakapag-usap may pupuntahan pa daw sila eh!"
Masayang kinukwento ng dormmate kong si Alexa na nagkita daw kayo kanina.
Buti pa siya, nakita ka niya.
Tapatin mo nga ako, iniiwasa mo bang magkita tayo?
At sino ang babaeng tinutukoy niya?
Best friend mo ba yun?
Classmate?
Orgmate?
O baka naman nakahanap ka na ng mas maganda at sexy kesa sa akin?