Dagdag cast. Ang dami ko na namang characters. Punong-puno na. Gusto ko pa ngang dagdagan hanggang one million. WAGAS!!!
Wala lang! Enjoy Reading na lang. May sabatan scenes here. Next chapter na lang yung kay Kevin.
If you like this, vote and comment. Thank you!! XD
#########################################################################################
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Huminto si Kuya sa harap ng isang malaking restaurant. Dito na siguro yun. Infairness ha, Sosyal!
"Here we are! Ready ka na?"
"Oo pero, kinakabahan pa din ako."
"Wag! Palit lang naman siya. Go over. Aalis na ako. Mamaya na lang."
"Ah Kuya! Aalis din kasi ako mamaya. Wag mo na lang ako sunduin."
"Okay, ingat ka na lang. Makikipagdate din kasi ako. Akala mo ikaw lang. Siyempre, pati ako luma-love life." Eh? Love life ko 'to. No way! It's just a deal.
"Asus! Makikipagdate o magpo-propose?"
"Agad agad? Di pa! O, sige baba ka na. Good luck." Eto na....
Bumaba na ako sa kotse ni Kuya Cyfer at pumasok sa loob ng resto. Pagkapasok ko, tumingin ako sa paligid ko. Agad kong napansin na walang tao sa buong paligid maliban sa tatlong staff at isang lalaki. Siya na ata iyon.
Tinanong ko tuloy yung isang babae doon. "Miss, bakit wala masyadong tao dito? Ano pong meron?"
Ngumiti siya sa akin. "Nakareserve lang kasi yan for you and sa boyfriend niyo. Ma'am, bagay po kayo." Yan na naman sa mga bagay-bagay na yan. Mukha ba kaming gamit? Tsaka..sinong may boyfriend?.....Ako? Kailan pa..
"Miss, nagkakamali ka. Di ko po yan boyfriend." Napulot lang yan sa tabi-tabi. Joke! Ang sama ko lang.
Lumapit ako sa kinauupuan nung lalaki. Siya lang naman ang nandito na customer. So, malamang siya ang imi-meet ko. Masungit kaya 'to. Parang galit siya na hindi na masaya na malungkot. Ewan! Basta mixed emotions. Nang mapansin niya ako, nagpalit ang expression ng mukha niya from mix sa masaya. Baka nagalit dahil pinaghintay ko.
"Sorry! Kanina ka pa ba?"
"Hindi masyado. Hi! I am Ivan Zeraina nga pala. Siguro ikaw na si...wait..Casey! Right?" Yeah, ako lang naman ang pupunta dito.
"Right! Matanong lang. Sabi nila masungit daw ang pinsan mo. Baka naman mamaya mas malala ka pa. Am I wrong?" Tanong ko. Umupo ako sa upuan katapat niya at hinintay ang sagot niya.
"Actually, no! Good boy kaya ako di katulad nun. Bad ass. Don't worry kahit palit lang ako mas YUMMY naman." Coco martin is that you? Nobody, nobody but you? Tsaka, tanong ko lang, good boy ba talaga o chick boy? Pati anak ng manok pinapatulan mo eh.
"Ahem..Ahem! Inuubo ata ako. Pengeng tubig. Nakakaubo ka kasi. Tsaka, anong yummy? Bakit kakainin ba kita?"
"Pwede din kung gusto mo. Libre lang! Don't be shy." Eww! Ikaw na lang kung gusto mo.
"Ano ako cannibal?"
(A/N: Cannibal- yun po yung mga kumakain ng laman-loob ng tao.)
He chuckled. "I like you. Interesting. Pinangiti mo nga ako ng sobra. One thing nobody can make me to. But for now, kulang pa. Entertain me MORE." More?
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...