Miss Nobody No More

2.4K 11 9
                                    

Ako yung estudyante na walang social life, walang love life o ano pa man. Walang kakulay-kulay ang buhay ko. Ako yung estudyante na walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin basta may sarili ako mundo. Ang gusto ko lang gawin ay mag-aral ng mag-aral ng mag-aral. Kung tatanungin mo ako kung bakit wala ako masyadong kaibigan yun ay dahil maaarte ang mga tao dito sa school na pinapasukan ko. Palibhasa mayayaman kaya mga spoiled brats. May taglay namang bait kaya lang minsan ang plastic talaga eh. Walang ginawa kundi magyabangan. Pamahalan ng sapatos, bag, alahas,mga gadgets at kung ano ano pang pwedeng nilang ipagmayabang na hindi naman dapat. Minsan nga padamihan at pagwapuhan lang sila ng boyfriends -_- Basta naiinis at naiiyamot ako sa mga ganong klase ng babae dito pero hindi ko naman sila linalahat. Yung mga lalaki naman kung makaasta kala mo sobrang gwapo, eh hindi naman masyado. Feeling mga Diyos kung mag hari-harian sa school at kung maka pang bully nako nakakaputok ng butsi. Kawawa tuloy kaming mga nerds. Ayan ha, inamin ko na isa akong nerd \^_^/

 But that was not until pagtripan ako ng mga classmates ko. Bigla ako nagbago, not totally nagbago pero kinailangan kong ipakita sa kanila ang tunay na ako. Sabihin na nating I am hiding my true identity behind my thick nerdy glasses. I’m Akisha by the way.

Teka pansin nyo yun? Ang bitter ko sa mga gwapo no? Hahaha allergic ako sa kanila eh. Secret lang natin to ah? Kapag napaclose ako sa gwapong lalaki or nadikitan ako or nahawakan nanlalamig ng sobra yung mga kamay ko. As in yung malamig na malamig and I hate that feeling! Kaya nga lumalayo agad ako hahaha XD So pagnanlamig yung mga kamay ko alam nyo na ha.

Miss Nobody No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon