Crizhel POV.
"Maam gising na po" paulit-ulit na binibigkas ng isang lalaki habang nakapikit parin ako..
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata upang masilayan kung sino ang lalaking ito na kanina pa ako ginigising..
Nagulat naman ako sa nakita ko dahil imahe ng isang lalaking nakauniporme na isa sa mga nurse..na ala-la ko naman agad ang nangyaring eksena kaninang umaga ng sumbatan ako ng lalaking ito..
"Anong kailangan mo??" Sabi ko sakanya na pilit ginagawang blanko ang expreksyonko..
"Alas dos na ng tanghali kailangan niyo na pong inumin itong gamot miss" iniabot naman agad niya ang gamot at isang basong tubig..Kinuha ko naman kaagad iyon at ininum ng deretso..
Bakit kase nasaan na sina mommy at daddy..gusto ko na sila yung nag-aalaga saakin sa panahong kailangan ko sila..pero kailan man sa trabaho parin nakatutok ang kanilang attensyon..
Natauhan naman agad ako ng bigla nalang tumikhim ang nurse sa tabiko..ano bang problema ng lalaking ito??naiinis nako sa mga galaw niya..
"Mr.leonardo,Your dad hired me as your private nurse" nabuhay ang dugo ko at unti unting bumilis ang tibok ng puso ko sa salitang binitawan niya..
"What??!!" napasigaw ako dahil narin sa pagkabigla..
"Do you want me to repeat what i told you a while back??" Sarkastikong saad niya sabay nag grin,bagay na ikinainisko
"Well,Jared Kyrie padington,your private nurse" binigyan naman niya ako ng napakalaking ngiti,kita ko ang malalim na biloy sa kanyang pisngi..tsaka niya iniabot ang kanyang kanang kamay saakin..
"Crizhel jade medina" Iniabotko naman ang aking kamay..hindi kona hinintay pang sumagot ito at tinanggal ko ang pagkaka hawak niya sa kamay ko..bumuntong hininga din naman siya..
Nabalot ng katahimikan ang aking silid,abala naman siya sa pagsasa ayos ng mga kung ano-anong papel sa isang sulok..
"Gusto ko ng umuwi" basag ko sa katahimikan..wala naman akong nakuhang sagot sa kanya. Tuloy parin siya sa kanyang ginagawa. Malamang hindi niya narinig ang aking sinabi. Kaya minabuti ko na lang na ipikit ang aking mga mata upang makapag pahinga na.
Ilang minuto pa'y nakatulog na ako...
*************************
Bumukas ang pinto ng aking silid at niluwa nito ang matangkad,maputi,bilogang mata ng isang lalaki,yung taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko,ang taong gustong-gusto kong makasama,yung taong mahal na mahal ko..
Dala nito ang isang boquet na white roses at isang paper bag na mukhang pagkain ang laman..
Tanaw ko ang pagsilay ng kanyang ngiti bago tuluyang pumasok..tumalon naman ng bahagya ang aking puso..gusto kong kumaripas sa pagtakbo at salubungin siya ng isang halik..Gustuhin ko man pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa..
"Zhel" parang isang musiko na naglaro sa aking tenga habang binanggit niya ang aking pangalan..damang dama ko ang kanyang nararamdaman..
Palapit siya ng palapit saakin,pero habang palapit siya ay doon naman siya nawawala ng parang bula..
Nakadama ako ng kirot sa aking katawan..tumayo ako mula sa pagkaka upo sa kama upang hanapin ang taong mahal ko..pinilit kong maglakad,hindi ko alintana ang bawat kirot na nararamdaman ko..
"Dwayne!!!Dwayne!!!please bumalik ka sakin!!mahal na mahal kita dwayne please!! I beg you dwayne!!" Bumagsak ako kasabay ng pag-agos ng aking mga luha..
Wala na siya,iniwa na niya ako,hindi na niya kailan man maibabalik pa ang dating kami..
Ilang sandali lang ay Naramdaman kong may humawak sa balikat ko..dahilan para imulat ko ang aking mga mata at umupo ng bahagya..
"Ms.medina,nananaginip ka" saad ng nurse na ngayon ay nasa harapan ko na.
Wala akong maisagot sa kanya..isa lang palang panaginip..napasinghap ako at huminga ng malamim upang kumuha ng sapat na lakas para maibuka ko ang aking labi..
"Im sorry,naistorbo ba kita??" Iyun lamang ang lumabas sa aking bibig..halo halong emosyon ang aking nararamdaman sa ngayon kaya wala akong masabi..nararamdaman ko ang sakit at kirot sa bawat ala-ala naming dalawa ni dwayne..
"No,its okey..here,take this" saka niya iniabot saakin ang kanyang panyo..hindi ko namamalayan,umiiyak na pala ako..
Kinuha ko naman ito..nagpromise ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero talo ako!!heto na naman ang mga nagbabagsakang likido na dumadaloy sa aking pisngi..
"Stop crying..puwede mo naman akong sabihan kung anong laman niyan." Sabay turo niya sa aking puso..mas lalo akong umiyak sa sinabi niya..
Umupo siya sa tabiko at lumapit saakin.agad niya akong niyakap.nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa kanyang sinabi..
"Shssss..tahan na..kakampi mo ako,nandito lang ako..private nurse mo ako diba??stop crying!! Im here" tila isang boses anghel ang narinig ko habang sinasabi niya ang mga katagang iyan..
Nanlambot ang aking puso na kanina lang ay puno ng sakit at galit..napalitan ito ng magaan na pakiramdam..
"I wont leave you ms. Ill promise"
YOU ARE READING
A thousand years for us
RomanceSa unang pagkakataon na gumawa ako ng istorya dito sa wattpad,sana po'y suportahan niyo ang bawat karakter na bibigyang buhay ko.para po ito sa mga taong naghahangad ng totoong pagmamahal :) sa ating panginoon salamat po sa binibigay niyong chance n...