Chapter 41- Goodbye Kate

419 9 2
                                    

Because I lililililililililililililililililililili like RNK! :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Syfred

~*~*~*~*~

"Ano 'yung nabalitaan kong nakikipagkita ka pa din dun sa babaeng 'yun? 'Di ba sinabi ko naman na sa 'yo na itigil niyo na 'yung relasyon niyo dahil walang mabuting maidudulot 'yan sa pamilya natin!"

"Pero Dad..." Stressed na nga ako sa opisina hanggang sa bahay ba naman?

"Wala ng pero pero! Masyado siyang bata para sa 'yo!"

"Mahal ko siya!"

"Puwes mapipilitan akong paghiwalayin kayo!"

Nice one Shaun! Kung hindi dahil sa 'yo edi hindi sana mangyayari ang lahat ng ito! Makaalis na nga! Hinihintay na ako ni Kate my love!

"Saan ka pupunta?"

"Gagala sa mall."

"Hindi ako naniniwala. Alam ko susunduin mo sa eskwelahan 'yung nobya mo!"

Alam mo naman na pala nagtatanong ka pa.

Hindi na lang ako sumagot.

Pero hindi niya ako pinayagang lumabas ng bahay. Hinarangan ako at pinapunta ako sa isang kwarto. May ipapanood daw siya. Ano naman kaya 'yun?

Sinabihan niya akong i-text daw si Kate na hindi ko siya masusundo ngayon.

Pagbukas niya ng TV may pinalabas.

Live ata?

Kausap niya 'yung mga tao?

Hindi din gaanong nagtagal nakita ko ng naglalakad si Kate.

Napangiti ako. Kasi doon siya dumaan sa eskinita kung saan ko siya unang nakita.

Pero hindi ko na nagustuhan 'yung mga sumunod na pangyayari.

Bakit parang hoholdapin siya ng mga tao?

"Dad! Anong ibig sabihin nito?"

"Sabi ko sa 'yo na layuan mo na siya 'di ba?"

"Never!"

Nilapit ulit ni Dad 'yung cellphone sa bibig niya bago nagsalita. "Sige na tapusin niyo na 'yan."

What does he mean tapusin niyo na 'yan?

"Pare chicks pala 'to e! Virgin ka pa ba miss?" Dinig kong sabi nung lalaking kaharap ngayon ni Kate at mukhang may balak na gahasain siya.

"Dad! Ano bang binabalak niyong gawin!"

"Susundin mo ba ang sinasabi ko o ipagpapatuloy niyo ang relasyon niyo?"

Mas nanaisin ko pang mamatay kesa makitang ginagahasa si Kate ng dahil sa akin.

"O-opo."

"Good." Hinarap niya ulit 'yung phone niya. "Tama na 'yan. Tumakas na kayo."

Pero bago pa tumakas 'yung mga tauhan ni Dad may mga lalaki ding sumulpot at pinagtanggol si Kate.

Kung sino man sila lubos akong nagpapasalamat sa kanila.

I'm so sorry. Wala man lang akong magawa.

"Buti pala dito kami dumaan. Tahan na Kate." Sabi nung isang lalaki habang kinocomfort siya. Magkakilala sila nung lalaking nagligtas sa kanya?

Pero parang hindi siya kilala ni Kate.

"Ako 'to si Jovan." Pagpapakilala nung lalaki

"Jovan?" Tanong ni Kate.

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon