Chapter 3

62 11 2
                                    

Affected

"Ma'am Urielle?" sigaw ni Lina sa labas ng kwarto.

It's almost sunrise nung makatulog ako. Kinausap ko pa sina Carly at yung iba through skype. Marami kaming napag-usapan hanggang sa nakatulugan ko na ata ang pakikipag-usap sa kanila. Sa sofa pa ako nakaupo nung gabi. Ngayong pagkagising ko nasa kama na ako.

I'm sure Klein carried me.

"Ma'am Urielle? Nasa baba na po ang mga bisita." sabi nya.

"Coming!" sigaw ko.

I prepped myself. Lumabas na ako at nakasalubong ko si Klein only to see him only wearing boxers. Mukhang bagong gising ang lalaking 'to. Tinignan nya lang ako at naglakad pababa.

"Klein!" sigaw ko.

He's not planning on facing our visitors like that, is he?

Tumakbo ako para sundan sya. Naabutan ko naman syang nakatayo sa pinto ng dining hall. Buti naman. I thought he's going to lose it. Nakita kong lumapit sa kanya si Manang Asyon at kinausap ito. Napatingin naman sa gawi ko si Manang.

"Hija, kumain ka muna. Nasa garden ang bisita kasama sila ni Thorin." sabi sakin ni Manang.

Tumango na lang ako at pumunta sa dining hall. Naramdaman ko ding sumunod sakin si Klein. Nilingon ko sya at nakita kong nakapikit pa sya habang naglalakad. He is definitely not a morning person. Kailangang masanay na sya, dahil pagtatrabahuhin sya ni Thorin dito sa hacienda.

"Wake up big boy! We don't want Thorin shouting at us, don't we?" sabi ko.

Sabay kaming umupo sa dalawang magkatabing highstool. Hinahanda pa ni Manang ang almusal namin. Naamoy ko agad ang french toast sa pan. Pati yung freshly picked mango juice. One of reasons why I want to stay here.

"Damn hangover." rinig kong bulong ni Klein.

"Uminom ka ulit kagabi? Are you burning your liver?" sabi ko sa kanya.

Napatingin samin si Manang. Lalo na kay Klein na nakaub-ob na sa mesa.

Damn Klein! Ano bang nangyayari sa'yo?

"Manang pwede nyo po bang ipagluto si Klein ng asparagus soup?" sabi ko kay Manang.

Tinanguan naman ako ni Manang. Tinignan ko ulit si Klein. If Mom will see Klein like this, he'll be a dead meat for sure. Klein and drunk can't be in one sentence together. It's a disaster.

"Klein fix yourself. Mamaya makita ka pa ni Thorin." sabi ko.

I didn't get any answer from him. Inilagay na ni Manang yung pagkain sa mesa. I started to eat. Klein didn't even bugde on taking a bite. Tumigil ako sa pagkain at tumayo. Matagal pa bago maluto ni Manang yung soup. Gumawa na lang ako ng kape. Nang matimpla ko ito ay tinapik ko si Klein. Dinungaw nya ako pero nakatingin lang sya sa mga mata ko.

"Drink these first." sabi ko.

Ibinigay ko sa kanya yung mug at ininom naman nya yun. Tinuloy ko na ulit ang pagkain ko. Kumuha na rin si Klein ng pagkain nya. Pagkatapos ko ay iniwan kko na sya dun. Dumiretso na ako sa garden at nakita kong medyo marami ring dumating ngayon.

I saw Thorin and Cleo talking with some elders. They must be the parents of the incoming newly wed. And then I saw Ashton and Ali by the mini pool with some couples. Nakita ko rin yung nagsusukat ng damit para sa wedding.

"Urielle! Here!" it's Gabe's voice I think.

I roamed my eyes to find them. And then I saw a brown haired guy waving at me. I noticed that Gabe's with Hendrick and the other guy. I nodded at him in return before approaching them.

Urielle ( B&D Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon