Kutilyon

22 0 0
                                    

lumalamig ang hangin.

sabi ni mama dati, wala naman daw talagang permanente sa mundo. lahat nawawala, lahat naglalaho. di ko yun naintindihan kasi bata pa ko nun. e ano bang paki ko? hindi ko naman alam kung pano nangyayari ang lahat ng bagay. ang alam ko lang noon ay maglaro ng jolen at makipaghabulan sa may highway. yun lang. wala nang iba.

limitado ang lahat nung bata pa ko, maraming bawal, maraming hindi pwede. kaya umikot lang ang buhay ko sa pagpindot ng joystick, pagbuo ng tao mula sa sipit ng sinampay at paminsan-minsang pagbibike sa kalye. hanggang dumating si Aira sa buhay ko. lahat nagbago.. 

nagsimula ang lahat nang di ko alam. basta nangyari yun nang mabilis. nang hindi mo inaasahan. na wala kang ideya sa mangyayari. halos lahat ng bagay sa paligid mo, bago.

" Archie, nakita mo na ba? iniwan ko dun sa locker mo. sa R-13 diba?", tanong nya sakin. bumagal ang takbo ng mundo ko. Loading.......

"Archie, crush kita. In Love ako sa'yo." parang unti-unti akong nilipad sa langit kasama ng  mga kerubin. hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

naalala ko pa nung nagpasama sya saken sa Recto para magpagawa ng mga invitation para sa debut nya. nasa kahabaan kami ng Legarda noon nang sabihin nya saking ako lang daw talaga. ako lang at wala nang iba... natulala ako sa kanya. iniyakap nya ang kanyang mga bisig sa baywang ko. tumingkayad sya at pinisil ang ilong ko... ako lang daw ang bestfriend nya.

"di ba sabi ko sayo walang maiinlove sa isa't isa? 'wag ka ngang hopia!"

gumuho ang mundo ko... pero ayos lang, ganun naman daw talaga sabi ni mama.

"Gago ka ah! umalis ka na dito, babasagin ko yang mukha mo." nanggagalaiti kong sinabi sa snatcher. saktan nya na ko, wag lang si aira. T*ng *** nyaaaa!

bumalik kami sa office. lahat ng co-writers namin nakatingin. lahat ng galaw namin ni Aira may malisya. ang hirap gumalaw sa lugar na lahat ng galaw mo may meaning. ni ngiti mo may ibig sabihin. pero nasanay na 'ko. pangalawang taon na namin sa pub e, di pa ba ko masasanay?

"Chie, may plano akong gawin. gusto ko gumawa ng novel. tulungan mo ko, please." di ko na sya natanggihan. gusto nya daw yun matapos bago sya magdebut. yun na daw ang regalo nya sa sarili. isa yun sa mga naging pangarap naming dalawa.

"Chie, pag naging teacher na tayo, gusto ko magkasama tayo. gusto ko lagi kitang kasama sa paggawa ng lesson plan. sabay tayo." ano pa ba? syempre gusto ko rin yun.

"Chie, pag nagmahal ka ba ng taong hindi mo mahal tapos umasa ka, yun na ba yung tinatawag na pagiging ilusyonada? i mean, yung pagiging assuming?", tanong nya saken minsan. di ko sya sinagot.

Hanggang isang araw, nag-iwan sya ng sulat sa locker ko. ikinatakot ko yun.. naghalo-halo lahat ng emosyon na meron ako. pano kung love letter yun? pano kung umamin na syang gusto nya ko?

isa lang naman ang ikinatatakot ko e, baka mawala yung friendship. pero tingin ko ayos lang kung ganun man ang mangyayari, at least natupad ko na yung pangarap naming dalawa. patapos na kami sa nobela.

Hawak ko na ang sobre. punong-puno ito ng dekorasyon at borloloy. halatang pinaghandaan nya.

unti-unti ko itong binasa. 

naalala ko ang mga sinabi ni mama, walang permanente, lahat nagbabago.

naalala ko ang mga tagpo namin Aira, walang permanente, lahat nagbabago.

naalala ko ang mga tanong nya saken, walang permanente, lahat nagbabago.

naalala ko ang ginagawa naming nobela, walang pamagat, walang paksa.

magulo. paikot-ikot. walang patutunguhan. tulad nitong kwento ko.

"Archie, crush kita. Inlove ako sa'yo." Sabi nya habang hawak ang mga rosas. hawak ko ang kanyang baywang at nakapatong ang kanyang mga kamay sa aking balikat. napakaganda ng musika.

patuloy pa rin ang pag-iilusyon ko habang iniisip ko kung paano ko isasayaw si Aira sa Birthday nya.

mahirap pa lang maging escort nya lang.

lumamig ang hangin.

dumilim, bumuhos ang ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KutilyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon