Crizhel POV.
Kasalukuyang nakahiga ako habang pinagmamasdan ang puting kisame sa aking silid..nararamdaman ko na naman ang kirot na dumadaloy sa aking katawan,dala narin siguro ng mga gamot na inilalagay nila sa injection bago ito iturok sa aking kamay..
Pakiramdam koy,hilong-hilo ako sa bawat pagtitigko sa puting kisame..pumikit ako kasabay ng malalim na paghinga..
"Wala nakong nararamdaman crizhel!!hindi ko na nararamdaman yung dating tayo!!wala nakong nararamdaman sa bawat galaw mo!!im sorry,ayoko ng patagalin pa,masasaktan lang tayong dalawa!!im sorry,i know im such a bastard!!darating din yung taong magpapasaya sayo,yung lalaking hindi ako"
Mga katagang Unti-unting sumasaksak sa puso ko..wala akong panahon para pagtuonan ang mga bagay na magpapalala ng sakitko,pero ano ako ngayon??paulit-ulit na dinudurog ang puso ko dahil lang sa mga katagang kanyang isinampal sa akin..
Hindi ko namamalayan,dumaloy na pala ang mga likidong sa aking mata ay kanina pa gustong bumagsak..
Naaalala ko na naman kung paano niya ako iniwan..pagod nako!!pagod nako sa lahat ng bagay!!ayoko na!!suko na ako!!
Biglang bumukas ang pinto ng aking silid kasabay ng pagbukas ng dalawa kong mata..kita ko ang isang lalaking pumasok na hawak ang isang tray ng pagkain..napansinko naman ang kanyang suot..isa itong nurse..
"Eto na po pala yung result ng laboratory niyo, alcoholic intoxihation ang kasalukuyang inyong nararamdaman,dala nito ng pag inom niyo ng maraming alak..limang araw po ang naka schedule sainyo dito sa ospital,by this friday discharged napo kayo" nilapag naman niya ang papel kasabay ang paglapag niya ng pagkain sa ibabaw ng bedside table..
"Kain na po kayo maam" saad niya.
Wala din naman akong gana kaya hindi ko nalang ito pinansin at tuluyang pinikit ko aking mga mata.
"Masarap po yang soup maam,bangon napo kayo at baka lalamig yang pagkain" i can feel to his voice that he's worried..
"Its okey,ill just eat,later,magpapakuha nalang ako ng bago" sabi ko na nakapikit parin..
"Mas tatalab po yung gamot niyo kapag kakain na po kayo ngayon"
Nainis nako sa kanya kaya minabuti kong imulat ang aking mga mata at nilingon ito..humugot muna aki ng lakas bago magsalita..
"Just leave me alone!!"
Kita ko sa expresyon nito ang gulat na itsura habang nahinto sa pag-aayos ng pagkain na kanyang dinala..
Hindi naman kase niya kailangan pang magdala ng pagkain,unless sinabiko!!
"Bakit ba kase ang tigas tigas ng mga ulo niyong mga pasyente!!kami na nga yung gumagawa ng paraan para maging okey kayo eh" aba't sumasagot pa talaga siya a!!
"You can leave,NOW!!" Diniinan ko ang pagkakasabi non para lumabas na siya dahil pinapalala niya yung sitwasyon..
Naglakad din naman ito pero Laking gulat ko nong nagsalita pa siya bago lumabas ng pintoan.
"I was just concerned sa lahat ng pasyenteng i hahandle ko,im sorry..by the way,huwag ka na ulit iiyak,mas nakakasama yan sayo" saka niya isinara ang pinto..
I felt guilt ng mapagtanto kung concerned nga talaga siya..napansin din siguro niya na namumugto narin ang mata ko dala ng pag-iyak ko..
Bakit pa kase ako umiiyak??iniwan lang naman ako ng taong minahal ko sa loob ng tatlong taon..wala naman akong pinagsisisihan dahil marami namang masasayang ala-ala na iniwan niya..mga ala-alang kailan may hindi na mauulit pa..
it was just a break up!!marami pa akong pwedeng gawin sa mundong ito..marami pa akong plano na dapat ay ginagawa ko na ngayon at hindi ang magmukmuk sa ospital na ito..natawa naman ako ng pagak..baliw na yata ako..
Napatingin naman ako sa pagkain na iniwan ng nurse saakin..inayos ko ang pagkaka upo at kinuha ang pagkain tsaka dali dali ko itong sinubo..diko namamalayan naubos ko na pala..
"Ayoko ng masaktan pa" iyan lang ang lumabas sa aking bibig bago ako matulog at magpahinga..
Sisiguraduhin kong hindi na ulit ako iiyak.. From now on,magpapaka tapang na ako..pag iisipan kona lahat ang mga desisyonko..hindi na ako magpapauto sa mga taong sasaktan lang ako.. Tutuparin ko ang mga pangarap ko..
Pinikit konarin tuluyan ang aking mga mata..
YOU ARE READING
A thousand years for us
RomanceSa unang pagkakataon na gumawa ako ng istorya dito sa wattpad,sana po'y suportahan niyo ang bawat karakter na bibigyang buhay ko.para po ito sa mga taong naghahangad ng totoong pagmamahal :) sa ating panginoon salamat po sa binibigay niyong chance n...