Guys,this is my 1st One Shot Story so hope you'll like it ENJOY :)
Classes. Di naman masyadong boring yung klase namin may mga teachers rin kasi kaming mga joker, yung iba naman parang magmemenopause na, yung iba naman walang ibang lumalabas sa bibig kundi about sa LOVE, kahit boring yung iba pinagtitiisan nalang namin. Kahit medyo weird yung mga teachers namin mahal na mahal ko ang mga yan. Chos! Ako naman pa goodboy effect,. Di naman ako masyadong matalino, yung okay lang. Actually 3rd year highschool na ako, nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan. Yung mga classmates ko since 1st year pareho parin since nasa 1st Section ako, may iba lang na nag transfer. And i have this cute classmate named Alice, close kami niyan sobra...
sa FACEBOOK! Lengye! So, eto na naman ako nag fe-facebook nag biglang may nag POP sa screen ko.
"Oy! Kelan daw exam natin?" Alice, walanjo eto na naman,yung puso ko parang may karera,30 seconds pa ata bago ako nakareply.
"Sa 18 raw" reply ko naman,after 5 seconds nag pop na naman yung name nya
"ahh talaga salamat ha! :)" reply nya naman,yung feeling na nag chat yung crush mo sayo,pwede bang mabaliw saglit? haha gay
"Walang anuman,basta ikaw ;)" punyeta! lalabas na ata ang puso ko potek!
-CLASSROOM-
"Mayver! suklayan mo naman buhok ko oh please" eto naman si Tres,ang classmate kong maganda na palaging nagpapasuklay ng buhok saken,Oy! di ako bakla ha! gusto lang talagang suklayan ang mga buhok nila at amuyin,isa sya sa mga classmates kong babae na may mabangong buhok,amoy STRAWBERRY,dahil mabait ako sinuklayan ko naman.
Napatingin ako sa may gilid,at------- nakita kong si Alice na nakatitig samin ni Tres,Ba't parang galit siya? Assuming ko naman ba't naman magagalit yun,imposible naman ata na ma'y gusto saken.Nakita nya akong nakatitig sa kanya,at alam nyo kung anong ginawa niya? wag nalang masakit eh! HAHA bakla lang. Eto na she rolled her eyes at me! at di ko alam kung bakit,nag seselos ba sya? HAHA assuming lang eh,pasensya na po masyadong gwapo lang eh kaya ganun,wag umangal kung ayaw mong umuwi ng duguan yang mukha mo!Joke lang goodboy ako eh,peacemaker kunbaga.
Pagkauwi ko sa bahay,Ini-On ko na yung Computer,DotA na naman! maka facebook nga saglit..May isang message sino na naman kaya to? Inopen ko at di ako makapaniwala kung sino.
"Hi! Mayver" SI ALICE NAG MESSAGE SAKEN! TOTOO? >////////////< mamaya na nga lang ako magdodota potek,kailangan ko siyang tanungin kung galit ba sya saken,nagreply ako Online naman siya eh.
"Hi Alice! :) galit kaba saken?" reply ko sa kanya,ngunit limang minuto na ang nakalipas di parin siya nagrereply.Nag pop yung pangalan nya.
"Huh? di ah" Di raw ,pero mukhang galit naman,ang mga babae talaga tsk'2
"Talaga? Ayoko kasing magalit ka saken :( " Ayoko naman talagang magalit siya saken eh,ang sakit kaya nun,yung taong mahal mo galit sayo! tsk! Naman kasi ang torpe ko,wala namang BF tong si Alice,matagal ko na rin sya kasing katext at kachat sa FB.
"Bakit naman?" reply nya,walanjo sasabihin ko ba?! Ayokong dumating ang araw na pagsisihan ko ang nangyari na di ko sya niligawan! Wala namang mawawala saken kung ayaw nya,tsk wag naman sana.
"Ayokong magalit ang taong mahal ko saken </3" Oh ayan! nako! kinakabahan ako sa mga sinasabi ko.tss
"MAHAL MOKO?!" ayan sabi ko na nga ba eh magagalit sya,tsssk!! ang sakit!
"Sorry,kung ayaw mo okay lang naman eh,pwede mokong layuan sa mga pinagsasabi ko,atleast nasabi ko na yung mga dapat kung sabihin,Oo Alice since 1st year palang! Crush kita ngunit lumalim yung nararamdaman ko para sa'yo,na umabot sa punto na MAHAL NA KITA,Alice! pwede ba tayong mag-usap ngayon? Pupuntahan nalang kita sa inyo,gusto ko lang kasi masabi sayo ng personal yung nararamdaman ko" korny dre,Okay lang to atleast nasabi ko na,mahal ko tong babaeng to eh! Ano pa ba magagawa ko? 1st time ko nag confess sa isang babae,wala pa akong masyadong alam tsk! ang weird ng feeling nato! Papayag kaya sya? Pano kung hindi? Nung naesend ko na nagreply naman sya kaagad.
"Sige,Hintayin nalang kita sa labas." Yun lang yung sagot nya,pupuntahan ko ba sya?Kinakabahan ako baka ayaw nya saken.Bahala na.Nagbihis na ako at dumeretsu sa kanila,Nakita ko siyang naka tayo sa may kotse nila,linapitan ko siya at.loading loading loading..................HINUG niya ako! Nanaginip pa ako,pinisil ko yung mukha ko,HINDI!
"Mayver! Mahal na mahal rin kita! Di ako makapaniwala na may gusto karin sa akin!" Totoo ba 'tong mga naririnig ko? Sampalin nyo nya ako mga dre! Di ko napansin na nakatulala na pala ako ng hinalikan niya ako >//////////////////////////<
"Mayver! Hoy! Wag ka munang mamatay magpapakasal pa tayo!" sigaw nya saken ,at dun lang ako natauhan!
"Alice! totoo ba 'itong nangyayari? Sampalin mo nga ako" nung sinampal nya akong ng pagkalakas-lakas,alam kong di ako nanaginip,shit! totoo to! Ang babaeng mahal na mahal ko ay mahal rin ako!
"Alice,alam mo gusto na gusto na gusto na gusto kita! Kulang nalang euwi kita sa amin eh! HAHA Yung totoo gusto mo rin ba talaga ako?"
"Ay hindi Mayver! Nagjojoke lang ako! hmp!" Naglakad na siya pabalik sa bahay nila,ngunit hinila ko siya at hinalikan,syempre di yung iniisip nyo ha! BAD yun!
"I love you Alice! Will you be my GF?" Alam kong masyadong mabilis ang pangyayari,wala na eh nasabi ko na haha,papakawalan ko pa ba to? Mahal ko to eh!
"I love you too Mayver! and YES!" Sinagot na nya ako! Sa wakas naging kami rin!
"WAG NA WAG MO NG SUSUKLAYAN YUNG MGA KAKLASE NATING BABAE LALONG-LALO NA YUNG SI TRES!" sigaw nya saken,hahaha kaya pala! Nagseselos pala siya sa mga kaklase naming mga babae.
"Oo,selosa mo babe!" sabi ko kanya tsaka hinug.
HAHA THE END :)