Behind the Mask is a Deeper Secret
[Chapter Seventeen]
"Thinking helps but thinking too much can make you depress. And depression gives you wrinkles. And wrinkles is not good for your health. Just laugh it out dear. Hindi ka naman nakakamatay ang pagtawa." Payo ni Bree sa mababaliw niyang pinsan. Kinuha ni Bree ang guyabano shake niya at hinalo ito gamit ang straw.
"Pero mababaliw na talaga ko." Sagot ni Raina habang sinisipa-sipa ang sahig. Wala na siya pakialam ung pagtinginan sila ng mga tao sa cafe kung nasaan sila ngayon.
"Matagal ka nang nababaliw." kumento ni Bree sa sinabi ni Raina.
"Yun naman pala eh. Wag mo na kong pilitin na pumunta." Sabi ni Raina. Makikita mo ang lungkot sa mukha niya. Kapag ba magpinsan kailangan pareho ng kapalaran? Tanong ni Bree sa sarili niya.
Si Jerome na ex ni Raina at Billy na ex ni Bree. Pareho lang sila ng ginawa sa kanilang dalawa. Niloko. Sinaktan. Pinagtripan. Pinaglaruan. Pinaasa. Ginago, kahit na anong tiwala ang binigay ng dalawa sakanila, ganun pa din ang kinalabasan ng buhay nila. At pareho pa silang highschool ng mangyari ang mga bagay bagay. Parang nakatadhanang mangyari ang mga ito sa kanila. Pero sa kanilang dalawa, si Raina ang ayaw pang bitiwan ang mga bagay na pinaghahawakan niya kahit ilang taon na ang lumipas. Naniniwala pa din siyang minahal talaga siya ni Jerome.
"Paano mo malalaman ang totoo kung hindi ka pupunta? Alamin mo man lang kung masaya ba siya nung iniwan ka niya. At isa pa, hahanapin ka nila dun." Pagpupumilit ni Bree. Bakit pinipilit ni Bree na pumunta si Raina? Kasi kailangan niya ring malaman ang totoo. "Bakit ka ba kasi natatakot na makita siya? Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Sa sobrang pagka curious ni Bree ay hindi na niya napigilang magsalita.
Dahil naman sa tanong ni Bree kaya bumalik ang lahat ang mga memorya ni Jerome sa isip ni Raina. "Matagal na niya kong nililigawan. Nung third year kami, naisipan kong--narealize pala. Narealize kong minahal ko na din siya. Sobrang maeffort kasi siya. Kahit sabihin kong wag niya na kong ihatid at baka gilitan siya ng buo ni Papa, hinahatid niya pq din ako." medyo natawa naman si Raina habang nagkukwento siya. "Nakita nga talaga siya ni Papa nun, pero sa gulat ko pinapasok lang siya sa loob ng bahay.
"Akala ko nga dun na lang siya iso-slaughter eh. Pero nagusap lang sila. Sinabi niya kay Papa at Mama na gusto niya ko kahit minsan may sayad ako. Tanggap naman siya ni Mama kasi nakakatuwa daw siya tsaka maginoo." Raina held her cup and took a sip before continuing. "Di nagtagal tuluyan ko na siyang sinagot. OK naman kay Papa at Mama...... Everyday, hatid-sundo siya saakin. Pag may pera siya nililibre niya ko, pero syempre give and take.
"Nagtagal kami ng 15 months. Pero nung 15th monthsary namin, sinabi niya na lang na tigilan na namin lahat ng 'to." Her voice crooked. Ramdam ni Bree ang lungkot niya dahil pinagdaan niya rin ito kaso ang opposite ng sitwasyon nila. Pero kahit na alam niyang malungkot na si Raina, gusto ni Bree na marinig ang buong kwento para na rin matulungan niyang pinsan niya. "Naglolokohan lang pala kami all those times. Pero ang galing niyang umarte, sobra. Pwede na siya sa Oscars. Sobra niya kong napaniwala." A tear escaped Raina's left eye. Her hand immediately swept it away including the other in the right bago pa ito tuluyang makatakas. Ayaw niyang umiiyak. Ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao, 'ang maingay', 'papansin', 'AB normal', at 'sadista'. Kahit kelan di pa siya natawag ng iyakin. No one saw her cry until today. As much as possible she try to keep it for herself.
"Wag kang matakot sa kanya. Wala ka namang ginawa eh. Siya ang matakot. Sa karma, sayo, saatin." Tumigil sandali si Bree dahil sa sobrang inis niya, di niya alam kung anong uunahin. "Magsisisi siya." Bulong niya na sapat na para marinig ni Raina. Nagsalubong naman ang kilay nito.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask is a Deeper Secret.
Teen FictionEach person who wears masks wears a deep secret. [Tagalog story] First draft. Please understand all the typographical errors.