Chapter 60

5.4K 153 25
                                    


Naalala ni Cassandra ang ngitngit nang makitang nakabukas na ang baul sa loob ng kubo ng huklubang ermitanyo. Wala na itong laman. "Halos isang buwan na rin ang nakakalipas. Wala pa bang development?" Inaalog ng bruha ang baso nitong may lamang yelo. Pagkatapos ay nilagyan ulit ito ng alak.

"Don't worry, darling. My men are on it. Hindi magtatagal mahahanap din natin ang matanda," sagot ng mamang walang pang-itaas. Kita ang mabalahibo nitong dibdib.

"Akala ko ba magaling yang mga tauhan mo," saad ni Cassandra na nakatakip ang katawan sa kumot. Nilapag niya ang baso sa side table.

"We underestimated him. He killed three of my men." Nagbuga ang mama ng usok mula sa bunganga nito at pagkatapos ay humithit muli mula sa kanyang tabako. "Besides, it was you who said we waited longer. If we had attacked earlier, baka nakuha natin ang mga bato."

"My apologies, Lucio darling." Hinalikan ni Cassandra ang lalaki at binigyan ito ng malademonyong ngiti. "Tama ka. I miscalculated."

"Ano ba ang mga batong 'yon? Bilyones ba halaga ng mga 'yon?"

"Priceless ang mga hiyas na 'yon para sa akin." Ngumiti si Cassandra pagkatapos ay humithit ng sigarilyo. "You have no idea."

"Bakit nasa kanya ang mga 'yon?"

"Siya ang, sabihin nating, caretaker ng mga hiyas."

"Pa'no siya naging caretaker?"

"Parang pinamana sa kanya." Hindi na dinetalye ni Cassandra dahil hindi naman maiintindihan ni Lucio ang buong kwento.

"Ano ba talaga ang meron sa mga batong iyon?" tanong Lucio sa kanyang mababang boses.

"Let's put it this way. Kung nasa atin ang mga 'yon, we can rule the country." Ngumisi si Cassandra.

Ngumisi lang si Lucio kay Cassandra, tiningnan ito ng malagkit, at dinilaan sa pisngi. "Why don't you just rule me instead, you bad girl?"

"Bad girl?" Ngumiti ang babae. "Which means hindi pa tayo tapos. This is far from over." Matalas lang na tiningnan ni Cassandra ang kawalan. "We're just getting started." Nagpakawala ito ng malademonyong ngiti, ngiting nagbabadya ng malagim na hinaharap, lagim na babago sa takbo ng buhay ng mga taong hahadlang sa mga plano niya, sa mga maitim na balakin ng bruhang binubuhay na lamang ng kahibangan.

-- End of Book 1 --

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon