Day 2.
Ok. Heto ako ngayon. Nakasuot ng sumbrelo, naka-shades, naka-jacket.... ---basta covered halos buong katawan ko. Bakit? Nagtatago, syempre. Lintik na mga halimaw yun ee. Gusto ata ako lapain ng buong buo.
Ok, naka-survive ako mula sa patio hanggang sa gate, hanggang sa hagdan. Grabe, mukha akong tanga kanina. Ako lang yung balot na balot. Plus, summer, tapos ako naka-jacket? Ee wala ee, kelagang magtago. Incognito na ako, sa wakas. Walang nakapansin na ako yung engot na lalaking balot na balot. Yes. Successful. Eto na ngayon sa corridor. Grabe, ang-aga ko pala pumasok. Pero ayos na din. At least makakapagpalit na ako ng damit. Grabe, tulo na pawis ko. Para akong naligo. Nanglilimahid yung mukha ko. Pati nga ata yung salamin nabasa (-_-) ... Kainis nmn kase, bakit ba kelangan ako pa yung maging pinakagwapo dito? Anghirap kaya.
Angtahimik sa corridor. Medyo madilim. May tatlong rooms sa corridor namen. Bandang dulo yung room ko, at dun lng yung may ilaw. Kumikisap-kisap pa. Nu bayan, medyo nakakatakot lalo na't ako plang magisa sa corridor na to.
Nagsimula na akong maghubad ng suot ko. Hindi nmn kasi panghabang buhay tong suot ko e. Una yung sombrero, then glasses, next yung jacket na super wet na. Then, yung t-shirt ko na halos mapiga ko na dahil sa tumatagaktak kong pawis. Angbaho na ng amoy ko. Amoy mama na. Kelangan ko ng shower. Oo, may shower dito sa school. Kahapon ko lng nalaman, and namangha ako. Hahaha! Medyo ignorante kasi ako ee.
So habang kinakalkal ko ang bag ko para kunin yung sabon at twalya, may narinig ako... ---mga yabag. Parang dahan-dahang papalapit saken mula dun sa madilim na part sa dulo ng corridor. Tinanaw ko. Wala naman. Continue lang sa pangangalkal, nang narinig ko ulit yung mga yabag. This time, mas malakas. Parang malapit na malapit na sya. Tumayo balahibo ko, ewan ko kung bakit.
Nagmadali ako sa pangangalkal. Baka kung ano pa lumabas mula sa dilim na yun ee.
Paalis na ako nang bigla ko ulit marinig yung nga yabag. Hala ka, di ako nakagalaw. (para sa isang gwapings na katulad ko, aaminin ko, medyo duwag ako) Tapos, mula sa madilim na parte, may unti-unting lumabas. Angputi nya. Long sleeves at nakapalda, checkered, itim. Mahaba buhok. Hala, ano 'to, white lady?
Tumingin sya saken, sabay sigaw.
"Hoy! Anong ginagawa mo jan!!!"
Takte. Nawala yung takot ko.
Dali-dali kong kinuha yung twalya at isinabit sa balikat ko habang papalapit sya.
"Hoy, tinatanong kita, anong ginagawa mo at nakahubo ka dyan? Di mo ba alam na bawal sa school ang pagpapakita ng parte ng katawan na kala---"
Natigilan sya. Bigla syang napatitig sa bandang gitna ng katawan ko. Tumingin ako sa kanya, sinundan ko kung saan sya nakatingin...
----sa abs ko?
Bigla kong tinakpan yung katawan ko. Kinabahan ako, nakorner ata ako shet (di bale, maganda naman yung babae, maputi, sexy, tama lang yung height nya and super duper cute nya. Yun nga lang masungit. Anyway, we'll get to that story later).
"Ma-, mag-.... Magbihis ka ngaaa!!!"
Binulyawan ako sabay karipas ng takbo. Hala, anyare? May mali ba sa tyan ko? Ee 6-pack abs lng nmn to...
Hayst. At least sya lang nakakita sa aken. Ano kaya pangalan nya? Hmm...
*Note to myself:
Iwasang magpakita ng katawan sa babae, baka kung ano mangyare.
p.s. At least ngayon positive yung nangyare. Sana laging ganun. *
BINABASA MO ANG
Diary ng Gwapo
Teen FictionHindi mo mababatid kung kelan darating ang isang bagay. Hindi rin natin malalaman kung kelan ito mawawala.