Photo Collection
Hinatid na ako ni Klein sa kwarto ko. Kanina ko pa syang napapansin na nakangisi sa akin. I don't know why Klein became like this. Basta naging ganito na lang sya noong dumating sya sa Time Square sa New York. Nakita namin sya doon ni Hermoine na may mga kasamang babaeng amerikano. Nakikipagflirt.
Umupo ako sa kama ko at nagpunas ulit ng buhok. Sa sofa naman umupo si Klein. Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang mga bungisngis nya.
"Just what the fuck, Klein? It's freaking annoying!" singhal ko sa kanya.
Tumayo sya at lumapit sakin sa kama. Pagkatapos ay humiga sa tabi ko.
"What happened Den?"
Lumingon ako sa kanya. Nakita kong unti-unting nawawala ang ngisi nya at naging seryoso na ang mukha nya.
"Nothing happened, Klein. Pumunta lang ako sa lake, nagswimming, nagpahinga. Nothing more." sabi ko sa kanya.
Narinig kong napabuntong-hininga sya. I know Klein. Kapag ganito sya alam kong may iniisip sya.
"Den?" I heard his hoarse voice. What the hell?
"Are you freaking drunk, Klein Charlton Fucking Salvacion Guevarra?" tumingin ako sa kanya.
He seems stressed. What could be the reason behind this drunk Klein? Hindi naman sya ganyan. He's the jerk typre of person but he's my happy pill in the family.
"Den?"
"Hmmm?"
Napatili ako nang hilain nya ako pahiga at niyakap. I missed these. Noong ako pa ang bunso sa kanila, laging si Klein ang katabi ko matulog. Minsan pumupunta sya sa kwarto ko para tumabi sakin. We have the same mind. Isang taon lang naman ang tanda nya sakin.
"I missed hugging you, cutie." sabi nya habang yakap ako.
I missed that too Kleiny. I missed you calling me that. Klein and I were so closed na hindi na kami mapaghiwalay noon. Pero noong nakilala nya noon si Claudette, he became so quiet. Kaya si Thorin na lang ang sumasama sakin kapag naglalaro kami nina Ash.
"Pupunta dito yung mga ikakasal bukas. Thorin insisted na dito na ganapin yung reception sa kasal. Kaya magmemeeting sila dito. Saka di ba kasama ka sa entourage?" sabi nya kaya tumango lang ako.
"Thorin is going to tie a knot soon, Klein." sabi ko.
Kahit hindi sabihin samin ni Thorin. Alam naming magsesettle na sya. Cleo and Thorin, matagal na sila. They've been couples for eight years. Kulang na lang talaga ang kasal.
"Hayaan mo na ang gurang na yun. Ang tanda na nya, torpe pa din." natawa ako sa sinabi nya.
Klein's right. Highschool pa lang silang dalawa ni Cleo ay magkasintahan na sila. Cleo was the campus queen. And Thorin, well typical campus heartthrob. Palagi silang pinagsasama sa lahat ng pairings. Naging thesis partners pa sila kaya lalo silang nagkasundo. When they're in third year high, Thorin courted her and they become a couple after six months. Nag-aaway sila but with Thorin's sweet gestures and efforts. Agad din nilang naaayos ang problema.
"Shut your mouth, Klein Charlton." nagulat kami nang marinig ang boses ni Thorin.
"Dude!" bati sa kanya ni Klein.
Thorin seemed amused. Ngumingiti-ngiti pa nga eh. Parang may gustong gawin pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.
"Urielle, someone's waiting downstairs. Bumaba ka na." sabi nya sakin at umalis na agad.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.