Tanaw mula sa malayo ang maganda niyang mukha.
Mukha na noon ay nais kong masilayan sa t'wing gigising ako sa umaga.
Mga ngiti na siyang nagpalambot sa mga tuhod ko noong masaya pa kaming nagtatawanan at nag-aasaran.
Yung buhok niyang umaalon na pawang tinatangay ng sariwang hangin at nilalanghap ng nasa paligid ang mabango't matamis na amoy niyon.
Yung mga mata niyang kumikinang sa t'wing tumitingin direkta sa mga mata ko.
Napatalon ang puso ko nang lapitan niya ko. Nababakla na yata ako.
Sinilayan ng matamis at malambing na ngiti ang maninipis at mapupulang labi nito.
"Kirby!"
Parang musika sa tenga nang banggitin niya ang pangalan ko.
Still the same. Ang mala-anghel niyang boses ay ganoon pa din. Walang pagbabago. O ako lang ang nag-iisip na walang nagbago.
Nginitian ko lang siya at mahinang binanggit ang kanyang pangalan.
"Jess.."
Parang gusto kong magtatatalon dahil sa mahabang panahon na hindi kami nagkita ay sa wakas... nasilayan ko nang muli ang maganda niyang mukha.
Pero hindi ko magawang tumalon at maging masaya tulad ng saya sa ngiti na ipinakikita niya. Dahil hanggang ngayon...
Hanggang ngayon ay miserable padin ang buhay ko. Naging miserable ako magmula ng iwan niya ako.
Pero susubukan ko..
Susubukan kong magmukhang okay at masaya. Yung tipong totally moved on na. Yung parang reaksyon niya ngayon. Wala, naka-moved on na talaga siya.
"How are you? It's been years, right?" Oo. Taon na. Pero hanggang ngayon mahal parin kita. Sana lang talaga masabi ko yun sakanya kaso wag nalang pala.
Tumango lang ako saka nilagay sa likod ang dalawang kamay at pinaglaruan ito. Hindi ako mapalagay? Oo. Hanggang ngayon talaga ang lakas parin ng tama ko pagdating sakanya.
"Bakit... bakit pala wala ka nung reunion? Dumating sila Vince, pero ikaw hindi." Medyo may tampo na pagkakasabi nito.
Nalulungkot ba siya dahil wala ako? O para lang masabing kahit papano ay naaalala niya parin ako maging ang presensya ko?
Tumikhim ako. Parang may bato na nakaharang sa lalamunan ko. Ayokong magsalita, sa totoo lang. Baka may masabi akong di niya magustuhan.
"I am kind of busy... with work." Totoo yun. Masyado akong abala sa trabaho ko. Paper works and some presentation on board.
That's my only way to forget about you. To forget about the pain you've caused on me.
"Naku, mahirap yan! Sige ka, mabilis kang tatanda." Sinabayan niya iyon ng pagtawan.
Kung nakakabilis ngang tumanda ang pagtatrabaho ko ay mas gusto ko paring tumanda kasama mo.
Natawa ako sa sarili kong naisip. Grabe, nakakabaliw talagang maging sawi. Kung anu-ano nalang ang kabaliwang pumapasok sa isip.
"Kamusta ka naman?" Mukha naman siyang okay kaya bakit ko pa tinanong. Tanga mo talaga Kirby.
Ngumuso ito bago magsalita.
"I am good. Naging okay naman ang lahat sakin. Well, hindi naman talaga lahat. Pero naging okay naman na ko." Ngumiti ako. Sana ako din... maging okay na.
"Thats... thats good to hear." Yan nalang ang nasabi ko. Wala na.
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong nito habang inaayos ang maluwag na strap ng dala nitong bag.
Ngumiti naman ako at tinuro ang building na malapit sa pwesto namin.
"RKS Hotel? Ryle Kerby Senerez Hotel?" Naguguluhang sabi nito. Oo. Isa nakong may-ari ng hotel ngayon. Di tulad noon na isang kahig, isang tuka kong buhay.
Tumango ako. May gulat parin sa mukha nito. Pero kahit anong reaksyon niya, perpekto parin ang pagkakahubog ng mukha nito. Siya parin ang pinaka magandang babaeng nakilala ko.
"Iba kana talaga ngayon. After graduation nung college ay wala nakong nabalitaan tungkol sayo."
Naalala ko bigla yung mga panahon na yun. Yung mga panahong di ko pa matanggap na wala ng kami. Na ako nalang at siya ang meron dahil wala ng kami.
"I worked abroad. Right after the graduation, i was sent to California. My lolo has a business in there that's why i've had decided to go there and work, yeah." Liar.
Nagpunta talaga ko dun because my life was totally wrecked because of you. I thought I was able to moved on when I was far away from you. But I was wrong.
Because until now... I still can't move on. I am still into you, after all this time. How I wish I could turn back time.
"Ah. Kaya pala hindi ka namin macontact. Maybe you've also changed your phone number bago ka pumunta ng California."
"No. I lost my phone after our graduation." Paliwanag ko.
"Okay. Wait a sec..." May kinuha ito sa bag niya. A piece of pink sticky note. "Do you have a pen with you?" She asked. Sakto naman at dala ko ang ballpen ko.
"Here." She handed me the paper. She wrote her phone number.
"I really want to talk to you longer but i really, really need to go. You can call me if you're not that busy..." she smiled. The same smile that never failed to make me fall.
"Or text me, perhaps." She said and then took her way, away from me.
She left me hanging, for the second time around.
I looked intently in the piece of paper she gaved. I smiled slightly.
Is it a second chance for me? Or am I just assuming again and again?
I put the paper into my pocket. Mamaya ay baka mawala ko pa ito, mahirap na.
Inalala ko kung saan ko ipinarada ang dala kong sasakyan. Sira kase ang parking lot ng building namin.
I parked it 5 blocks away from hear. Along Divisoria.
So, I decided to take a walk kahit na siksikan ang madadaanan kong kumpol ng mga taong namimili para sa mga pangregalo nila sa darating na pasko.
Bunggo. Gitgit. Init. Yan ang naramdaman ko hanggang sa makita ko ang kotse kong prenteng nakaparada sa may tapat ng isang fastfood restaurant. Nakakatawa lang dahil di mawala-wala sa mukha ko ang saya.
Kinapa ko ang bulsa ko upang kunin ang susi ng kotse.
Pinanlakihan ako ng mata ng matagpuang susi na lamang ang laman ng bulsa ko at wala na ang cellphone at wallet ko.
Fuck!
And it was too late for me to remember...
That sheet of paper.
BINABASA MO ANG
That Sheet Of Paper (ShortStory#1)
General FictionA very, very short story about Kirby and Jess's lovestory.